You are on page 1of 1

DISKARTENG BATA

Taong 2011 ay pinagdedebatehan na ng mga mambabatas ang pagbaba ng "Age of Social


Responsibility" sa siyam na taon mula kinse. Fast forward ngayong 2019, muli na namang mainit ang parehong
isyu. Apat na na menor de edad ang maagang nasangkot sa masasamang gawain. Una isang katorse anyos na si
"JM"-isang batang hamog. Mula Davao, iniwan siya ng kanyang mga magulang sa Maynila...naging laman ng
lansangan at napilitang dumiskarte sa maling paraan. Pero ilang linggo lang mula nang umere ang
dokumentaryo, namatay si "JM" nang masagasaan siya habang dumidiskarte sa kalsada. Hinanap ang kaibigan
ni "JM" na si "Roy". Nahanap niya ito sa Makati City Jail. Walong taon na ang nagdaan pero hindi nakuhang
iwan ni "Roy" ang iligal na gawain. Kapwa silang iniwan ng mga magulang kaya sila nagging palaboy sa daan.

At tila nauulit lang ang isyung kinaharap ng ilang kabataan ngayon. Estudyante sa elementarya ang
katorse anyos na si "Dodong" at dose anyos naman si "Jocelyn." Pero pagkalabas ng eskuwela, imbis na umuwi,
diretso ang dalawa sa pagdiskarte sa lansangan. Sa murang edad, bihasa na sila sa pagnanakaw at pandurukot.
Gaya niya, hindi raw bisyo ang nagtutulak kay "Nognog" na gumawa ng masama. Ginagawa niya ang
pagnanakaw para may baon siya, may maiabot na pambaon sa nakababata niyang mga kapatid at pambili ng
bigas. Bago dahil sa DSWD ay may karahasang nararanasan ni "Dodong" sa mga kapulisan. Kung hindi
piniptpit ang kamay gamit ang kanilang baril ay iniipit ang mga bala ng baril sa kanilang kamay saka pipigain.
Kahit ganito ang laging karanasan ni "Dodong' ay labas-pasok pa rin siya sa kulungan. Sa siyam na
magkakapatid si "Dodong" ang tumatayong ama. Ayon kay dodong dumidiskarte siya hindi para sa kanya kundi
para sa kanila (mga kapatid) Samantalang ang mga magulang nm "Jocelyn", walang kaalam- alam sa
ginagawang pagdidiskarte ng bata. Ang kanyang ama at kuya ay nakulong sa pagnanakaw. Siya ang sidekick ni
"Dodong". Iniisip ni "Dodong" na kung si "JM" ay hindi nakatakas sa marahas na kalsada at si "Roy" ay
kumakain ng pag-asa, paano na kaya siya? Gayunpaman, hindi nakakalimutan ni "Dodong" ang halaga ng
dukasyon Kaya sa edad na katorse ay Grade two pa rin siya dahil sa pabalik-balik sa eskwelahan. Pahinto- hinto
sa pag-aaral at dahil sa kahirapan ng buhay. Sa mga batang ligaw, Isang kahig Isang tuka ay napipilitang
dumiskarte para makapasok sa paaralan.
Ang tanong sila ba ay itinuturing na kriminal, Ang sagot ng iba oo, ang ilan ay hindi. Sabi ng Director
ng DSWD Rosalia Orosay ay hindi dahil sila lamang ay biktima ng sitwasyon, at misguided mula sa mga
magulang. "Kaya hangga't may sadlak sa kahirapan. Hangga't may nanaig nakultura ng karahasan. Hahanap at
hahanap ang mga bata ng kalinga at pag-aaruga. At kapag natagpuan niya ito sa kalye, matuto siyang
dumiskarte" mula sa huling pahayag ni Kara David.

1. Ano ang isyung itinampok ni Kara David sa I-Witness?

2. Bakit tinawag na mga batang hamog sina JM at ROY?

3. Ano-anong mga isyung panlipunan ang nakapaloob sa dokumentaryo?

4. Kung ikaw si Dodong, nanaisin mo bang dumiskarte para sa iyong sarili at sa pamilya sa balakyot na paraan. Bakit? Pangatwiranan.

5. Solusyon na nga ba ang pagbaba ng edad ng "Age of Social Responsibility" para mabawasan ang mga kabataang gumagawa ng krimen?
Bakit oo, bakit hindi. Pangatwiranan ang iyong sagot.

You might also like