You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
Schools Division of Nueva Ecija
SDO Llanera Annex

TALAAN NG ISPESIPIKASYON
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA AP 5
Bilang ng Bilang ng Kinalalagyan ng %
Blg. PAMANTAYAN SA PAGKATUTO Araw na Aytem bawat Tanong
Itinuro
1. Nasusuri ang pagbabago sa panahanan ng mga Pilipino sa panahon 8%
ng Español (ei pagkakaroon ng organisadong poblasyon, uri ng 3 4 1, 2, 21, 22
tahanan, nagkaroon ng mga sentrong pangpamayanan, at iba pa.)
AP5KPK-IIIa-1A
2. Napaghahambing ang mga tradisyunal at di-tradisyunal na papel ng
babae sa lipunan ng sinaunang Pilipino at sa panahon ng 2 3 3,4, 23 6%
kolonyalismo P5KPK-IIIb-2
3. Natatalakay ang pangangailangan sa pagpapa-buti ng katayuan ng 2 3 5,6, 24 6%
mga babae P5KPK-IIIb-2
4 Naipaliliwanag ang inpluwensya ng kulturang Espanyol sa kulturang 2 3 7, 25, 26 6%
Pilipino P5KPK-IIIc-3
5. Natatalakay ang bahaging ginagampanan ng Kristianismo sa kultura 2 3 8, 27, 28 6%
at tradisyon ng mga Pilipino P5KPK-IIIc-3
6. Nasusuri ang ginawang pag-aangkop ng mga Pilipino sa kulturang 2 3 9, 29, 30 6%
ipinakilala ng Espanyol P5KPK-IIIc-3
7. Naipaghahambing ang istruktura ng pamahalaang kolonyal sa uri 2 3 10, 31, 32 6%
pamamahala ng mga sinaunang Pilipino
AP5KPK-IIId-e-4
8. Naipaghahambing ang sistema ng kalakalan ng mga sinaunang 2 3 11, 33, 34 6%
Pilipino at sa panahon ng kolonyalismo
AP5KPK-IIId-e-4
9. Natatalakay ang epekto ng mga pagbabago sa pamamahala ng mga 2 3 12, 35, 36 6%
Espanyol sa mga sinaunang Pilipino
AP5KPK-IIId-e-4
10. Nakapagbibigay ng sariling pananaw tungkol sa naging epekto ng 2 3 13, 14, 37 6%
kolonyalismo sa lipunan ng sinaunang Pilipino
AP5KPK-IIIf-5
11 Naipaliliwanag ang di matagumpay na pananakop sa mga 2 3 15, 38, 39
katutubong pangkat ng kolonyalismong Espanyol 6%
AP5KPK-IIIg-i6
12. Natatalakay ang iba’t ibang reaksyon ng mga katutubong pangkat sa 2 3 16, 41, 42 6%
armadong pananakop AP5KPK-IIIg-i6
13. Natatalakay ang mga isinagawang rebelyon ng mga katutubong 2 3 17, 43, 44 4%
pangkat AP5KPK-IIIg-i6
14. Natataya ang sanhi at bunga ng mga rebelyon at iba pang reaksiyon 2 3 18, 45, 46 6%
ng mga katutubong Pilipino sa kolonyalismo AP5KPK-IIIg-i6
15. Nakabubuo ng konklusyon tungkol sa mga dahilan ng di 2 3 19, 47, 48 6%
matagumpay na armadong pananakop ng mga Espanyol sa ilang
piling katutubong pangkat AP5KPK-IIIg-i6
16. Nasusuri ang epekto ng kolonyalismong Espanyol sa pagkabansa at 2 3 20, 49, 50 6%
pagkakakilanlan ng mga Pilipino
AP5KPK-IIIi-7
17. Nasusuri ang epekto ng kolonyalismong Espanyol sa pagkabansa at 1 1 40 2%
pagkakakilanlan ng mga Pilipino
AP5KPK-IIIi-7
TOTAL 34 50 50 100
%
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT
Araling Panlipunan 5

Pangalan: ______________________________________Baitang/Pangkat________ Iskor:________


Paaralan:______________________________________ Petsa:__________________

I. TAMA o MALI

Panuto: Tukuyin ang sinasabi ng bawat ideyang inilalahad. Isulat ang salitang TAMA kung ang isinasaad ay wasto at isulat
ang salitang MALI kung ang isinasaad ay hindi wasto. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

