You are on page 1of 2

Nasa ating mga kamay, tayong mga mamamayan, ang susi para sa pagbabago ng ating

lipunan, nararapat lamang na kalimutan ang maling pananaw na pamahalaan lamang ang
may tungkulin na bigyan ng solusyon ang mga isyung panlipunan. At ang mga mamamayan
ay dapat aktibong makisangkot sa diskurso sa pamamahala upang mabigyan ng tugon ang
mga hamong panlipunan. Magkatulong na bubuuin ng pamahalaan at ng mga mamamayan ang
solusyon sa mga suliraning kinakaharap ng ating bansa. At ito ay mangyayari lamang
kung ang mamamayan ay may kaalaman at kamalayan sa mga isyung panlipunan.

Sa bayan ng Carmona, sa pamamahala ni Mayor Roy M. Loyola, naisagawa ang ilang


seminar tungkol sa napapanahong isyu na COVID-19 upang mamulat ang mga mamayan nito
sa suliranin ng bansa. Maging sa mga hayskul ay namahagi ng kaalaman tungkol sa
pag-iingat.

Si Mayor Loyola din ay nag-iikot sa mga baranggay upang siguraduhin ang kaligtasan
at konsultahin ang mga gamit, kung may kulang ba para mapanatili ang kaligtasan.
Nitong nakaraan lamang ay namahagi din sila ng ilang equipments na kulang sa mga
health centers at magagamit para sa ilang mga emergencies. Masasabing hindi dapat
inaasa ng mamamayan ang mga solusyon sa mga kinakaharap na problema ng bayan kundi
dapat ang bawat isa ay makilahok upang maging matagumpay ang pagresolba sa mga
problema sa pamamagitan ng pagmungkahi sa mga namamahala ng mga posibleng solusyon.

Sinisigurado din ng Mayor ng Carmona na naabisuhan ang kanyang nasasakupan sa mga


pasyente na may COVID-19 at ilang pasyenteng pinaghihinalaan na mayroon. Ang ilang
mamamayan ay aktibong nakasubaybay sa mga abiso sa Facebook page ni Mayor Roy para
sa kanilang kaligtasan at Kamalayan.

Noong isang araw lamang ay bumisita si Mayor Roy sa bawat baranggay at sinugurado
kung nasusunod ba ang ilang mga naipatupad na utos tulad ng Liquor Ban, Curfew
pagpatak ng alas-8 ng gabu hanggang alas-5 ng umaga, at iba pa.

Sa mga ipinakitang gawain ni Mayor Roy Loyola, maipapakita na siya ay isang


mabuting lider dahil tinutulungan niya ang mga mamamayan at tumutulong rin ang mga
mamamayan sa pagresolba sa isyung kinahaharap. Sinisigurado rin niya ang kaligtasan
ng bawat isa sa pamamagitan ng mga utos na ibinigay sa bawat baranggay. Sa kanyang
pamamahala ay naipapakita ang good governance at ang aktibong pakikilahok ng mga
mamamayan.

Sa panahon ng krisis nararapat lamang na umaksyon ang pamahalaan at mga mamamayan


upang makaligtas sa kapahamakan.
Masasabi natin na ang mamamayan at pamahalaan ang tanging dalawang "pillars" ng
isang lugar - mabuwal ang isa, ang balanse ay hindi matatamo. Kung gayon, bilang
mamamayan kailangan nating ibasura ang kaisipan na ang pamahalaan lamang ang dapat
gumalaw sapagkat sila ang may kapangyarihan bagkus isipin din natin na tayo rin ang
dahilan ng pagkakaroon nila ng kapangyarihan at kailangan din nating tumulong
bilang parte ng haligi ng ating bayan.

Sa aming bayan, agad na umaksyon ang pamahalaan ng Carmona sa pamumuno ni Mayor Roy
M. Loyola. Nagsimula ito sa pamamagitan ng pagtatalaga ng mga seminars tungkol sa
Covid-19 sa iba't ibang lugar tulad na lamang sa CNHS na nakapagbigay ng ideya sa
mga mag-aaral, guro at iba pang mga personnel. Kasunod nito ay ang paggamit ng
social media upang makapagbigay ng impormasyon at updates tungkol sa covid-19.
Makikita rin dito ang iba't-ibang hotlines ng mga sektor ng pamahalaan na maaring
tawagan sa oras ng pangangailangan, kasunod nito ang ilang anunsiyo tungkol sa
liquour ban at ang pagtatalaga ng curfew magmula alas-otso ng gabi hanggang alas-
singko ng umaga. Para naman sa aming kababayan na walang access sa internet,
mayroong sasakyan na naglilibot sa bawat baranggay upang mag anunsiyo ng mga
gagawin.
Sinimulan na rin ang Simultaneous Disinefection Activity upang mapanatiling Covid-
free ang bawat baranggay ng Carmona.

Sa mga aksyong nabanggit, naipapakita ang good governance sapagkat aktibong


tumutulong ang pamahalaan sa pamamagitan ng pag-aksyon at ang mga mamamayan ay
tumutulong sa pamamagitan ng partisipasiyon.
Bilang isang mamamayan at bahagi ng dalawang haliging nagbubuklod sa kaayusan ng
bayan, nararapat na makilahok ako sa mga gawaing ipinatupad ng pamahalaan tulad na
lamang ng hindi pag-labas ng bahay, pagkakaroon ng proper hygiene, pagkakaroon ng
social distancing at kaakibat pa nito ang pag-darasal araw-araw. Sa ganitong
pamamaraan, mapapatibay ko ang 'pundasyon' ng dalawang haliging nagbubuklod sa
bayan ng Carmona.

You might also like