You are on page 1of 6

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 7

I. LAYUNIN

Pagkatapos ng 60-minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang


magkamit ng 80 bahagdan ng pagkatuto ng mga sumusunod:

a. natutukoy ang mga patakarang ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas;

b. nakabubuo ng malikhaing presentasyon ukol sa patakarang ipinatupad ng


mga Espanyol sa Pilipinas; at

c. naibabahagi ang saloobin kung paano nakabuti at nakasama sa mga Pilipino


ang mga patakarang ipinatupad ng mga Espanyol.

A. Pamantayan Pangnilalaman

Ang mga mag-aaral ay napapahalagahan ang pagtugon ng mga Asyano sa mga


hamon ng pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng Silangan at timog Silangang Asya
sa Transisyunal at MakabagongPanahon (ika 16 hanggang 20 siglo).

B. Pamantayan sa Pagganap

Ang mga mag-aaral ay nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusurisa pagbabago,


pag-unlad at pagpapatuloy ng Silangan at Timog Silangang Asya sa Transisyunal at
Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo).

C. Kasanayan sa Pagkatuto

Nasusuri ang mga dahilan, paraaan at epekto ng pagpasok ng mga Kanlurang


bansa hanggang sa pagtatag ng kanilang mga kolonya o kapangyarihan sa Silangan at
Timog Silangang Asya. AP7KIS-Iva-1.1

II. NILALAMAN:

A.Paksang Aralin:

Kolonyalimo at Imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya.

 Patakarang Ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas

B. Kagamitan: laptop, LED screen, batayang aklat sa AP7, yeso, Video clips
Patakarang Ipinatupad ng mga Espanyol https://youtu.be/8_BCMrkCGEA
C. Sanggunian: Asya:Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, Modyul ng Mag-aaral
pahina 325.

III. PAMAMARAAN
Gawaing Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
a.1 Pagbati / Pagdarasal
Magandang umaga sa inyo! Magandang umaga rin po aming Guro,
Mabuhay!

Magsitayo tayong lahat para sa (Pangungunahan ng nakatalagang mag-


panalangin. aaral sa araw na iyon ang
panalangin.)
Bago umupo, ayusin ang mga upuan at
pulutin ang mga kalat sa ilalim nito.

a.2 Pagtatala ng liban sa klase


Sino ang lumiban sa klase? Wala po Ma’am!

Salamat at kumpleto ang lahat. Bigyan 1,2,3, Mahusay!


ng tatlong palakpak ang inyong mga sarili.

a.3 Balik Aral

Bago tayo tumungo sa ating aralin sa araw


na ito ay magkakaroon muna tayo ng balik
aral sa pamamagitan ng pagsagot sa
sumusunod na katanungan.

______1. Relihiyong ipinalaganap ng mga -KRISTIYANISMO


Espanyol sa Pilipinas.

______2. Bansang kanluranin na sumakop -PORTUGAL


sa China noong unang yugto ng
imperyalismong kanluranin.

______3. Ito ay isang ritwal na ginagawa -SANDUGUAN


bilang simbolo ng pakikipagkaibigan ng
mga Espanyol sa ating mga ninuno.

______4. Isang Portugues na naglayag at -FERDINAND MAGELLAN


nabigong sakupin ang Pilipinas.
______5. Bansang kanluranin na sumakop -ESPANYA
sa Pilipinas noong unang yugto ng
imperyalismong kanluranin.

______6. Isla sa Pilipinas na unang -HOMONHON


pinagdaungan ni Ferdinand Magellan.

______7. Lugar kung san naganap ang -MACTAN


labanan ni Lapu-lapu at Magellan.

______8. Kastilang eksplorer na -MIGUEL LOPEZ DE LEGASPI


nagtagumpay na masakop ang Pilipinas.

______9. Patakarang naglalayon na -REDUCCION


mailipat ang mga katutubo sa malalayong
lugar upang matiyak ang kanilang
kapangyarihan.

______10. Lugar kung saan unang -CEBU


ipinatayo ang unang pamayanang
Espanyol sa Pilipinas .

a.4 Pagganyak

Pagpapanood ng video clips.

Gabay na Tanong:

1. Tungkol saan ang napanood na Ang video clips po ay patungkol sa


video clips? mga patakarang ipinatupad ng mga
Espanyol sa Pilipinas.

