You are on page 1of 31

Aralin

KASAYSAYAN NG WIKANG
PAMBANSA:
Panahon ng Pagsasarili hanggang sa
Kasalukuyan
Bb. Joan M. Iringan
LAYUNIN

• Pagbabalik-aral
• Pagtalakay
• Pagbubuod at Pagtataya

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA


Kumusta ka?

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA


KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA SA
PANAHON NG KATUTUBO (5000-2000 B.C.E.)
A. Mayroon nang sariling panitikan bago pa man
dumating ang mga kastila

B. Alpabetong Baybayin (baybay – spell)


• Hawig sa ginagamit ng mga Indones o Malayo-
polynesian (Wikang Malay)
• 17 titik (3 patinig at 14 na katinig)

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA


KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA SA
PANAHON NG KASTILA (1521)
A. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo
B. Alpabetong Romano kapalit ng Baybayin
C. Pagpapasok ng diwang Katolisismo sa panitikang
Pilipino (etika at moralidad)
D. ‘Di pagkakasundo ng pamahalaan at simbahan
• Pamahalaan - ituro ang wikang Espanyol
• Simbahan - panatilihin ang wikang Katutubo
F. Panahon ng Propaganda - pagkakaroon ng masidhing
damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino
• Paggamit ng panulat, panitikan, dula
• Jose Rizal, Graciano-Lopez Jaena, Antonio Luna,
Marcelo H. Del Pilar
• Diariong Tagalog (Maynila), La Solidaridad
(Espanya)

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA


KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA SA
PANAHON NG AMERIKANO (1898)
A. Pagtatatag ng sistema ng Edukasyon gamit ang wikang
Ingles

B. Manuel L. Quezon - Ama ng Wikang Pambansa


• Commonwealth Constitution - probisyon sa pagbuo ng
wikang Pambansa batay sa isa sa mga umiiral na
katutubong wika

C. Ang Ingles ay isa lamang sa mga opisyal na wika

D. Batas Komonwelt Blg. 184 - Binuo ang Surian ng Wikang


Pambansa noong 1936 sa pamumuno ni Jayme C. De Veyra

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA


KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA SA
PANAHON NG AMERIKANO (1898)
E. Noong 1937, itinatag ang Wikang Pambansa na nakabatay
sa Tagalog na itinuro sa mga paaralan mula 1940
Bakit Tagalog?
• mas marami ang nakapagsasalita at nakauunawa
• madaling matutuhan dahil kung ano ang bigkas ay
siyang baybay
• ginagamit sa Maynila na sentro ng kalakalan
• mayroong historikal na batayan sa himagsikang
pinamunuan ni Andres Bonifacio
• may mga aklat panggramatika at diksiyonaryo

F. Batas Komonwelt 570 - Pinagtibay ang paggamit ng


wikang Tagalog bilang isa sa mga wikang Opisyal

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA


KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA SA
PANAHON NG HAPON (1942)
A. Tinatawag ding Gintong Panahon ng Maikling Kuwentong
Pilipino

B. Nagsara ang mga palimbagang Ingles at Tagalog

C. Nagbukas naman ang Magasing Liwayway

D. Pag-unlad ng panulaang Tagalog


• Malayang Taludturan, Haiku
• Pag-unlad ng wikang Tagalog at pagbabawal sa
paggamit ng Ingles
E. Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig (1946)
• Naisantabi ang usaping pangwika dahil sa mga
sulirang pang-ekonomiya

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA


Ano ang pagkakaiba at
pagkakatulad?

