You are on page 1of 3

Pangalan: Engelbert P. Quimson Petsa: Oct.

4, 2021
Baitan at Pangkat: 10-SPA-ODL 1

QUARTER 1-ACTIVITY #2: Suliranin at Pagtugon sa Isyung Pangkapaligiran

Gawain 1: Tara’t Balikan Natin!


Panuto: Muling balikan ang nakaraang aralin. Anong suliraning pangkapaligiran ang lubhang nakabagabag sa iyo sa
natural disaster? Bakit? (20 pts. 150-200 Words)

Suliranin:
Deforestation

Dahilan:
Maraming masamang maidudulot ang deforestation o matinding pagpuputol ng mga puno sa ating
kalikasan at sa ating buhay. Ano nga ba ang mga dahilan at epekto ng deforestation sa atin at sa kalikasan?

Ang deforestation o deporestasyon ay ang ilegal na pagputol at pagsunog ng mga puno sa


kagubatan.
Maraming dahilan ang deforestation o pagkakalbo ng mga kagubatan sa mundo. Una na rito hindi sila
kumukuha ng kaukulang permit at panay na lamang ang pagputol sa mga puno para sa sariling interes. Hindi
nila pinapalitan ang mga punong pinuputol nila kaya naman tuluyan nang nakalbo ang mga kagubatan. Ang
pagkawalang puso ng mga taong ito ay nagdudulot ng isa pa sa mga dahilan ng deforestation, ang
pagmimina.
Maraming lupain sa mundo ang ginagawang minahan ng mga negosyante. Walang habas nilang pinuputol
ang
upang kanilang mabungkal ang lupa at kunin ang yaman ng mga ito. Ang pagkawala ng mga puno sa ating
mga kabundukan ay maaaring magdulot ng pagguho ng lupa at flashflood.

Kaya bilang mamamayan, tungkulin nating ingatan at alagan ang ating kalikasan. Kung hindi man
natin maiwasan na pumutol ng kahoy kailangan ay palitan natin ito kaagad sa pamamagitan ng pagtatanim ng
mga puno o reforestation.

.
Gawain 2: Slogan Ko, Slogan Mo!

Panuto: Gumawa ng isang islogan tungkol sa suliraning Man-Made at ipaliwanag ang iyong islogan sa tatlong
pangungusap.(Pagkamalikhain-10+Nilalaman-10=20 pts.)

Deforestation ay iwasan
Sa halip, pagtatanim ay ugaliin
Mga Puno`t halaman ay dapat ingatan
Upang maiwasan ang kalamidad na
maaaring maranasan
PAGPAPALIWANAG:

1. Ating iwasan ang deforestation o matinding pagpuputol ng mga puno upang hindi maubos o makalbo ang
mga kabundukan.
2. Kailangan nating ugaliin na magtanim upang ating matugonan ang ating walang hanggang kakapusan.
3. Dapat nating alagan ang ating kalikasan dahil nakatutulong ito upang maiwasan ang kalamidad. Tulad ng
mga puno`t halaman tumutulong sa pagsipsip ng tubig upang maiwasan ang pagbaha at pagguho ng lupa.

You might also like