You are on page 1of 3

SET A- UNANG MARKAHANG PASULIT

ARALING PANLIPUNAN 7

Pangalan: Baitang: Puntos:


I. Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag sa konsepto ng Heograpiya?
A. Ang heograpiya ay tumutukoy sa pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig.
B. Ang heograpiya ay ang pag-aaral ng wika at kultura ng isang pamayanan.
C. Ang heograpiya ay tumutukoy sa pag-aaral ng distribusyon at alokasyon ng likas na yaman.
D. Ang heograpiya ay pag-aaral sa pinagmulan ng tao.
2. Ilang kontinente ang bumubuo sa daigdig?
A. 5 B. 6 C. 7 D. 8
3. Kung ikaw ay nakatira sa bansang pinagmulan ng mga K-pop songs at Korean drama, Aling rehiyon ka sa Asya napapabilang?
A. Timog Asya B. Timog Silangang Asya C. Silangang Asya D. Kanlurang Asya
4. Magkakaiba ang likas na yaman sa Hilagang Asya, nagtatalay ng malawak na damuhan ito at naging mainam para sa alagang
mga hayop. Ano ang pangunahing kabuhayan ng mga tao dito?
A. Pangisngisda B. Pagmimina C. Pagpapastol D. Pagkakaingin
5. Ang mga sumusunod ay mga pakinabang ng likas na yaman sa tao maliban sa isa;
A.Naging masagana ang buhay ng bawat tao C. Nagpahirap sa mga tao sa idinulot nitong kalamidad
B. Pangunahing pagkakuhanan ng hanapbuhay D. Naging daan sa pag-unlad ng bansa
6. Kung ikaw ay isa sa mga namuno sa ating bansa at gagawa ka ng proyekto na naglalayong mangalaga sa
kalikasan, ano ang dapat na isaisip sa pagsulong nito?
A. Isusulong ang interes ng ating bansa at babantayan ang mga likas na yaman
B. Isusulong ang malayang paggamit ng likas na yaman upnag umunlad ang ating ekonomiya
C. Bibigyang pabor ang interes ng ibang bansa upang mapaunlad ang kalakalan
D. Isusulong ang pag-unlad ng ating bansa kahit maapektuhan ang ating kapaligiran
7. Sa larangan ng agrikultura higit na nakadepende ang tao sapagkat dito nagmumula ang pangunahing pangangailangan at
maging ang mga produktong panluwas. Ano ang mabubuo mong konklusyon ukol sa pahayag na ito?
a. Ang larangan ng agrikultura ang tumutugon sa pangunahing
pangangailangan ng tao.
b. Ang mga Asyano ay nakikipagkalakalan sa ibang bansa bunga ng kakulangan sa produksiyon.
c. Nagiging kulang ang produksiyon sa agrikultura bunga ng pang-aabuso ng tao.
d. Nangangailangan ang mga Asyano ng makabagong teknolohiya upang mapaunlad ang Agrikultura.
8. Ang Asya sa kasalukuyan ay dumaranas ng iba’t- ibang suliranin gaya ng pagkasira ng kapaligiran at paglaki ng
populasyon na nakaaapekto sa pag-unlad ng mga bansa sa rehiyon. Ikaw bilang isang kabataan ay naanyayahan
na dumalo sa isang pagpupulong upang talakayin ang solusyon sa paglutas sa suliranin. Ano ang iyong
imumungkahi upang malutas ang suliranin?
a. Dumulog sa United Nations upang malutas ang suliranin
b. Ipagbawal ang paggamit ng plastic upang mabawasan ang suliranin sa kapaligiran.
c. Magpatupad ng programa na magbabawal sa mag-asawa na mabkaroon ng anak.
d. Magsagawa ng mga kampanya upang ipaunawa ang kahalagahan ng kapaligiran at tao sa pag-unlad ng isang bansa.
9. Ano ang magiging implikasyon sa larangan ng agrikultura kung mayroong malawak at matabang lupa ang isang
bansa?
a. Lalago ang mga industriya sa bansa dahil may sapat na panustos sa hilaw na materyales.
b. Magkakaroon ng mga land conversion upang maging panahanan ng tao.
c. Matutugunan nito ang pangangailangan ng bansa at makapagluluwas ng mas maraming produkto.
d. Tataas ang pambansang kita at mapapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan.
10. Bilang isang mag- aaral, paano mo maipapakita ang iyong pagtulong sa pangangalaga ng ating kapaligiran?
a. Palagiang pagwawalis at pagdadamo sa paaralan
b. Pagsunod sa mga ipinag-uutos ng paaralan at ng pamahalaan
c. Pagsuporta sa mga programang pangkalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim at di pagputol ng maliliit
na mga punong kahoy.
d. Pagsusunog ng mga basura tulad ng mga tuyong damo, dahon at mga plastic