Tagalog
Pilipino
Filipino

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA


KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA SA
PANAHON NG PAGSASARILI
HANGGANG KASALUKUYAN (1946)
A. Itinatag ang Ikatlong Republika

B. Pang. Ramon Magsaysay


• Proklamasyon blg. 12 (1954) – pagpapahayag ng
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa na
magaganap mula Marso 29 hanggang Abril 4 (alinsunod
sa kaarawaan ni Balagtas – April 2)

• Proklamasyon blg. 186 (1955) - Paglilipat ng Linggo


ng Wika mula Agosto 13 hanggang 19 (alinsunod sa
kaarawan ni Quezon – Agosto 19)

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA


KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA SA
PANAHON NG PAGSASARILI
HANGGANG KASALUKUYAN (1946)
Pang. Diosdado Macapagal

• Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60 (1963) – Pagtatakda


ng pag-awit ng pambansang awit ng Pilipinas sa
Pilipino sa alinmang pagkakataon sa loob at labas ng
bansa.

• Proklamasyon blg. 186 (1955) - Paglilipat ng Linggo


ng Wika mula Agosto 13 hanggang 19 (alinsunod sa
kaarawan ni Quezon – Agosto 19)

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA


KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA SA
PANAHON NG PAGSASARILI
HANGGANG KASALUKUYAN (1946)
Pang. Ferdinand Marcos (1965)

• Kautusang Tagapagpaganap blg. 96 (1967) - pagsasa-


Pilipino ng mga pangalan ng gusali, edipisyo, at
tanggapan ng pamahalaan

• Kalihim-Tagapagpaganap Rafael Salas (1968)


o Memorandum Sirkular blg. 172 – Pagbigkas sa
Pilipino ng mga manunumpang opisyal. Paglalagay ng
salin sa Pilipino ng mga katawagang Ingles na nasa
opisyal na letterhead ng mga kagawaran, tanggapan,
at ahensiya ng pamahalaan.

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA


KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA SA
PANAHON NG PAGSASARILI
HANGGANG KASALUKUYAN (1946)

• Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187, (1969) –


Pagkakaroon ng Linggo ng Wikang Pambansa at sa lahat
ng opisyal na komunikasyon at transaksiyon ng
pamahalaan.

• Memorandum Sirkular Blg. 277, (1969) – ipinalabas ni


Kalihim Tagapagpaganap Ernesto M. Maceda noong ika-7
ng Agosto 1969 na nagpapahintulot sa SWP na
ipagpatuloy ang pagsasagawa ng mga seminar tungkol sa
Pilipino sa mga lalawigan at lungsod sa bansa, maging
sa iba’t ibang tanggapan a ahensiya na pamahalaan.

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA


KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA SA
PANAHON NG PAGSASARILI
HANGGANG KASALUKUYAN (1946)

• Memorandum Sirkular Blg. 368, (1970) – Pag-aatas sa


lahat ng pinuno ng mga kagawaran, kawanihan,
tanggapan, at iba pang sangay ng pamahalaang pambansa
at lokal na magdaos ng palatuntunan sa Pilipino kahit
30 minuto lamang sa alinmang araw sa Linggo ng Wikang
Pambansa. Ang paksa ng pagdiriwang ay “Magkaisa sa
Pagbabago”.

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA


KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA SA
PANAHON NG PAGSASARILI
HANGGANG KASALUKUYAN (1946)

• Kautusang Tagapagpaganap Blg. 304, (1971) –


Pagkakaroon ng kinatawan sa Surian ng Wikang Pambansa
(SWP) ng iba’t ibang wika sa Pilipinas gaya ng
Cebuano, Hiligaynon, Ilokano, Pampango, Pangasinan,
Samar-Leyte, at Tagalog.

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA


Idinagdag na Tungkulin sa Surian ng
Wikang Pambansa:

• Pagpapatupad ng tuntunin at regulasyon sa


pagpapalawak at pagpapalakas ng wikang pambansa.

• Pag-update ng balarila.

• Pagbabalangkas at pagbuo ng diksyunaryo, tesawro,


ensiklopedya, o anumang kagamitang lingguwistiko.

• Pag-aaral sa mga isyu tungkol sa wikang pambansa.

• Pagbalangkas ng mga polisiya sa paglilimbag ng aklat


tungkol sa wikang pambansa.

