You are on page 1of 1

NCR mayors irerekomendang 'di na mandatory

ang pagsusuot ng face shields


Irerekomenda ng Metro Manila mayors sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na tuluyan nang ipatigil ang mandatory na
paggamit ng face shield.

Sa panayam ng Teleradyo ngayong Lunes, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos na napagkasunduan ng mga
alkaldeng gawin na lang requirement ang face shield kung nasa loob ng "critical areas" tulad ng mga ospital at health center.

Napagkasunduan ding gawing mandatory ang face shield sa mga pampublikong transportasyon, kung saan walang barrier at inaasahang magdidikit-dikit pa
ang mga pasahero.

"Napagkasunduan namin itong initial position ng Metro Manila mayors to do away with face shields," sabi ni ani Abalos.

Pero sa Maynila, hindi na hinintay ng lokal na pamahalaan ang desisyon ng IATF.

Iniutos ngayong Lunes ni Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso na hindi na kailangang magsuot ng face shield maliban sa kung nasa ospital o
medical facility.

Pinirmahan ni Domagoso ang isang executive order kaugnay sa bagong polisiya.

"Eh ito'y nakadadagdag lang sa basura, plastik na basura sa ating kapaligiran. Wala namang dagdag na proteksiyon sa general population. Basta importante,
naka-face mask sila," ani Domagoso.

Pero ayon sa Malacañang, walang bisa ang utos ni Domagoso na itigil ang pagiging mandatory ng face shields.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, IATF pa rin ang may huling desisyon ukol sa polisiya kaugnay sa face shield.

"Dahil lahat po ng mga mayor ay nasa control and supervision pa rin po ng ating Presidente, kinakailangan po lahat ng mga mayor ay sumunod pa rin po sa
mga polisiya ng IATF hanggang hindi po ito nababago," ani Roque.

Nanawagan naman si Health spokesperson Maria Rosario Vergeire sa mga local government unit na hintayin ang desisyon ng IATF kaugnay sa pagiging
mandatory ng face shield.

"Until we have an IATF resolution, we urge all local governments to just hold their executive orders so we can all be uniformed in our implementation," ani
Vergeire.

Maliban sa Maynila, nagkasundo rin ang city council ng Muntinlupa ngayong Lunes na tanggalin na ang mandatory face shield.

You might also like