You are on page 1of 5

Department of Education

Region III
Schools division of Zambales
Municipality of Subic
JOSEPHINE F. KHONGHUN SPECIAL EDUCATION CENTER
Wawandue, Subic, Zambales
`
Detailed Lesson Plan in Araling Panlipunan 7
I. LAYUNIN

Pagkatapos ng 60-minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang


magkamit ng 80 bahagdan ng pagkatuto ng mga sumusunod:

a. natutukoy ang mga patakarang ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas;

b. nakabubuo ng malikhaing presentasyon ukol sa patakarang ipinatupad ng


mga Espanyol sa Pilipinas; at

c. naibabahagi ang saloobin kung paano nakabuti at nakasama sa mga


Pilipino ang mga patakarang ipinatupad ng mga Espanyol.

A. Pamantayan Pangnilalaman

Ang mga mag-aaral ay napapahalagahan ang pagtugon ng mga Asyano sa


mga hamon ng pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng Silangan at timog
Silangang Asya sa Transisyunal at MakabagongPanahon (ika 16 hanggang 20 siglo).

B. Pamantayan sa Pagganap

Ang mga mag-aaral ay nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusurisa


pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng Silangan at Timog Silangang Asya sa
Transisyunal at Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo).

C. Kasanayan sa Pagkatuto

Nasusuri ang mga dahilan, paraaan at epekto ng pagpasok ng mga Kanlurang


bansa hanggang sa pagtatag ng kanilang mga kolonya o kapangyarihan sa Silangan
at Timog Silangang Asya. AP7KIS-Iva-1.1

II. NILALAMAN:

A.Paksang Aralin:

Kolonyalimo at Imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya.

 Patakarang Ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas

B. Sanggunian: Asya:Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, Modyul ng Mag-aaral


pahina 325.

C. Kagamitan: laptop, LED screen, batayang aklat sa AP7, yeso, Video clips
Patakarang Ipinatupad ng mga Espanyol https://youtu.be/8_BCMrkCGEA
III. PAMAMARAAN
Gawaing Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
a.1 Pagbati / Pagdarasal
Magandang umaga sa inyo! Magandang umaga rin po aming
Guro, Mabuhay!

Magsitayo tayong lahat para sa (Pangungunahan ng nakatalagang mag-


panalangin. aaral sa araw na iyon ang
panalangin.)
Bago umupo, ayusin ang mga upuan
at pulutin ang mga kalat sa ilalim nito.

a.2 Pagtatala ng liban sa klase


Sino ang lumiban sa klase? Wala po Ma’am!

Salamat at kumpleto ang lahat. 1,2,3, Mahusay!


Bigyan ng tatlong palakpak ang inyong
mga sarili.

a.3 Balik Aral

Bago tayo tumungo sa ating aralin sa


araw na ito ay magkakaroon muna tayo
ng balik aral sa pamamagitan ng
pagsagot sa sumusunod na katanungan.

-KRISTIYANISMO
______1. Relihiyong ipinalaganap ng
mga Espanyol sa Pilipinas.
-PORTUGAL
______2. Bansang kanluranin na
sumakop sa China noong unang yugto ng
imperyalismong kanluranin.
-SANDUGUAN
______3. Ito ay isang ritwal na ginagawa
bilang simbolo ng pakikipagkaibigan ng
mga Espanyol sa ating mga ninuno.
-FERDINAND MAGELLAN
______4. Isang Portugues na naglayag at
nabigong sakupin ang Pilipinas.
-ESPANYA
______5. Bansang kanluranin na
sumakop sa Pilipinas noong unang yugto
ng imperyalismong kanluranin.
-HOMONHON
______6. Isla sa Pilipinas na unang
pinagdaungan ni Ferdinand Magellan.
-MACTAN
______7. Lugar kung san naganap ang
labanan ni Lapu-lapu at Magellan. -MIGUEL LOPEZ DE LEGASPI

______8. Kastilang eksplorer na


nagtagumpay na masakop ang Pilipinas. -REDUCCION

______9. Patakarang naglalayon na


mailipat ang mga katutubo sa malalayong
lugar upang matiyak ang kanilang
kapangyarihan. -CEBU

______10. Lugar kung saan unang


ipinatayo ang unang pamayanang
Espanyol sa Pilipinas .

a.4 Pagganyak

Pagpapanood ng video clips.

Gabay na Tanong:

1. Tungkol saan ang napanood na Ang video clips po ay patungkol sa


video clips? mga patakarang ipinatupad ng mga
Espanyol sa Pilipinas.
B. Panlinang na Gawain

b.1 Paglalahad

Sinakop ng mga Espanyol ang Pilipinas sa


loob ng 333 taon kaakibat nito ay
nagpatupad sila ng mga patakaran upang
mapasunod ang ating ninuno.

b.2 Pagtatalakay ng Aralin.


