You are on page 1of 4

ARELLANO UNIVERSITY

ELEMENTARY DEPARTMENT

DLP– Aralin blg. 1.1 Ang Konsepto ng Bansa


PANGALAN PETSA
BAITANG AT PANGKAT GURO
ASIGNATURA : Araling Panlipunan PANURUANG TAON :2023-2024 UNANG KAPAT

Paksang Aralin : Konsepto ng Bansa: Mga Elemento / katangian ng Bansa o Estado

Mga Layunin : Sa pagtatapos ng ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang :


1.Naipaliwanag ang konsepto ng bansa
2. Naipapaliwanag ang mga katangian ng isang bansa

Konsepto blg. 1.1


“.
1 . Ayon sa UP Diksyunaryong Filipino , ang bansa ay kumunidad ng mga mamamayan na may iisang
lahi , kasaysayan , wika , kultura at pamahalaan.
Ang isang bansa ay may sumusunod na mga elemento :
1.Teritoryo – ito ang permanenteng lugar na may hangganan na tinitirhan at pinagkukunan ng mga
pangangailangan ng mga mamamayan.
2.Pamahalaan – ang nagpapatupad ng mga batas at tumutugun sa mga pangangailangan ng mga
mamamayan.
3. Soberanya o Kalayaan -ito ang nagbibigay ng karapatan sa pamahalaan na pangasiwaan ang
teritoryong sakop nito.Kinakailangang Malaya ang isang estado mula sa pananakop sa ibang bansa.

* Tumutukoy rin ito sa kalayaang magpatupad ng mga programa nang hindi pinakikialaman ng ibang
bansa.
4. Mamamayan – ito ang pinakamahalagang elemento ng isang bansa.

2. Hindi maituturing na bansa ang isang bansa kung may isa o higit pang kulang alinman sa apat na
binabanggit na element o katangian. Ilang mga lugar sa mundo na maituturing na bansa ay ang United
States of America, Australia, United Kingdom, Saudi Arabia, at China
3. Ang Pilipinas ay isang bansa dahil; taglay nito ang mga elemento at katangian ng isang estado.
4. Ang mundo ay binubuo ng 195 malalayang bansa .
5 Ang United Nations o UN ay isang pandaigdigang samahan ng mga bansa. Itinatag ito noong ika-24 ng
Oktubre 1945 upang panatilihin ang kapayapaan at seguridad sa pagitan ng mga bansang kasapi nito.
6. Si Carlos P. Romulo ay ang kauna-unahang Asyano at natatanging Pilipino na naging pangulo ng
United Nations General Assembly.
7. Ang mamamayan ng Pilipinas ay kilala sa tawag na Filipino o Pilipino .
8. Ang Vatican City ang pinakamaliit na malayang bansa sa daigdig.
9. May pitong kontinente an gating mundo. Asia ,Europe ,Africa , North America,S.America,Antarctica,
at Australia. Sa kontinente ng Asia matatagpuan ang Pilipinas.
10. Sa Artikulo 1 ng Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987 , nakasaad ang hangganan at teritoryo ng
bansa.
11. Kontinente – malawak na kalupaan sa mundo na binubuo ng mga bansa.
12. Demokrasyang presidensiyal – ang uri ng pamahalaan na pinaiiral sa Pilipinas.

Pagsasanay blg. 1.1 Bahagi 1

A. Panuto . Kilalanin ang ipinahahayag sa bawat bilang. Isulat ang tamang sagot sa patlang.

________ 1. Bilang ng kontinente sa mundo.

________2. Kontinente kung saan makikita ang Pilipinas.

________3. Tawag sa malawak na kalupaan na binubuo ng mga bansa

________4. Bilang ng malalayang bansa sa mundo.

________5. Kumunidad ng mga mamamayan na may iisang lahi, kasaysayan, wika, kultura at

pamahalaan.

________6. Pinakamahalagang katangian na dapat taglayin ng isang bansa.

________7.Pinakamahalagang katangian na dapat taglayin ng isang bansa.

________8. Permanenteng lugar na pinaninirahan ng mga mamamayan.

________9. Nagpapatupad ng batas sa isang bansa.

_______10. Ang nagbibigay ng karapatan sa pamahalaan na pangasiwaan ang teritoryo.

_______11. Tawag ng mga mamamayan sa Pilipinas

_______12. Pandaigdigang samahan ng mga bansa.

_______13. Siya ang kauna-unahang asyanong Pilipino na naging panugulo ng United Nations

General Assembly

_______14. Ang pinakamaliit na malayang bansa sa daigdig

_______15. Salitang Pranses na ang ibig sabihin ay ditrito o katutubong lupain.

B. Panuto. Panuto. Sagutin ang sumusunod na mga katanungan.

1. Ano ang bansa ? Magbigay ng ilang halimbawa ng bansa.

_____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________.
2. Sa iyong palagay , bakit mahalaga ang mga batas o alituntunin ng isang bansa ?

___________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

Pagsasanay 1.1 Bahagi 2

A. Panuto . Lagyan ng tsek ang bilang ng pangungusap na nagsasabi ng katangian ng isang lugar para
maituring na isang bansa. Ilagay naman ang ekis kung hindi.
________1. May mga mamamayang naninirahan sa bansa.
________2. Pinamamahalaan ng iba ang bansa.
________3. Binubuo ng tao , pamahalaan at teritoryo lamang.
________4. May sariling pamahalaan
________5. May permanenteng lugar na tinitirhan at pinagkukunan ng mga pangangailangan ang
mga mamamayan.
B. Panuto. Iguhit ang masayang mukha kung ang sinasabi ng pangungusap ay tama at malungkot
na mukha kung mali.
________6. Ang pilipinas ay isang bansa.
________7. Hindi Malaya nag Pilipinas kaya hindi ito isang bansa
________8. Tao , teritoryo, at pamahalaan lamang ang kailanagan para maging isang bansa ang isang
Lugar.
________9. Ang Vatican ay maituturing na isang bansa dahil ito ay Malaya, may sariling teritoryo at
Pamahalaan at may mamamayan.
_______10. Ang lugar na pinakikialaman ng ibang bansa at alang sariling pamahalaan ay hindi maituturing na
na bansa.
C. Panuto. Isulat ang sarili mong pakahulugan sa isang bansa.

1.Ang Pilipinas ay isang bansa ________________________________________________________________


_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

2. Isang bansa ang Pilipinas dahil ___________________________________________________________

________________________________________________________________________________________
D. Panuto. Bilugan ang wastong salita na kokompleto sa pangungusap.
1. Ang mga ( soberanya , mamamayan ) ay ang mga taong namumuno at pinamumunuan sa isang estado .
2. ang ( soberanya , teritoryo ) ay tumutukoy sa mga kalupaan , katubigan , at himpapawirin na saklaw
ng kapangyarihan ng isang bansa.
3. Ang ( pamahalaan , mamamayan ) ay binubuo ng pangkat ng mga tao na may kapangyarihang pamunuan
ang bansa.
4. Ang ( soberanya, pamahalaan ) ay ang katas-taasan at ganap na kapangyarihan ng estado na pamahalaan
ang sariling nasasakupan nang hindi pinanghihimasukan ng dayuhang kapangyarihan.
5. Ang pagkakaroon ng ( soberanya, kaguluhan ) ay isang katangian ng isang malaya at nagsasariling bansa.

You might also like