You are on page 1of 2

NOTES

Ang mga prices ng ingredients ay pwedeng magkaiba iba depende kung gaano
karami ang binili, sa brand ng item at kung saan binili. Ang mga prices na
nakaindicate sa taas ay ang actual na presyo ng mga ingredients na ginagamit
ko sa recipe na ito.

Ang SRP na nakaindicate dito ay pwedeng baguhin. Dine sa amin, ang bentahan
ng large puto is 6.00 to 7.00 pesos (minsan 3 for 20 pesos) So depende po sa
inyo at sa packaging na gagamitin ninyo.

TIPS FOR FAIL-PROOF PUTO

Tip #1: Make sure na okay pa ang baking powder mo. Isa sa mga causes kung
bakit nagiging parang kutsinta ang puto ay dahil sa baking powder. Either luma
na, nakasingaw na or sira na. So make sure na okay pa siya. Pano malalaman?
Buhusan ng around 1/4 cup na mainit na tubig ang 1/4 tsp na baking powder.
Pag nagbubbles siya, okay pa.
Tip #2: Yung ilalim lang ng molder ang pahiran ng oil or butter Para maachieve
yung dome appearance, yung ilalim lang ng molder ang pahiran ng oil. Wag na
yung gilid. Pwede rin na wag na i-grease at all pero there are some instances na
dumidikit sa ilalim ng molder ang puto so para maiwasan pero tyak na tutubo ang
puto, yung ilalim lang ang i-grease.

Tip #3: Lagyan ng tela or cloth ang takip ng steamer Minsan, pag natutuluan ng
tubig mula sa steam ang puto, nadedeflate ito. Para maiwasan, lagyan mo ng
tela ang takip.

Tip #4: DO NOT OVERCOOK Isa pang cause kung bakit mukhang kutsinta si
puto ay dahil sobra sa steam. Nag-iiba iba ang steaming duration base sa lakas
ng apoy, sa laki ng molder at kung gaano kakapal ang mixture mo. In my
experience eto ang steaming time na alam ko: LARGE (14-15 MINUTES)
MEDIUM (11-12 MINUTES) SMALL (8-10MINUTES)

TIP #5: Yung hindi masyadong tunaw ang cheese Kung gusto nio ng shiny pero
mukhang melted ang cheese, gumamit ng matagal matunaw na cheese gaya ng
Quezo. Ang cheese gaya ng Eden, mabilis matunaw habang nassteam (kaya
minsan mukhang durog after masteam). Kung sa tingin mo mabilis matunaw ang
ang cheese mo, sa pahuli mo na ito ilagay. For example, ang steaming time is 15
minutes, ilagay ito sa 12min mark, takpan ulit at ituloy ang steam hanggang sa
matapos ang steaming time.

You might also like