You are on page 1of 1

SAMAD A.

HADJI MADID
FIL102 YY1
EKO-KWENTO. (PAGATPAT)

A. Bigyang kahulugan ang mga sumusunod:


1. Pagatpat - Ito'y isang uri ng halaman na may taglay na asin dahil nabubuhay o tumutubo ito sa latian at
mapuputik na lugar malapit sa dagat o sa mga ilog.
2. Latian - Ito ay isang lugar na mababa at matubig kung saan ang lupa ay malambot. Karaniwan itong
matatagpuan malalapit sa dagat.
3. Putikan - Ang putik ay isang likido o halos likidong halo ng tubig at ilang kumbinasyon ng lupa at
buhangin.
4. Pamiminsala - Paagawa ng pagpapahirap sa iba; paninira; gumagawa ng malaking pinsala
5. Nasasawata - Mapigilan, makaabala o humarang. Karaniwan ito nagpapakita ng agad pangangailangan
na mapahinto ang isang pangyayaring hindi kanais-nais.

B. Pagpapaliwanag.
1. Anong mahahalagang bagay Ang naiaambag ng punong Pagatpat?
Maliban sa puwedeng gawing panggamot ang puno ng pagatpat, maari din itong gamitin sa paggawa ng haligi,
pinto, sahig, dingding at kahit sa mga pantalan at tulay dahil sa taglay nitong katigasan.
2. Ano Ang naging pangjihinuha ni Inday sa kapaligiran?
Mapupuna natin ang Kamay ng Diyos sa iba’t ibang tanim, puno, ibon, hayop at maging mga tao. Iba-iba ang
silbi natin at kung iisipin lamang natin ang kabutihan ng Diyos sa pagbibigay ng buhay sa atin at sa ibang mga
bagay sa ating kapaligiran, makikiayon tayo sa kalikasan.
3. Ano ang naging puna ni Kiko tungkol sa nangyari sa kapaligiran?
Maraming mga makapangyarihan sa ating mga kababayan, mayayaman, mga nasa kongreso at matataas ang
puwesto sa pamahalaan ang siya pang nakasisira sa ating mga kagubatan. Sila ang mga illegal loggers. Mas
higit po ang pinsalang nagagawa nila kaysa mga kainginerong tulad ng tatay niya.
4. Paano pinatitingkad mula sa eko kwento na Pagatpat ang tagpuan at banghay.
Dapat pahalagahan ang kalikasan dahil lahat ng mga bagay sa mundo ay may kanya kanyang obligasyon, tulad
ng mga puno na tumitibay ang mga bundok dahil sa mga punong nakatanim dito, tumitibay ang mga lupa para
hindi ito gumuho , at ipinapahitawig din sa ating ng eko kwentong ito na kailangan nating maging maingat sa
mga iboboto natin na mga hahawak sa pamahalaan, para maging maganda at hindi masira ang ating
kapaligiran dahil pwede nilang ipag bawal ang mga bagay na makakasira sa ating kalikasan tulad nalang sa
pagkakaingin.

You might also like