You are on page 1of 3

Pangalan:_______________________________Baitang at Seksiyon:______________

Asignatura: Sining 5 Guro:__________________________ Iskor:______________


Aralin : Ikatlong Markahan, Week 7-8,LAS 3
Pamagat ng Gawain : Iba’t Ibang Gamit ng Printed Artwork
Layunin : Nasusuri ang pinaraming edisyon o kopya na naayon sa ayos
at pantay na proseso ng paglilimbag
Sanggunian : MAPEH Sining (A5PR-IIIh)
Manunulat : Anna Marie E. Delos Santos
Ayessa Marie R. Negrillo
Karen Ruth K. Peteros

Ang paglilimbag ay isang uri ng sining na nagpapakita ng kakayahan ng isang


bata sa paggamit ng iba’t ibang bagay. Kadalasan ang paglilimbag ay nagpapakita ng
dibuho. Maraming uri ang paglilimbag. Ang paglilimbag ay ay isang uri ng sining
nakapaloob rito ang iba’t- ibang katangian o elemento isa sa mga halimbawa ng
elementong ito ay ang tekstura.
Ang tekstura ay isang elemento ng sining na umaapela sa pandama o panghipo
sapagkat kalidad o katangian ito ng ibabaw ng anumang bagay. Maari itong makinis o
magaspang, madulas o mabako, manipis o makapal, o mapino o mahibo. Ang
pangunahing batayan ng tekstura ay ang midyum. Sa pagpipinta makinis ang water
color, magaspang naman kapag sa olyo o oil.
Gawain 1
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
_____ 1. Ang tekstura ay_____.
a. Katangian ng bagay na nahihipo, nadarama at nakikita
b. Katangian ng bagay na nahihipo lamang
c. Uri ng nararamdaman
_____ 2. Alin ang may magaspang na tekstura
a. bato
b. papel
c. unan
_____ 3. Alin sa mga sumusunod ang may makinis na tekstura?
a. Buhangin
b. Dahon
c. Bato
_____ 4. Ang tekstura ay halimbawa ng?
a. Elemento ng sining
b. Sining
c. Bagay
_____ 5. Ang paglilimbag ay isang uri ng
a. Sining
b. Tekstura
c. Alamat
awain 2
Panuto: Ilagay ang na mukha kung ito ay tama at na mukha
kung ito naman ay mali.
_______1. Ang paglilimbag ay isang uri ng sining.
_______2. Mahalaga sa isang sining ang kaayusan at kagandahan ng ginawang
disenyo.
_______3. Tekstura ang tawag sa nahihipo o nadarama o nakikita sa isang bagay
manipis man o makapal, magaspang man o makinis.
_______4. Ang tekstura ay isang uri ng elementong sining.
_______5. Sa paglilimbag may iba’t-ibang uri ng tekstura kagaya ng makinis at
magaspang.

You might also like