You are on page 1of 3

Abstrak

Ang Senior High School ay ang sinasabing naghahanda sa mga mag-aaral tungo sa mas
mataas na edukasyon sa pamamagitan ng apat na pang-akademikong trak. Ito ay nagsisilbing
tuntungan ng mga mag-aaral para sa kolehiyo at kanilang kinabukasan. Sa pag-aaral ni Keller,
Ph.D. (2016) ang kursong may kaugnayan sa STEM ay nagsisilbing susi upang matulungan ang
mga mag-aaral na magamit ang kanilang kaalaman at kasanayan mula sa STEM na magiging
batayan sa pagtagumpay. Ang mag-aaral na handa sa kolehiyo ay nagtataglay ng kasanayan at
kaalaman upang maging matagumpay sa kolehiyo kahit walang remedying gawaing pangklase
(Grundmeyer, 2002).

Ang pananaliksik na ito ay ginanap sa loob ng paaralan ng Biliran Province State


University na ang mga respondent nito ay mula rin sa paaralang ito na nasa unang taon ng
kolehiyo (freshmen). Gumamit ang mga mananaliksik ng rekorder ng boses upang makakuha ng
impormasyon mula sa mga respondente. Naghanda rin ng mga tanong ang mga mananaliksik
upang magsilbi itong gabay sa pakikipanayam.

Sa pananaliksik na ito ay nakakalap ng iba’t-ibang tema mula sa mga opinion ng mga


respondente. Dito ay inalam ng mga mananaliksik ang mga rason kung bakit hindi sila handa at
kung bakit sila handa sa kolehiyo. Lumabas sa pananaliksik na mas marami ang mga mag-aaral
na na hindi handa sa kolehiyo at ang iba ay handa naman. Natapos ng mananaliksik na ang mga
mag-aaral ay hindi naging handa dahil hindi ugnay ang kanilang kinuhang kurso sa kanilang
SHS strand na STEM at dahil pumili sila ng kurso sa pamamagitan ng pagpili sa piniling kurso
ng kanilang kaibigan. Kaya lumabas na malaki ang epekto ng pagkakaroon ng kursong
maiuugnay sa iyong SHS strand at pagdedesisyon ng mabuti sa pagpili ng kurso sa pagiging
handa sa kolehiyo.

Shao-Eng M. Huang STEM 12- A


PEPPERMINT
Buod

Si Riley North ay nabuhay na may puot sa puso. Siya noo’y may masaya na pamilya
na binubuo ng kanyang asawa at kanyang anak. Ang kanyang asawa na si Chris ay nagkaroon ng
pag-uusap sa pagnanakaw ng pera kay Diego ngunit ito ay tinanggihan na ni Chris. Ngunit sa
kasamaang palad ay nalaman na ni Diego ang pagkasali ni Chris at pinautos ni Diego na ipapatay
ito.

Sa kaarawan ng kanyang anak ay nagkaroon ng pangyayaring di kaaya-aya na di


niya inaakalang mangyayari sa kanya. Nang sila’y pumunta sa panlibangang parke upang
ipagdiwang ang kaarawan ng kanyang anak, sila’y nagkaroon ng masayang gabi. Ngunit sa
kanilang paglalakad tungo sa sasakyan, doo’y walang kaawa-awang pinagbabaril ang pamilya ni
Riley.

Nang magising sa pagkakoma si Riley matapos na mapaslang ang kanyang pamilya


ay ginusto niya ang karapat-dapat na hustisya para sa kanyang pamilya. Ngunit sa kanyang
pakikipaglaban sa korte ay pilit na pinagtakpan ng sistema ang pumatay sa pamilya ni Riley.
Hindi niya ito matanggap kaya’t napilitan si Riley na siya na ang magbibigay hustiya para sa
kanyang pamilya. Isa-isang pinatay ni Riley ang mga pumatay sa kanyang anak at asawa.
Sinimulan niya ito sa mga bumaril sa kanila. Binitay niya ang mga ito sa Ruwenda kung saan
naganap ang pagpaslang sa kanyang pamilya. Hininala ng mga pulisya na ito ay ang paghihiganti
ni Riley para sa hustisyang di niya nakamit. Ang mga pulisya ay nagulat nang mapagtanto nilang
nangyari ang patayan sa ika-limang taon ng pagkamatay ng pamilya ni Riley. Ito ay nagging
malaking ingay sa internet na si Riley ay naghihiganti para sa kanyang pamilya. Matapos
mapatay ni Riley ang mga bumaril ay sinunod niya ang naghukom sa korte limang taon ang
nakakaraan. Pinako niya ng mga kamay nito at pinasabog. Kasunod ay sinugod niya ang lugar
kung saan nagbibilang ng pera at nagiwan ng mensahe para sa kanilang amo na si Diego.
Natakot at nangamba si Dieogo kaya’t nagplano siyang pasabugin at patayin si Riley. Ngunit sa
pagiging matalino ni Riley ay natakasan niya ang pagsabog. Inakala nilang patay na si Riley
ngunit sila ay nagkamali. Sinugod ni Riley ang hideout ni Diego. Inisa-isang pinagbabaril ni
Riley ang lahat ng tauhan ni Diego. Hanggang sa nagharap na silang dalawa. Babarilin n asana
niya si Dige ngunit dumating ang anak ni Diego. Naalala niya ang kanyang anak na si Carly at
dahil dito nasaksak siya ni Diego at ito ay nakatakas. Dumating na ang mga pulis kaya’t
nagmadaling umalis sa lugar si Riley. Pumunta si Riley sa bodega at dahil sa sakit siya ay
nawalan ng malay. Sa hindi niya pagkakaalam, sinugod ni Diego at ng kanyang mga tauhan ang

Shao-Eng M. Huang STEM 12- A


lugar kung saan namalagi si Riley. Ito ay kanilang natunton dahil kay Carmichael na isang
traydor na pulisya na pinatay rin ang kanyang kapwa pulis na si Inman. Nang muntik ng Makita
si Riley ng isa sa tauhan ni Diego ay nagparamdam ang anak ni Riley sa kanya kaya siya’y
nagising. Sa swerte niya ay siya ay nakatakas sa mga tauhan ni Diego. Nang hindi na kinaya ni
Riley ang sakit at ang dami ng tauhan ni Diego ay ginamit niya ang telepono ni Inman at
tinawagan ang medya upang humingi ng tulong sa mga pulisya. Ngunit di nagtagal ay ginamit ni
Diego ang batang babae na si Maria upang palabasin si Riley. Dahil di matiis ni Riley na
pabayaan ang bata, siya ay lumabas at sila ay nagharap ni Diego. Pinagtatadyakan at
pinagsusuntok ni Diego si Riley hanggang sa dumating ang mga pulis. Tumakas si Diego at siya
ay sinundan ni Riley na may bitbit na baril. Nang tinutukan ng baril ni Riley si Diego ay
pinalibutan sila ng mga pulis. Pilit na pinigilan ng pulis na huwag barilin si Diego ngunit sa huli
ay tuloyan paring binaril ni Riley sa Diego sa ulo.

Nakatakas si Riley sa pangyayari siya ay dumiretso sa puntod ng kanyang asawa at


anak. Natagpuan si Riley ng mga pulis na walang malay at siya ay dinala sa ospital. Binisita ni
Beltran si Riley at sinabihang may mga taong pabor sa kaniyang ginawa at inabot ng patago ang
susi sa kanyang gapos at ito ay nagbigay pagkakataon na makatakas si Riley muli.

Shao-Eng M. Huang STEM 12- A

You might also like