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA


KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA SA
PANAHON NG PAGSASARILI
HANGGANG KASALUKUYAN (1946)
Pang. Corazon Aquino

• Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117, (1987) - Pag-aatas


ng reorganisasyon ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura,
at Isports (DECS Department of Education Culture, and
Sports). Ayon sa Seksiyon 17 nito, ang SWP ay
kikilalanin bilang Linangan ng mga Wika sa Pilipinas
(LWP) o Institute of Philippine Languages sa ilalim
ng kagawaran.

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA


KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA SA
PANAHON NG PAGSASARILI
HANGGANG KASALUKUYAN (1946)

• Kautusang Pangkagawaran Blg. 22, (1987)-


Saligang Batas 1987, Artikulo XIV
Sek. 6 - Filipino ang wikang Pambansa
Sek. 7 - Filipino at Ingles ang Wikang Opisyal
hangga't ipinahihintulot ng batas

• Kautusang Pangkagawaran Blg. 81, (1987)-


Pagpapakilala sa “Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng
Wikang Filipino” na binuo ng LWP. Ayon sa dokumento,
ang alpabetong Filipino ay binubuo ng 28 titik na
ganito ang ayos: A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L,
M, N Ñ, NG, O, P, Q, R, S, T, U, V, W, X, Y, Z.

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA


• Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335, (1988) -
Pag-atas sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan,
ahensiya at iba pang sangay ng ehekutibo na magsagawa
ng mga hakbang sa paggamit ng wikang Filipino.

1. magsagawa ng mga hakbang na lilinang sa paggamit ng


Filipino
2. magtalaga ng isa o higit pang kawani sa bawat
tanggapan na mamamahala sa lahat ng komunikasyon,
transaksiyon, at korespondensiyang nakasulat sa
Filipino
3. magsalin sa Filipino ng lahat ng pangalan ng mga
tanggapan, gusali, katungkulan, at paskil sa lahat
ng opisina
4. maisa-Filipino ang panunumpa satungkulin ng mga
opisyal
5. maging bahagi ng pagsasanay sa mga kawani sa bawat
tanggapan ang kasanayan sa Filipino

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA


KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA SA
PANAHON NG PAGSASARILI
HANGGANG KASALUKUYAN (1946)

• Batas Republika Blg. 7104 )- Ipinatupad noong ika-14


ng Agosto 1991 na lumilikha sa Komisyon sa Wikang
Filipino (KWF). Ayon sa batas, ang KWF ay dapat buuin
ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang pangkat-
etnolingguwistiko sa bansa.
• Binubuo ito ng
1. Tagapangulo
2. Dalawang Fulltime Komisyoner
3. Walong Part-time na Komisyoner

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA


Tungkulin ng Komisyon sa Wikang
Filipino:
• bumuo ng mga polisiya, plano, at programang titiyak
ng higit na paglago, pagyaman, paglaganap, at pag-
iingat ng Filipino at ng iba pang wika sa Pilipinas
• magsagawa o mangomisyon ng mga saliksik at iba pang
pag-aaral
• magpanukala ng mga gabay at pamantayang pangwika
• hikayatin at isulong, sa pamamagitan ng isang sistema
ng paggagantimpala, pagpopondo, o pagpaparangal, ang
pagsulat at publikasyon sa Filipino
• magsasagawa at puspusang suportahan ang pagsasalin sa
Filipino at sa iba pang wika sa Pilipinas
• magsagawa ng mga publikong pagdinig, kumperensiya,
seminar, at iba pang pangkatang talakayan, sa antas
na pambansa, rehiyunal, at lokal

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA


KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA SA
PANAHON NG PAGSASARILI
HANGGANG KASALUKUYAN (1946)
Pang. Fidel V. Ramos

• Proklamasyon Blg. 10, (1997) – Taunang pagdiriwang ng


Buwan ng Wikang Pambansa tuwing Agosto bilang
pagkilala kay Manuel L. Quezon na Ama ng Wikang
Pambansa.