Ngayon ay tatalakayin natin ang mga (Pagtatalakay ng aralin)
iba’t-ibang patakarang na ipinatupad ng
mga Espanyol.

Pamprosesong Tanong:
Ang patakarang ipinatupad po ng
1.Anu-ano ang patakarang ipinatupad ng mga Espanyol ay tributo, monopolyo,
mga Espanyol sa Pilipinas? pagpapalaganap ng kristyanismo, at
sentralisadong pamamahala.

Nakasama po ang mga patakarang


2.Ano ang epekto ng mga naturang ipinatupad ng mga Espanyol sapagkat
patakaran sa ating mga ninuno? ang mga patakaran po na nabanggit ay
nagpahirap sa ating ninuno.
Nakabuti po ang mga patakarang
ipinatupad sapagkat naisalin din po ang
mga kultura ng Espanyol sa ating Pilipino
tulad ng pagyakap sa relihiyong
Kristyanismo
C. Pangwakas na Gawain

c.1 Paglalapat

Hahatiin ang klase sa 3 grupo.

Pangkat 1: Patakarang Pangkabuhayan


Pangkat 2: Patakarang Pampolitika
Pangkat 3: Patakarang Pangkultura

Pamantayan sa Pagmamarka

Krayterya Puntos
Kaugnayan sa 5 puntos
Paksa
Presentasyon 5 puntos
Kooperasyon ng 5 puntos
mga Miyembro
Impak sa Madla 5 puntos

c.2 Pagpapahalaga

Paano nakasama at nakabuti sa mga Nakasama po ang mga patakarang


Pilipino ang mga patakarang ipinatupad ipinatupad ng mga Espanyol sapagkat
ng mga Espanyol? ang mga patakaran po na nabanggit ay
nagpahirap sa ating ninuno.

Nakabuti po ang mga patakarang


ipinatupad sapagkat naisalin din po ang
mga kultura ng Espanyol sa ating Pilipino
tulad ng pagyakap sa relihiyong
c.3 Paglalahat Kristyanismo.

Ibuod ang paksang tinalakay natin sa Ang paksang tinalakay po natin sa


araw na ito, anu-ano ang mga araw na ito ay ang pananakop ng mga
patakarang ipinatupad ng Espanyol sa Espanyol sa Pilipinas sa loob ng 333 taon
Pilipinas? kaakibat nito ay nagpatupad sila ng mga
patakaran upang mapasunod ang ating
ninuno. Ang patakarang ipinatupad po
ng mga Espanyol ay tributo, monopolyo,
pagpapalaganap ng kristyanismo, at
sentralisadong pamamahala.
IV. Pagtataya:
PANUTO:Tukuyin ang mga sumusunod. Gawing gabay ang mga salita sa loob ng
kahon.
Tributo Monopolyo Polo y servicio
Kristyanismo Sentralisadong Pamamahala Ilustrado
Kalakalang Galleon Gobernador Heneral Cabezza de
barangay
reduccion

____1. Ito ay patakarang pagbabayad ng buwis ng mga katutubo sa Espanyol.


____2. Ito ay patakarang sapilitang pinagtratrabaho ang mga kalalakihang edad 16-
60.
____3. Relihiyong ipinalaganap ng mga Espanyol sa Pilipinas.
____4. Ito ay tawag sa pagkontrol ng mga Espanyol sa kalakalan.
____5. Ito ay uri ng pamamahala ng mga Espanyol sa pamamagitan ng pagtatalaga
ng kanilang kinatawan
____6. Pinakamataas na pinunong Espanyol sa Pilipinas.
____7. Tawag sa mga Pilipinong itinuturing na may mataas na pinag-aralan.
____8. Isang uri ng kalakalan na gumagamit ng malalaking barko.
____9. Pinakamababang pinunong Espanyol sa Pilipinas.
____10. Patakarang naglalayon na mailipat ang mga katutubo na naninirahan sa
malalayong lugar.

Susi sa Pagwawasto:
1. Tributo
2. Polo y servicio
3. Kristyanismo
4. Monopolyo
5. Sentralisadong Pamamahala
6. Gobernador Heneral
7. Ilustrado
8. Kalakalang Galleon
9. Cabezza de barangay
10.reduccion

V. Takdang Aralin
Basahin ang teksto sa pahina 326-327 Batayang aklat sa Araling Panlipunan 7 at
sagutin sa kwaderno ang Gabay na tanong.

You might also like