You are on page 1of 1

Pangalan: ____________________________________________________________

Baitang at Pangkat: __________________________ Asignatura: Aralin Panlipunan 5


Guro: _______________________________

Leksyon : Quarter 4 Week 6 LAS 1


Pamagat : Mga Katutubong Pangkat na Tinangkang Sakupin at Dahilan ng
Pagsakop
Layunin : Natutukoy ang mga katutubong pangkat na tinangkang sakupin ng
mga Espanyol at dahilan ng pagsakop.
Sanggunian : MELC pahina 42 AP5PKB- IVf-4;
Araling Panlipunan 5 LM. pahina 209-212
Manunulat : Jirah R. Manguerra

Naging masigasig sa pagpapalaganap ng kolonyalismo ang mga Espanyol sa


Pilipinas. Ginamit nila ang Kristiyanismo at mga patakaran tulad ng reduccion,
encomienda, polo y servicio, at tribute upang maipasailalim sa kanilang kapangyarihan
ang Pilipinas. Isa sa mga tinangka nilang sakupin ay ang mga Igorot sa Cordillera at
mga Muslim sa Mindanao.
Katutubong Pangkat Dahilan ng Tangkang Pagsakop
Igorot sa Cordillera *Deposito ng Ginto
*Monopolyo sa Tabako
*Pagpapalaganap ng Kristiyanismo
Muslim sa Mindanao *Pagpapalaganap ng Kristiyanismo
*Pagpapalawak at pagpapalakas ng kolonya

Gawain
Tukuyin kung tama o mali ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang TAMA o
MALI sa patlang bago ang bilang.
______________ 1. Ang mga Igorot sa Cordillera at mga Muslim sa Mindanao ay mga
katutubong tinangkang sakupin ng mga Espanyol.
______________ 2. Tinangkang sakupin ng mga Espanyol ang mga Muslim sa
Mindanao dahil sa mayaman ito sa depositong ginto.
______________ 3. Ang monopolyo sa tabako ay naghikayat sa mga Espanyol upang
sakupin ang mga Igorot sa Cordillera.
______________ 4. Isa sa mga dahilan ng pananakop ng mga Espanyol ay upang
mapalaganap ang relihiyong Islam.
______________ 5. Ginamit ng mga Espanyol ang relihiyon at ilang mga patakaran
upang maipasailalim sa kanilang kapangyarihan ang Pilipinas.
This space
is for the
QR Code

You might also like