B. Panlinang na Gawain

b.1 Paglalahad

Sinakop ng mga Espanyol ang Pilipinas sa


loob ng 333 taon kaakibat nito ay
nagpatupad sila ng mga patakaran upang
mapasunod ang ating ninuno.
b.2 Pagtatalakay ng Aralin.
Ngayon ay tatalakayin natin ang mga
iba’t-ibang patakarang na ipinatupad ng (Pagtatalakay ng aralin)
mga Espanyol.

Pamprosesong Tanong:

1.Anu-ano ang patakarang ipinatupad ng Ang patakarang ipinatupad po ng mga


mga Espanyol sa Pilipinas? Espanyol ay tributo, monopolyo,
pagpapalaganap ng kristyanismo, at
sentralisadong pamamahala.

2.Ano ang epekto ng mga naturang Nakasama po ang mga patakarang


patakaran sa ating mga ninuno? ipinatupad ng mga Espanyol sapagkat ang
mga patakaran po na nabanggit ay
nagpahirap sa ating ninuno.

Nakabuti po ang mga patakarang


ipinatupad sapagkat naisalin din po ang
mga kultura ng Espanyol sa ating Pilipino
tulad ng pagyakap sa relihiyong
Kristyanismo
C. Pangwakas na Gawain

c.1 Paglalapat

Hahatiin ang klase sa 3 grupo.

Pangkat 1: Patakarang Pangkabuhayan


Pangkat 2: Patakarang Pampolitika
Pangkat 3: Patakarang Pangkultura

Pamantayan sa Pagmamarka

Krayterya Puntos
Kaugnayan sa 5 puntos
Paksa
Presentasyon 5 puntos
Kooperasyon ng 5 puntos
mga Miyembro
Impak sa Madla 5 puntos
c.2 Pagpapahalaga Nakasama po ang mga patakarang
ipinatupad ng mga Espanyol sapagkat ang
Paano nakasama at nakabuti sa mga mga patakaran po na nabanggit ay
Pilipino ang mga patakarang ipinatupad ng nagpahirap sa ating ninuno.
mga Espanyol?
Nakabuti po ang mga patakarang
ipinatupad sapagkat naisalin din po ang
mga kultura ng Espanyol sa ating Pilipino
tulad ng pagyakap sa relihiyong
Kristyanismo.

c.3 Paglalahat Ang paksang tinalakay po natin sa


araw na ito ay ang pananakop ng mga
Ibuod ang paksang tinalakay natin sa araw Espanyol sa Pilipinas sa loob ng 333 taon
na ito, anu-ano ang mga patakarang kaakibat nito ay nagpatupad sila ng mga
ipinatupad ng Espanyol sa Pilipinas? patakaran upang mapasunod ang ating
ninuno. Ang patakarang ipinatupad po ng
mga Espanyol ay tributo, monopolyo,
pagpapalaganap ng kristyanismo, at
sentralisadong pamamahala.

IV. Pagtataya:
PANUTO:Tukuyin ang mga sumusunod. Gawing gabay ang mga salita sa loob ng
kahon.
Tributo Monopolyo Polo y servicio
Kristyanismo Sentralisadong Pamamahala Ilustrado
Kalakalang Galleon Gobernador Heneral Cabezza de
barangay
reduccion

____1. Ito ay patakarang pagbabayad ng buwis ng mga katutubo sa Espanyol.


____2. Ito ay patakarang sapilitang pinagtratrabaho ang mga kalalakihang edad 16-60.
____3. Relihiyong ipinalaganap ng mga Espanyol sa Pilipinas.
____4. Ito ay tawag sa pagkontrol ng mga Espanyol sa kalakalan.
____5. Ito ay uri ng pamamahala ng mga Espanyol sa pamamagitan ng pagtatalaga ng
kanilang kinatawan
____6. Pinakamataas na pinunong Espanyol sa Pilipinas.
____7. Tawag sa mga Pilipinong itinuturing na may mataas na pinag-aralan.
____8. Isang uri ng kalakalan na gumagamit ng malalaking barko.
____9. Pinakamababang pinunong Espanyol sa Pilipinas.
____10. Patakarang naglalayon na mailipat ang mga katutubo na naninirahan sa
malalayong lugar.
Susi sa Pagwawasto:
1. Tributo
2. Polo y servicio
3. Kristyanismo
4. Monopolyo
5. Sentralisadong Pamamahala
6. Gobernador Heneral
7. Ilustrado
8. Kalakalang Galleon
9. Cabezza de barangay
10. reduccion

V. Takdang Aralin
Basahin ang teksto sa pahina 326-327 Batayang aklat sa Araling Panlipunan 7 at
sagutin sa kwaderno ang Gabay na tanong.

You might also like