You are on page 1of 2

Pangalan: ____________________________________________________________

Baitang at Seksyon: ____________________________ Asignatura: HEALTH 5


Guro: _______________________________ Iskor: ______________
Aralin : Ikatlong Markahan, Ikaapat na Linggo LAS 2
Pamagat ng Gawain : Pag-iwas at Pagkontrol sa Paggamit at Pag-abuso ng
Gateway
Drugs
Layunin : Naipakikita ang kasanayan sa buhay sa pamamagitan ng
di paggamit ng gateway drugs.
Sanggunian : Health 5 Learner’s Material, MELCS (H5SU-IIIh-12)
Manunulat : Noemi K. Cuaresma
Sa kasalukuyang panahon halos 90% sa lahat ng inumin at pagkain kasama ang
caffeine na alam nating madaming naidudulot na sakit sa ating katawan. Ang mga
kabataan sa edad na 14-18 taong gulang ay nagsisimulang uminom at gumamit ng
sigarilyo. Nararapat lamang na maimulat sila sa masasamang dulot ng mga gateway
drugs upang habang maaga pa ay makaiwas na sila sa paggamit nito.
Pinaniniwalaang ang therapies ay epektibong panlunas para sa gumagamit ng tabako
at umiinom ng alak sa mga dismayadong pasyente.
Ang buhay ay mahalaga. Ito ay pinakamahalagang kaloob ng Diyos sa atin.
Iwanan at iwaksi na ang mga gawaing nakasanayang gawin. Magkaroon ng disiplina
sa sarili at suriin ang mga pagkaing dapat ihain sa hapagkainan. Iwasang gumamit ng
mga produktong may caffeine, alkohol at tabako sapagkat nalalaman na natin ang
masasamang epekto nito sa ating kalusugan. Kinakailangang matutong magdesisyon
ng tama at di magpapadala sa mga sinasabi ng mga kaibigan o kabarkada. Mahalaga
ring magkaroon palagi ng komunikasyon o pakikipag-usap sa bawat miyembro ng
pamilya upang malaman ang kalagayan ng bawat isa.
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng katotohanan
at
MALI kapag hindi.
_______1. Ang mga kabataan sa edad na 14-18 taong gulang ay nagsisimulang
uminom at gumamit ng sigarilyo.
_______2. Nararapat lamang na maimulat ang mga kabataan sa masasamang dulot
ng mga gateway drugs upang habang maaga pa ay makakaiwas na
sila sa paggamit nito.
_______ 3. Hindi mahalaga ang pakikipag-usap o komunikasyon sa bawat miyembro
ng pamilya upang malaman ang kalagayan ng bawat isa.
_______4. Sa kasalukuyang panahon halos 75% sa lahat ng inumin at pagkain
kasama ang caffeine ang nagdudulot ng sakit sa katawan.
_______5. Iwasang gumamit ng mga produktong may caffeine, alkohol at tabako
sapagkat may masamang epekto ito sa ating kalusugan. This space is
for the QR
Code

You might also like