You are on page 1of 2

AWTPUT 1 – PAGSULAT SA PILING LARANG (AKADEMIK)

Pamagat: Pagpupulong na pinangunahan ni Mayor Isko Moreno kasama ang mga lider ng bawat
distrito ng Lungsod ng Maynila tungkol sa kasalukuyang kaso ng COVID-19.
Uri: Background Synthesis
Anyo: Explanatory
Pamamaraan: Pagbubuod, Paghahalimbawa, Pagdadahilan
Layunin: Layunin ng sintesis na ito na maihayag ang mga kasalukuyang kaganapan sa lungsod
ng Maynila na may kinalaman sa mga kaso ng COVID-19.
Thesis Statement: Ang pagsasagawa ng mga pagpupulong upang pag-usapan ang mga
kasalukuyang kaganapan kasama na ang pagbubuo ng kongkretong plano ay isa sa mga
epektibong paraan upang maaksiyunan ang mabilis na pagdami ng kaso ng COVID-19.

Pagbubuod:
Nabanggit sa isang balita mula sa CNN Philippines (2020) na ang Metro Manila ang
sinasabing epicenter ng pandemyang kasalukuyang kumakalat sa ating bansa. Dahil doon, isang
pagpupulong ang pinangunahan ng isa sa mga mayor ng Metro Manila na naglalayon na pag-
usapan ang kasalukuyang lagay sa kanilang lugar.
Ayon sa kasalukuyang mayor ng Maynila na si Mayor Isko Moreno (2020) ang aksyon
ng mga namumuno sa lungsod ng Maynila ay nararapat na nakaayon sa aksyon ng national
government. Kung saan ay isinaad niya ang mga dapat gawin at paghandaan ng mga
mamamayan sa Maynila upang maging normal pa rin ang kanilang mga serbisyo lalo na ang
sektor pangkalusugan.
Dahil sa pahayag na iyon, ang bawat lider ng distrito ay nagbahagi ng mga kasalukuyang
kaganapan sa kani-kanilang distrito. Ilan na rito ang bilang ng mga kasalukuyang PUI o Patient
Under Investigaton at PUM o ang Patients Under Monitoring sa bawat pampublikong ospital at
health center sa Maynila.

Paghahalimbawa:
Ayon sa lider ng unang distrito, wala pang kasalukuyang pasyente ang ospital sa kanilang
lugar na mayroong kaso ng COVID-19. Ipinaalam din na wala ring kasalukuyang PUI o PUM
ang naitala sa ospital sa kanilang lugar. Nabanggit din sa pulong ang isang kumakalat na fake
news sa unang distrito na mabilis din nabigyang linaw dahil sa pagpupulong. Isang kaso naman
ng PUM ang naitala sa institusyon ng ikalawang distrito na mayroong naitalang paglalakbay sa
Taiwan. Dagdag pa roon, ang kasong naitala ay asymptomatic at pinayuhan na magsagawa nang
‘quarantine’ sa loob ng limang araw.
Nabanggit din ng mga lider mula sa ikatlo at ikaapat na distrito na wala pang PUI o PUM
na naitatala sa kanilang pampublikong ospital. Ang ikalimang distrito naman ay mayroong kaso
ng isang taxi driver na nagkaroon ng pasaherong foreigner kung kaya’t kumonsulta ito sa
pampublikong ospital sa Maynila. Ayon sa namumuno sa ikalimang distrito ay pinayuhan ito na
mag-quarantine sa kanilang bahay. Habang ang ikaanim na distrito ay wala pang naitatalang
kaso ng PUI or PUM sa kanilang lugar.
Mula sa mga impormasyong nabanggit ng mga lider sa bawat distrito, tinalakay ni Mayor
Isko ang mga kinakailangang pang supply ng mga kagamitan para sa mga pampublikong ospital
sa Maynila. Naitanong din ni Mayor Isko ang kaganapan sa mga health centers at nailahad ng
mga namumuno rito na walang kaso ng PUI at naisagawa na rin ang pagdi-disinfect ng mga
pasilidad.
Pagdadahilan:
Ayon sa ibinalitang ulat ng Department of Health (2020) ang unang lokal na kaso ng
nasabing birus ay naitala sa San Lazaro Hospital and Lung Center of the Philippines sa Maynila.
Dahil doon, ipinahayag din ni Mayor Isko na gagawin niya ang mga nararapat na gawin katulad
na lamang ng pagsasagawa nang ‘self-quarantine’ at pagsasagawa ng mga angkop na tests upang
mapanatag ang kaniyang mga nasasakupan. Sinabi niya rin bago magtapos ang naganap na
pagpupulong na hinihiling niya na ang mga namumuno sa bawat distrito ay limitahan ang
‘private time’ at pinaalalahanan niya na walang dapat ika-alarma at gawing layunin ang
pagpapanatili ng normal na pagtataguyod ng serbisyo sa kanilang kapwa mamamayan.

Mga sanggunian:
https://www.youtube.com/watch?v=xlB9_KCQUU4
https://doh.gov.ph/doh-press-release/doh-confirms-local-transmission-of-covid-19-in-ph
https://cnnphilippines.com/news/2020/12/22/COVID-19-Metro-Manila-OCTA-report.html

You might also like