_________ 1. Ang panahanan ng ating mga ninuno ay nagbago nang magsimulang mamalagi ang mga Español sa
ating lupain.
_________2. Gawa sa bato at tisa ang bubong ng bahay ng nakaririwasang Pilipino, matibay at malalaking kahoy naman
ang haligi nito.
_________3. Ang mga babae ay pinapayagang makisalamuha sa mga lalaki.
_________4. Sa panahon ng mga Espanyol, ang mag babae ay hindi rin kailangang makaabot sa mataas na pinag-
aralan.
_________5. Ang mga babae noon ay huwaran sa mga pamayanang nasakop ng mga Espanyol sa mga gawaing may
kaugnayan sa relihiyon.
_________6. Nawala na ang mga dating karapatan na naglalagay sa babae sa parehong pwesto tulad ng kanyang
kapatid na lalaki.
_________7. Nang dahil sa impluwensiya ng mga Espanyol, nakilala si Juan Luna sa kanyang Spoliarium
_________8. Ang mga prayle ang nagturo sa mga Pilipino ng paglililok at paggawa ng mga palamuti, estatwa, at imahen
para sa simbahan.
_________9. Ang tanyag na organong kawayan sa Las Piñas ay ginawa ni Padre Diego Cerra noong 1820.
_________10. Ang dating pamahalaang barangay ng ating mga ninuno ay napalitan at napasailalim sa pamahalaang
kolonyal ng Espanya.
________11. Tanyag na sentrong kalakalan noong panahon ng mga Espanyol ang Maynila na kilala sa tawag na Tondo.
_________12. Nagkaroon ng bagong pagpapangkat sa lipunang Pilipino noong panahon ng pananakop.
_________13. Sa kabila ng pagtutol ng mga Pilipino, sapilitang inilipat ng mga Espanyol ang kanilang mga tirahan.
_________14. Ang mga Espanyol ang may pinakamataas na katayuan sa lipunan sa ilalim ng pamahalaang kolonyal.
_________15. Bawat sasakyang pandagat na dumadaong sa Pilipinas ay may kasamang paring misyonero.
_________16. Upang maipaliwanag ang Kristiyanismo sa mga Pilipino, pinag-aralan ng mga misyonero ang mga
katutubong wika sa Pilipinas.
_________17. Ang mga Pilipino ay binibigyan ng pagkakataon na manumbalik sa katutubong pananampalataya
matapos na mabinyagan bilang Kristiyano.
_________18. May ilang katutubong tumangging magpasailalim sa Kristiyanismo.
_________19. Nagsimulang magtatag ng mga pamayanang Espanyol si Miguel Lopez de Legaspi sa Cebu noong ika-27 ng
Abril 1565.
_________20. Mula sa mga mananakop na Espanyol ay ninais ng mga dating datu na mabawi ang mataas nilang
katungkulan.

II. Multiple Choice


Panuto: Basahin at suriin ang mga sumusunod na pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

