You are on page 1of 2

Pambansang Wika at Isyu ng Intelektuwalisasyon

Tinatalakay sa artikulong ito ang isyu ng wikang Filipino bilang midyum ng

intelektuwalisadongwika. Mula rito, nagkaroon ng diskusyon sa problema. Binigyang

diin ang mga pananaw na angwikang Filipino ay isang wikang hindi kayang maipahayag

ang mga kaisipan. Dagdag pa rito,sinabi rin na ang dahilan nito ay ang kanluraning

kaisipan. Mula rito, sinabi na ang mga maypribilehiyo at nakapapasok sa mga

unibersidad lamang ang nakaiintindi sa mga kaalaman;nahiwalay ang unibersidad sa

taong bayan.Ang pagkakabuo ng “Sikolohiyang Pilipino”— koleksiyon ng mga masteral

na tesis at disertasyon ng Unibersidad ng Pilipinas mula 1974 hanggang

sa kasalukuyan — ang naging dahilan sa pagsulat sa wikang Filipino, na nakapagpalayasa kanila

mula sa dayuhang teorya at nakapag-isip ng orihinal na ideya sa pagsusuri sa

lipunangPilipino. Mula rito, binigyang diin ang tungkulin ng unibersidad at ng mga

intelektuwal. Sinabi naang unibersidad ang may tungkulin sa pagpapalaganap,

pagsulong at pagpapayaman ng wikangFilipino upang magkaroon ng oportunidad ang

masang Pilipino na makalahok sa mga intelektuwalna diskurso. Tungkulin naman ng

mga intelektuwal ang pagwasak sa alyenasyon ng unibersidad,ang pagpapalaganap ng

kaalaman at pagtulong sa paghasa ng isipan ng masang Pilipino sapagiging kritikal at

malikhain.
Isang Dosenang Pagdalumat-Feminismo sa mga Piling Akda

Maria Fe E. Gannaban

Abstract

Ang papel na ito ay isang pagdalumat sa mga naisagawang pag-aaral hinggil sa papel

ng mga babaeng Pilipina sa iba't ibang genre ng panitikang Pilipino (i.e. maikling

kwento, sanaysay, nobela atbp). Pinili ang labindalawang pananaliksik batay sa mga

pagsusuring naisagawa na may kinalaman sa feminismo, partikular ang papel na

ginagampanan ng kababaihan sa lipunang Pilipino; gayundin ang repleksyon ng

feminismo sa iba't ibang genre ng panitikan. Sinipat sa mga nabanggit na genre kung

ano ang sinasabi ng mga teksto sa papel na nararapat gampanan ng kababaihan sa

lipunang Pilipino at madalumat ang istatus ng mga babae sa pagbubuo ng bansang

Pilipino. Tinangka ring dalumatin sa papel na ito ang iba't ibang papel na ginagampanan

ng mga babaeng Pilipino. Inilahad ang ilang mahahalagang konsepto hinggil sa

labindalawang pananaliksik at sinuri ito. Pagkatapos ay ang pag-classify o pag-cluster

sa uri ng feminismong pinaniniwalaan ng mga Pilipinong awtor. Ang paglalahad sa

datos ay inayos nang paalpabeto (Ardales, Canares, de Roca, Garcia, Lacsamana,

Maranan, Marquez, Recto, Robles, Rosales, Santiago, at Tepace). Pagkatapos,

sinagawa ang pagsusuri sa bawat isa. Tinukoy ang uri ng feminismo sa bawat pag-aaral

batay sa kahulugang nakasaad sa iba't ibang uri ng feminismo at dinalumat kung ito ay

umiral o nangibabaw sa teksto ng pananaliksik.

You might also like