You are on page 1of 1

LAHAT TAYO AY PANTAY-PANTAY

(Kailangan o di kailangan) ng kahiwalay na palikuran para sa mga miyembro ng LGBT.

Ang LGBT ay ang tawag sa grupo ng mga lesbians, gays, bisexual, at transsexual na mga
tao. Pinaglalaban ng LGBT ang kanilang apatan bilang tao. Kahit na ano man ang kasarian o
sekswalidad ng isang tao, hindi dapat tanggalin ang karapatan ng bawat isa. At sa posisyong
papel na ito, babanggitin ko ang mga rason kung baket hindi na natin kailangan ng kahiwalay na
palikuran para sa mga miyembro ng LGBT.

Una sa lahat ang pinaglalaban lamang ng LGBT ay hindi sila idiskrimina biblang kakaiba
sa atin. Ang paghihiwalay ng kanilang palikuran ay magsasabi lamang na sila ay hindi tanggap
sa ating lipunan. It ay magbibibgay ng maling ideya para sa kanila. Kung ano sa tingin nila ang
kanilang kasarian, dun dapat ang kanilang palikuran.

Sinasabi ng iba ay hindi sila kumportable na gumamit ng palikuran kapag may LGBT na
miyembro na kasabay nila gumamit. Sinasabi naman ng iba ay hindi ito ligtas para sakanila. Pero
ayon sa aking artikkulong nabasa, wala naming insidente na nangyari na nilabag ng miyembro
ng LGBT ang personal na espasyo o pag-atake na nangyare sa loob ng palikuran. Dahil ang mga
transwoman ay knikilala nila ang sarili nila bilang tunay na babae at ang transman ay bilang
isang tunay na lalaki.

Ang huling rason kung bakait hindi na natin kailangan ng hiwalay pa na palikuran para sa
mga miyembro ng LGBT ay dahil ang palikuran ay ang lugar lamang para umihi, dumumi, at
maghugas. Ang mga palikuran ay may kuwadra na hiwahiwalay at bawat kuwadra ay may
kanya-kanyang pinto. Walang ibang insidenteng mangyayari kung ang palikuran ay ginagamit
kung para saan ito ginawa. Tao na mismo ang may kasalanan kung may maling mangyari, hindi
ang kasarian o ang kanilang sekswalidad.

Sanggunian: https://transequality.org/issues/resources/transgender-people-and-bathroom-access?
fbclid=IwAR1FSfT8w5XNBpS-0SnIrlmBXtmwfz-YOZ4JVsqN1Q2V94mOTYz2HQmulRE

You might also like