II. Panuto: Suriin ang sumusunod na pangungusap/pahayag. Isulat ang salitang FACT kung ang pangungusap o pahayag ay
wasto. Isulat naman ang salitang BLUFF kung ang pangungusap o pahayag ay di-wasto. Isulat ang inyong sagot sa
sagutang papel.
1. Ang bansang Pilipinas, Thailand, Vietnam at Myanmar ay matatagpuan sa rehiyon ng Silangang Asya.
2. Prairie ang lupaing may damuhang matataas na malalalim ang ugat o deeply-rooted tall grasses.
3. Ang Gobi Desert na siyang pinakamalaking disyerto sa daigdig.
4. Ang Dead Sea ay isa sa mga pinakamaalat na anyong tubig sa buong daigdig.
5. Ang oasis ay lupain o lugar sa disyerto na may tubig at halaman.
6. Ang pag-unlad ng isang lugar ay nakasalalay sa pangangalaga at paggamit ng wasto sa mga likas na yaman nito.
7. Sa Timog- Silangan ng Asya ay matagpuan rin ang mga yamang gubat kung saan malalaking bahagi ng Myanmar at Brunei ay
kagubatan.
8. Marami ang nabubuhay sa pagpapastol. Pagsasaka ay isa sa ikinabubuhay ng mga Asyano.
SET A- UNANG MARKAHANG PASULIT
ARALING PANLIPUNAN 7

Pangalan: Baitang: Puntos:


9. Pinakamalaking tagapagluwas ng petrolyo sa buong daigdig ang Saudi Arabia at marami rin ang produksiyon ng langis ng
mga bansang Iran, Iraq, United Arab Emirates (UAE), Kuwait at Oman.
10. Tinatayang pinakamalaki sa mundo ang deposito ng ginto sa Kyrgyztan.
11. Ang pangunahing dahilan ng paglaki ng populasyon ng isang lugar/bansa ay migrasyon.
12. Ang patuloy na paglaki ng populasyon nang karamihan ng mga bansa sa Asya ay isa sa mga pangunahing suliraning
kinakaharap ng rehiyon sa kasalukuyan.
13. Maunlad ang mga bansang may batang populasyon.
14. Naaapektuhan ng paglaki ng populasyon ang likas na yaman ng isang lugar.
15. Kasarian tumutukoy sa bilang ng kalalakihang ipinapanganak nang buhay kada bilang ng kababaihang ipinapanganak nang
buhay sa loob ng isang bansa.

III. Panuto: Iayos ang mga pinaghalong letra upang makabuo ng isang salita na tumutugon sa inilalarawan ng
pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ito ang tawag sa pinakamalaking dibisyon ng lupain sa daigdig.


K E I NE NTO N T

Ito ang pinakamalaking kontinente sa buong daigdig ayon sa sukat ng


2. YAAS
lupaing sakop nito.

Isa sa mga bansang nangunguna sa buong daigdig sa produksiyon ng langis


3. NASPIILIP ng niyog at kopra.

4. DIRETISEFACTION Tumutukoy sa pagkasira ng lupain sa mga rehiyong bahagyang tuyo o


lubhang tuyo.

5. SALIZAINNOTI Lumilitaw sa ibabaw ng lupa ang asin o di kaya naman ay inaanod ng tubig
papunta sa lupa.

ATATHIB tirahan ng mga hayop at iba pang mga bagay.


6.

ENOZOREYAL Nagprotekta sa mga tao, halaman at hayop mula sa masamang epekto ng


7.
radiation na dulot ng ultraviolet rays.

8. ILSTANOTI Deposito ng banlik na dala ng umaangos na tubig sa isang lugar.

LOLABG LITECMA GEHANC Pagbabago ng pandaigdigan o rehiyonal na klima na maaaring dulot ng


9.
likas na pagbabago sa daigdig o ng mga gawain ng tao.