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA


KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA SA
PANAHON NG PAGSASARILI
HANGGANG KASALUKUYAN (1946)

• Kautusang Pangkagawaran Blg. 34, 2013 ng DepEd -


Pagpapakilala sa Ortograpiyang Pambansa, ang binagong
gabay sa ortograpiya ng wikang Filipino na binuo ng
KWF.

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA


KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA SA
PANAHON NG PAGSASARILI
HANGGANG KASALUKUYAN (1946)

• Resolusyon Blg. 13-19, 2013 ng KWF - Ipinasa ni


Tagapangulo Virgilio S. Almario noong ika-12 ng Abril
2013 na nagpapasiya ng pagbabalik ng opisyal na
pangalan ng bansa mula “Pilipinas” tungong
“Filipinas” at pagpapatigil sa paggmit ng una upang
mapalaganap ang opisyal at modernisadong katawagan ng
bansa na kumikilala sa kasaysayan at pag-unlad ng
pagkabansa nito.

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA


KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA SA
PANAHON NG PAGSASARILI
HANGGANG KASALUKUYAN (1946)

• Ayon kay Almario, sa isang panayam sa pahayagan


(Philippine Star, 11 Hulyo 2013), hindi umano labag
sa batas ang resolusyon at hindi na rin
nangangailangan ng bagong lehislasyon mula sa
Kongreso dahil wala namang batas na nagsasabing
“Pilipinas” ang pangalan ng bansa.

• “Filipinas” umano talaga ang pangalan ng nasyon


hanggang katapusan ng ika-19 na siglo, gaya ng
paggamit dito ni Jose Rizal sa kaniyang akda at ni
Andres Bonifacio sa kaniyang tulang “Katpusang Hibik
ng Filipinas”.

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA


KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA SA
PANAHON NG PAGSASARILI
HANGGANG KASALUKUYAN (1946)

• Napalitan lamang ng P ang F nang gawin ni Lope K.


Santos ang “Balarila ng Wikang Pambansa” noong 1940
na ang paglalathala ay pinahintulutan ni Pangulong
Quezon sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap
Blg. 134. Sa balarila ni Santos, 20 lamang ang titik
at wala ang C, F, J, Ñ, Q, V, X, at Z.

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA


KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA
TIMELINE

KATUTUBO KASTILA AMERIKANO


Alpabetong Baybayin Alpabetong Romano Wikang Pambansa: Tagalog
Wikang Malay Wikang Espanyol at Katutubo (1937)
Wikang Opisyal: Tagalog at
Ingles

HAPON PAGSASARILI-KASALUKUYAN
Wikang Pambansa: Tagalog Saligang Batas 1973, Sek. 2 at 3
Wikang Opisyal: Tagalog at Wikang Pambansa: Pilipino (1959)
Nihonggo Wikang Opisyal: Pilipino at Ingles
(1973)
Saligang Batas 1987, Sek. 6 at 7
Wikang Pambansa: Fiipino (1987)
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA
Wikang Opisyal: Filipino at Ingles
PAGTATAYA
• Bumuo ng Kuwadro ng Wika.
• Punan ang mga kinakailangang impormasyon sa bawat bahagi nito.
U A. Simulang Anyo at Kalagayan ng Wikang I B. Mga Pagbabago at Hamon sa Wikang
N Pambansa K Pambansa
A A
L
A
W
A

I D. Kasalukuyang Estado ng Wikang I C. Kinahinatnan ng Wikang Pambansa


K Pambansa K
A A
A T
P L
A O
T

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA


Sagutin:

Paano ginagamit ang Wikang


Pambansa sa kasalukuyan?
a. Bilang mag-aaral
b. Bilang mamamayan

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA


Takdang-aralin:

• Mula sa iyong piniling


strand, magtala ng sampung
(10) salita na natatangi sa
iyong piniling larangan.

• Saliksikin ang kahulugan ng


mga ito.

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA


Padayon!

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

You might also like