You are on page 1of 2

Ferdinand Pisigan Jarin ay isang manunulat, musikero at guro.

Dating literary editor ng “ The Touch


Publication at Aklas Literary Folio ng PNU. Nagtapos siya ng BSE Social Science sa Philippine Normal
University- Manila. Awtor ng pambatang libro “ Si Lorkan, Matulunging Butanding “ng 2002 UNICEF/
Tahanan Publishing at naging script contributor sa pambatang programang Batibot at Koko Kwik Kwak.
Madalas ding , mailimbag ang kanyang mga akda sa ANI, ang Literary Folio ng Cultural Center of the
Philippines, (CCP).

Tatlong ulit na siyang nagawaran ng Don Carlos Memorial Award For Literature para sa Dulang may Isang
Yugto ( Sardinas 2001), mailking kwento( Anim na Sabado ng Beyblade 2005) at Sanayasay( D’ Pol Pisigan
band , 2010).

Kasalukuyan siyang guro ng Agham Panlipunan at Filipino, Kasapi ng The Writters Block, KATAGA at
Neo- Angono Artist Collective.

Siya ay nakatira sa Cembo, Makati at napatira na rin sa maraming paupahang Bahay sa iba’t ibang
lungsod ng Maynila.

Ang kwento at sanaysay ni Jarin ay nagsimula noong bata siya kung saan ikinuwento niya ang kanyang
buhay sa kanilang probinsya sa Zambales, QUINABUANGAN. Ang paghangad niya na makasali bilang
pinakamaliit na miyembro ng D’ POL PISIGAN BAND na binuong banda ng kanyang lolo. Ang kabataan
niya biolang PULOT BOY ng isang marangyang club. Maging ang mga naging karanasan niya sa
KUMBENTO ay kanyang naisalaysay. Ang pagiging SERVICE CREW niya sa isang fast food sa bansa na mula
umaga ay pagtungga nan g Michael Jordan at Olajuwon ang kanilang agahan. Ang BACLARAN na kanyang
naging tirahan pagwalang mauuwian. Pinakahuli ay ang ANIM NA SA BABADO NG BEYBLADE na kung
saan ipinakita dito kung paano nakipaglaban ang kanyang anak sa sakit nito.

Mababasa natin ang mga listahan ng mga rambol na kanyang napasukan at mga napatumba sa inuman.
Hindi lang ito puro bakbakan maging ang mga kalokohan niya sa larangan ng pagibig ay nakalista rin
ditto. Dito din nakalista ang mga pangalan ng ex- girlfriends at ibat ibang bigpong first loves. Hindi lang
din puro pansarili ang kanyang naisulat, nakalista rin ditto kung paano nilabanan ng kanyang anak ang
sakit nito.

Sa mga akda ni Jarin, ang bida ay karaniwan. Karaniwang tao, karaniwang pamumuhay at iba pang
karaniwang karanasan. Ang mga salita ay ating maiintindihan di ganun kalalim ang mga ginamit na salita.
Kung ating iintindihin ang kanyang mga akda makikita dito na si Jarin ay isang pangkaraniwang tao
lamang kaya tiyak na ito’y kunektado sa ating pangaraw araw na pamumuhay. Marami ring mapupulot na
aral.
Hindi lang ito basta karaniwan, ito’y karaniwan at may sining. Hindi lang siya magaling magsulat kundi
napakamalikhain din ng kanyang mga kwento at sanaysay. Ang mga lugar, pagkatao mga kilos at maging
ang mga pangyayari ay napakalinaw sa ating imahinasyon. Kaya niya ring patawanin at paiyakin nang
sabay ang kanyang mambabasa. Kaya tiyak na tayo’y tatawa at iiyak dahil ito’y sumasalamin sa
pamumuhay ng mga Pilipino.

You might also like