You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
Batangas Provincial Sports Complex, Bolbok, Batangas City
1st SUMMATIVE TEST IN
ARALING PANLIPUNAN – IV
FIRST QUARTER

Pangalan: __________________________________ Petsa: _____________ Iskor: _________

I. Basahin ang mga pangungusap/tanong. Piliin ang at isulat ang letra ng sagot.
___ 1. Ito ay tumutukoy sa lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng tao na may magkakatulad na
kulturang pinanggalingan kung kaya makikita ang iisa o pare-parehong wika, pamana, relihiyon, at lahi.
a. teritoryo b. bansa c. pamahalaan d. lalawigan

___ 2. Ito ay tumutukoy sa lawak ng lupain at katubigan kasama na ang himpapawid at kalawakan sa itaas nito.
a. teritoryo b. bansa c. lalawigan d. mundo

___ 3. Sila ay samahan o organisasyong political na itinataguyod ng mga grupo ng tao na naglalayong magtatag
ng kaayusan at magpanatili ng isang sibilisadong lipunan.
a. bansa b. pamahalaan c. departamento d. organisasyon

___ 4. Ano-anu ang mga salik o katangian ng isang lugar para masabing isa itong bansa?
a. may tao c. may tao, teritoryo, at pamahalaan
b. may tao at teritoryo d. may tao, teritoryo, pamahalaan, at soberanya o ganap na kalayaan

___ 5. Alin sa mga sumusunod na lugar sa mundo ang maituturing na bansa?


a. Pilipinas b. United States of America c. China d. lahat ng nabanggit

___ 6. Saang bahagi ng mundo matatagpuan ang Pilipinas?


a. America b. Europe c. Africa d. Timog Silangan ng Asya

___ 7. Ito ang lokasyon ng isang lugar ayon sa kinalalagyan ng mga katabi o kalapit nitong lugar.
a. pangunahing direksiyon c. relatibong lokasyon o kaugnay na kinalalagyan
b. pangalawang direksiyon d. pagitan ng bansa

___ 8. Ito ang nagsisilbing representasyon o modelo ng mundo na may imaginary lines na
nakatutulong sa paghahanap ng lokasyon ng isang lugar.

a. globo b. mapa

___ 9. Anong bansa ang tinagurian bilang “Pintuan ng Asya” dahil sa kinalalagyan nito sa Pasipiko at bilang
bahagi ng kontinente at lupalop ng Asya?
a. Pilipinas b. Thailand c. Amerika d. Indonesia

___ 10. Ito ay tumutukoy lokasyon ng isang lugar ayon sa kinalalagyan ng mga katabi o kalapit nitong lugar.
a. relatibong samahan c. relatibong lokasyon o kaugnay na kinalalagyan
b. relatibong organisasyon d. ganap na kalayaan

I. Iguhit ang masayang mukha kung ang sinasabi ng pangungusap ay tama at malungkot na mukha kung
mali.
_____ 11. Ang Pilipinas ay isang bansa sapagkat ito ay malaya, may sariling teritoryo, may sariling pamahalaan,
at may mga mamamayan.
_____ 12. Maituturing lamang na isang bansa ang isang lugar kung nagtataglay ito ng apat na elemento ng
pagkabansa.
_____ 13. Tao, teritoryo, at pamahalaan lamang ang kailangan para ang lugar ay maging isang bansa.
_____ 14. Ang Pilipinas ay isang kapuluang napalibutan ng mga anyong tubig.
_____ 15. Ang lugar na pinakikialaman ng ibang bansa at walang sariling pamahalaan ay hindi maituturing na
bansa.

III. Pag-aralan ang mapa. Ano-ano ang makikita sa paligid ng Pilipinas ayon sa mga pangunahing direksiyon?
sa mga pangalawang direksiyon? Gamit ang mapa, sabihin kung ang mga sumusunod na pangungusap ay
TAMA o MALI. Isulat ang tamang sagot sa guhit bago ang bilang
_____ 16. Ang Pacific Ocean ay nasa silangang bahagi ng Pilipinas.
_____ 17. Ang Borneo ay matatagpuan sa hilagang-kanluran ng bansa.
_____ 18. Ang Cambodia ay nasa silangan ng Pilipinas.
_____ 19. Nasa hilagang-kanluran ng Pilipinas ang mga isla ng Paracel
_____ 20. Sa kanluran ng Pilipinas matatagpuan ang Vietnam.
_____ 21. Sa hilaga ng Pilipinas matatagpuan ang karagatang pasipiko.
_____ 22. Sa timog ng Pilipinas matatagpuan ang Celebes Sea at dagat Sulu.
_____ 23. Sa Silangan ng Pilipinas matatagpuan ang Thailand.
_____ 24. Sa kanluran ng Pilipinas matatagpuan ang Vietnam.
_____ 25. Sa sa timog-silangan ng Pilipinas matatagpuan ang isla ng Palau.

Goodluck!

Ma’am Jonalyn T. Malabrigo

You might also like