You are on page 1of 2

PAKSA: PAANO UMIIRAL ANG WIKA SA HAMON NG BUHAY BILANG

ESTUDYANTE AT BILANG FILIPINO

PAMAGAT: SALAMIN NG LAHI

Bawat lupon ng salita ay may kakayahang magsiwalat at magmulat. Sa pamamagitan


ng paggamit ng wika ay mas tahasang nadaragdagan ang ating mga karanasan at ang kahon
ng ating kinaadman.

Kinagawian na ng bansa ang pagdiriwang ng buwan ng wika bawat taon, panahon ito
upang muling ipagmalaki at matalunton ang mga namumukod at natatanging naging sandata
ng bawat isa sa mga panahon ng digmaan sa kasaysayan. Isa rin itong mainam na plataporma
upang mabigyang- pansin ang iba pang wika na nagkaroon ng malaking kontribusyon sa
pagpapahayag ng sariling saloobin, hinaing at opinyon.

Masasalamin sa isang wika ang mga matatayog, mararangal, malikhain, at


madamdamming kaisipan at saloobin na hinabi sa mga karanasan at lunggati ng bawat
mamamayan. Naririto ang kariktan at kapangitan, ang tamis at pait, tagumpay at kasawian,
tapang at pakikihamok, lungkot at tuwa, pagkabigo at pag- asa.

Maliban dito, nagsilbi ring tinta ng kalayaan ang wika. Dahil sa mga naisulat na
akdang bunga ng paghihimagsik at paghihiganti, nakawala ang bansa mula sa mga
nakasusulasok na selda at mababagsik na tanikala ng mga dayuhang mananakop.

Isa si Dr. Jose Rizal ang magpapatunay na makapangyarihan ang bawat lupon ng
salita at paggamit ng wika. Sa kaniyang pakikidigma sa kamay ng mga dayuhan, hindi baril o
ano mang patalim ang ginamit bagkus naging sandigan niya lamang ang kaniyang hiraya,
pluma at wika. Gayunpaman, isa ito sa naging daan upang makamit ng bansa ang inaasam na
kalayaan mula sa daan- daang taong pananakop ng kadiliman.

Batis din ng edukasyon at pansariling kasiyahan ang wika, sapagkat bukod sa paraan
ito ng pagsulong ng kaalaman ay naroon din ang makabatubalaning panghalina nito na
lubusang naglalarawan ng damdammin at tibok ng puso sa mga mamamayan at ng tunay na
pagsulong ng bayan sa landas ng kabihasnan at katatagan.

Sa kasalukuyan, masasabing napakalaki ang papel ng wika sa bawat isa partikular na


sa mga estudyante. Nagsisilbi itong instrumento sa pakikihamok at pakikipagniig sa mga
hamon at problema ng buhay. Gawa ng patuloy na umaalimbukay na pandemya, hindi
maikukubli na isa sa mga kritikal na naapektuhan ay ang sistema ng edukasyon na kung saan
nagdulot ito ng matinding depresyon at pagkabalisa sa mga mag- aaral. Marami ang mga
naitalang nagpakamatay dahil sa walang kakayahang ibahagi ang kanilang mga saloobin at
hinaing. Gayunpaman, marami pa rin ang nakalampas sa nasabing matinding pagsubok dahil
sa mabilisang pag- iisip ng solusyon sa tulong na rin ng paggamit ng wika.

Hindi rin natin maikukubli na sa panahon ngayon ay marami na ang nakakalimot sa


salamin at pagkakakilanlan ng bansa, mas ipinagmamalaki’t ginagamit na ang pagmamay- ari
ng iba. Maraming mga kulturang- Pilipino na rin ang naipagsasawalang- bahala sa
kadahilanang mas nahuhumaling na ang karamihan sa ibang kultura. Ngunit hindi natin
maikukubli na malaki ang naitutulong ng wika sa mga ganitong uri ng sitwasyon at hamon
dahil sa binibigyang kaliwanagan nito ang bawat isa na kailangang tangkilikin, ipagmalaki, at
linangin ang sariling atin.

Sa paglinang ng wika ay may mga bagay- bagay na dapat isaalang- alang sapagkat
ang mga ito ay may malaking bahagi sa pagkabuo o pagbubuo ng mga akda ng isang
pamayanan tulad ng mga aspetong panlipunan, pulitika, pangkabuhayan, at aspetong
intelektuwal.

Patunay lamang na napakahalaga ang gampanin ng paggamit ng wika sa buhay ng


bawat isa dahil maliban sa nakatutulong ito na resolbahan ang mga pagsubok at suliranin ng
buhay ay mas nalilinang, nabibigyang- pansin, at naipagmamalaki pa ang salamin ng ating
lahi.

You might also like