21. Ito ay lugar na sentro ng pueblo at matatagpuan sa paligid ng ang munisipyo, himpilan ng pulisya, hukuman,
paaralan at pamilihang bayan.
a. poblacion b. simbahan c. pueblo
22. Ano ang tawag sa uri ng malaking bahay noong panahon ng Espanyol may maluluwang na sala, malalaking silid at
may batalan at azotea.
a. antillean b. visita c. plaza
23. Sino ang nagging tagapag-ingat ng lahat na mahalagang kasulatan ng katipunan at himagsikan?
a. Gregoria de Jesus b. Diego Silang c. Melchora Aquino
24. Naging tanyag sa pangalang tandang Sora at taga-kupkop ng mga sugatang katipunero.
a. Gregoria de Jesus b. Diego Silang c. Melchora Aquino
25. Ito ay tawag sa mga silid sa entresuelo na gamit ng may-ari bilang tulugan sa tanghali at pahingahan.
a. comedor b. cuartos c. azotea
26. Bahagi ng bahay noong panahon ng mga Espanyol na kung saan naglalaro ang mga kabataan, nagmemerienda at
kung tumatanggap sila ng mga matalik na kaibigan.
a. caida o antesala b. biranda c. azotea
27. Ito naman ang tawag kung saan tinatanggap nila ang kanilang bisita upang makipagkwentuha.
a. caida b. balkonahe c. cuarto
28. Nagsisilbing imbakan ng mga palay at tulugan ng mga katulong na lalaki kabilang ang hardinero at nilalagyan rin ng mga
karosa na sinasakyan ng mga santo tuwing may prusisyon.
a. balkonahe b. biranda c. silong
29. Ang tawag sa lugar na kainan. Nakadispley sa platera ang nagagagandahang plato, tasa at pitsel na porselana na
nagmula pa sa China o Europe, mga kubyertos at mga baso.
a. balkonahe b. biranda c. comedor
30. Ito ay lugar na palikuran na binubuo ng dalawang upuan na may butas at maaaring gamitin ng sabay ng dalawang tao.
a. letrina o comun b. baño c. oratorio
31. Ito ay simbolo ng pagkakasundo ng dalawang datu o pinuno tungkol sa isang usapin.
a. sanduguan b. pagpipirma c. inuman
32. Ang pamahalaang sentral na itinatag ng Espanya ay pinamumunuan ng isang ______________.
a. punong cabeza b. gobernador heneral c. pueblo
33. Isang uri ng kalakalan na nagmumula sa Mehiko papunta sa Pilipinas, at pabalik, na isinasagawa noong panahon ng
Kastila sa Pilipinas. Ang mga produkto ay isinasakay sa mga galyon ng Maynila o kaya sa galyon ng Acapulco.
a. Kalakalang Galyon b. Barter c. Mopolyo ng Tabako
34. Ang mga sumusunod ay ang mga produktong ikinakalakal sa Kalakalang Galyon maliban sa _________.
a. palay, isda, kopra, niyog, torso at ginto b. mais, kabibe, pocelana c. pilak, tanso, nikel
35. Ano ang dahilan kung bakit pinag utos ng Haring Carlos na ang mga paaralan ay magturo ng wikang Espanyol?
a. Upang mahikayat ang mga Pilipino na maging Kristiyano higit ang mga nabibilang sa mataas na antas ng
lipunan
b. Upang maging mahusay ang mag Pilipino sa pagsalita ng Wikang Espanyol
c. Upang makapunta sa Espanya
36. Ito ay ang pagpapalitan ng kalakal na hindi ginagamitan ng pera o salapi.
a. barter b. encomienda c. sistemang galyon
37. Ano ang tawag sa mga uri ng Espanyol na isinilang sa Espanya at naninirahan sa bansang sinakop nila?
a. peninsulares b. insulares c. principaliares
38. Ano ang tawag sa mga uri ng Espanyol na isinilang sa bansang sinakop nila?
a. peninsulares b. insulares c. principaliares
39. Ito ay binubuo ng mga tagapangasiwa ng lupang mga panginoong maylupa.
a. principaliares b. inquilino c. hacendero
40. Nabigo ang mga isinagawang pag-aalsa ng mga Pilipino bunsod ng mga sumusunod na dahilan:
a. pagiging watak-watak ng Pilipinas; kawalan ng komunikasyon higit sa mga Pilipinong nasa liblib na
lugar at pagkakaiba-iba ng diyalekto;

b. kakapusan sa salapi at armas; hindi kasapatan ng kaalaman sa pakikidigma at pagiging mas


makabago ng armas ng mga Espanyol

c. lahat ng nabanggit

III. Pagtambalin

Panuto: Piliin ang tamang katawagan na binibigyang-kahulugan sa mga pangungusapsa ibaba mula sa listahan sa kanan.
Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

Hanay A Hanay B

______41. Tumutukoy sa puwersa at lakas-militar na a.Miguel Lopez de Legaspi


ginamit ng mga Espaῇol sa pananakop b. Martin de Goiti
______42. Nagpalaganap ng Kristiyano sa Katutubong c. paggamit ng espada
Pilipino
______43. Remontados d. 1565
______44. Ladrones monteses e. namumundok na mga Pilipino
______45. Agustinian f. 1577
______46. Franciscan g. Pilipinong nagnakaw sa kabundukan
______47. Jesuit h. 1581
______48. Dominican
______49. Recollect i. 1587
______50. Itinalagang pinuno ng puwersang Espaῇol j. 1605
sa Maynila k. misyonero
Ans. key
1. Tama 18. Tama 35 a
2. Tama 19. Tama 36 a
3. Mali 20. Tama 37 a
4. tama 21. c 38 b
5. Tama 22 a 39 b
6. tama 23 a 40 c
7. Tama 24 c 41. c
8. Tama 25 b 42 k
9. Mali 26 a 43 e
10. Tama 27 b 44 g
11. Tama 28 c 45 d
12. Tama 29 c 46 f
13. Tama 30 a 47 h
14. Tama 31 a 48 i
15. Tama 32 b 49 j
16. Tama 33 a 50 b
17. Mali 34 c

You might also like