10. EDORTAFESTION Pagkaubos at pagkawala ng mga punongkahoy sa mga gubat.

11. PALG AIK NG Ito ay isa sa mga suliraning kinaharap ng ilang mga bansa sa daigdig sa
AOPPULSONY kasalukuyang panahon.

12. IDNIA Pangalawa sa mga bansa sa daigdig na may pinakamalaking populasyon.

IV. Panuto: Punan ang mga nawawalang letra ang mga salita sa ibaba. Isulat sa papel ang tamang sagot.
1. Ang V _ G E T _ T I _ O N o uri o dami ng mga halaman sa isang lugar tulad ng pagkakaaroon ng kagubatan o damuhan ay
epekto ng klima nito.
2. S T _ P P _ uri ng damuhan may ugat na mababaw o shallow-rooted short grasses.
3. PR _ I R _ E ang lupaing may damuhang matataas na malalalim ang ugat o deeply-rooted tall grasses.
4. S _ V A N N _ matatagpuan sa Timog-Silangang Asya partikular sa Myanmar at Thailand ay lupain nang pinagsamang mga
damuhan at kagubatan.
5. Ang T _ N D _ A Kakaunti ang mga halamang tumatakip at halos walang puno sa lupaing ito dahil sa malimig na klima.
6. R _ D T _ D E dahil sa mga dinoflagellates na lumulutang sa ibabaw ng dagat.
7. P _ P _ L A _ Y O N tumutukoy sa dami ng tao sa isang lugar/ bansa.
8. M I _ R _ S Y _ N pandarayuhan o paglipat ng lugar o tirahan.
9. L I _ E R A C _ R _ T E tumutukoy sa bahagdaan ng populasyon na marunong bumasa at sumulat.
10. L I _ E E X P _ C T A N _ Y inaasahang haba ng buhay.
SET A- UNANG MARKAHANG PASULIT
ARALING PANLIPUNAN 7

Pangalan: Baitang: Puntos:


11. P O P _ L A T I O N G R O _ T H R _ T E bahagdan ng bilis ng pagdaming tao sa isang bansa bawat taon.
12. G _ P ang kabuuang panloob na kita ng isang bansa sa loob ng isang taon.
13. U _ E M P L O Y _ E N T R A _ E tumutukoy sa bahagdan ng populasyong walang hanapbuhay o pinagkakakitaan.
14. G _ P P E R C A _ I T _ kita ng bawat indibidwal sa loob ng isang taon sa bansang kaniyang bansang panahanan.
15. E _ _D tumutukoy sa mga batang may edad 0 hanggang 15 taon at matatandang may edad na 65 pataas.

V. Panuto: Dugtungan mo ang pangungusap upang makabuo ka ng isang pahayag na may kaugnayan sa mga likas na
yaman ng Asya. Piliin ang sagot sa ibaba.

Likas na Yaman Panibagong Bansa Kanluran Iran

Ang mga 1.____________________ ay nauuri –uri sa yamang mineral, yamang lupa, yamang gubat,yamang tubig
na maaaring mapagkukunan ng iba’t-ibang produkto na makapagtustos sa mga panganga-ilangan at magamit rin
sa pagbuo ng 2.______________ produkto. Masagana ang mga 3.___________sa Asya ng mga iba’t-ibang likas
na yaman. Sa 4. __________ ng Asya pangunahin rin ang deposito ng langis,petrolyo at natural gas . Sa katunayan
ang 5. _____________ ang pumapangalawa sa pinakamalaking reserba ng natural gas sa buong daigdig.

VI. Panuto: Punan mo ng tamang kasagutan ang concept organizer. Gawin o isulat ang inyong mga sagot sa sagutang
papel.

2. Kontinente
1. Rehiyon ng ng Daigdig
ASYA

ASPETO NG PAMUMUHAY SITWASYON EPEKTO


AGRIKULTURA Pagkakaroon ng mataba at malawak na lupang sakahan 3.

EKONOMIYA Kakulangan ng mga suplay o materyales 4.

PANAHANAN Paglaki ng populasyon 5.

VII. Sanaysay
1. Ano ang magiging epekto sa ekonomiya ng isang bansa kung ito ay kulang sa likas na yaman?
2. Ano ang epekto ng pagdami ng populasyon ng isang bansa sa usaping pangkabuhayan?

You might also like