You are on page 1of 2

Pangalan: ____________________________________________________________

Baitang at Pangkat: __________________________ Asignatura: Aralin Panlipunan 5


Guro: _______________________________

Leksyon : Quarter 4 Week 5 LAS 1


Pamagat : Pagbabagong Pangkultura sa Ilalim ng Kolonyalismong Espanyol
Layunin : Natataya ang partisipasyon ng iba’t-ibang rehiyon at sektor
(katutubo at kababaihan) sa pakikibaka ng bayan (P5PKBIVf-4)
Sanggunian : MELC, LM Araling Panlipunan 5 pp.194-204
Manunulat : Richel B. Baste

Ang sinaunang lipunang Pilipino ay nagbago noong panahon ng kolonyalismo sa


aspektong Panahanan, Panlipunan, at Pang-edukasyon.
Pagbabago sa Panahanan
Sa Panahong ito, nabuo ang pamayanang naaayon sa pamantayan ng mga
Espanyol. Dalawang pangkat ang nanguna sa pagtatag ng bagong pamayanan sa
Kolonya. Ito ay ang hukbong militar at misyonerong Espanyol.
Sistemang Reduccion – ito ay sapilitang paglipat ng tirahan ng mga katutubong
Pilipino sa mga kabayanan sa bisa ng kautusan ng Haring Philip II na ipinatupad ni
Gobernador-Heneral Luis Perez Dasmariñas. Sa pagpapatupad ng reduccion,
isinaayos ang pamayanan batay sa modelo ng isang lungsod sa Spain. Ang itinayong
pamayanan ng mga Espanyol sa Pilipinas ay tinawag na pueblo.
Sistemang Plaza- Ang layo ng isang tahanan mula sa plaza ay nagpapahiwatig
ng katayuan sa lipunan ng pamilyang manirahan dito. Higit na nakakaangat sa buhay
ang pamilyang nakatira malapit sa sentro.
Bahay na Bato – Ipinakilala ng mga Espanyol ang ganitong uri ng estrukturang
panirahan sa mga Pilipino at lumagananp ang konstruksyon ng bahay na bato noong
ika-19 siglo. Ang pagpapatayo ng ganitong uri ng tirahan ay naging simbolo ng antas
ng pamumuhay ng isang pamilya.
Gawain:
Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa patlang.
Panahanan pueblo bahay na bato
Reduccion hukbong military

__________1. Simbolo ng antas ng pamumuhay ng isang pamilya.


__________2. Isa sa aspekto ng sinaunang lipunang Pilipino na nagbago noong
panahon ng kolonyalismo.
__________3. Sapilitang paglipat ng tirahan ng mga katutubong Pilipino sa
kabayanan.
__________4. Pangkat na nanguna sa pagtatag ng bagong pamayanan.
__________5. Pamayanang itinayo ng mga Espanyol

You might also like