You are on page 1of 2

Wastong Gabay sa Pagpili at Pagbili ng Baka para sa mga nais Magsimula.

*Note: Ito po ay mula sa aking karanasan at maaaring hindi sumang ayon ang iba. Nais
ko lamang po makatulong sa mga nais magsimula.

LAYUNIN

TATLO lamang ang klase ng operasyon ng pagbabaka. Ang COW-CALF o pagpaparami sa


pamamagitan ng pagpapaanak ng baka, ang FATTENING o pagpapataba ng mga lalaking baka
upang ibenta sa karnehan at ang BREEDING o pag-aalaga ng pinakamagagandang klase ng
baka. Piliin mabuti kung ano ang iyong layunin bago pa simulan ang pagbili ng mga baka.

*Mayroong pang-apat o yung tinatawag na TRADING, o yung BUY and SELL ng baka. Iilan
lamang ang mapagkakatiwalaang TRADERS sa grupo. Bago bumili, siguraduhing personal na
nakita ang baka o di kaya ay ipost sa group ang nais bilhin pati na ang kaakibat na presyo
upang mabigyan kayo ng opinyon kung nasa ayos ang bibilhin o binebentang baka.

PAGKAIN
Siguruhin na mayroon sapat na mapagkukuhanan ng pagkain. Mas makakatipid sa gastos kung
maluwang ang pastulan (grazing) kumpara sa nakakwadra o (feedlot/cut and carry).

BREED / BREEDER FARMS


Piliin ang lahi na mabilis lumaki at mabigat ang timbang, matibay sa sakit at maaga ang sexual
maturity. Hangga't maari ay pasyalan lahat ng malalapit na cattle farms sa inyong lugar upang
makita ang kanilang sistema sa pagbabaka. Tingnan kung anong lahi ang kanilang ginagamit.
Halos 90% ng lahi sa bansa ay Brahman o may halong Brahman dahil sa mahusay nitong
katangian na akma sa ating bansa.

PRESYO
Huwag bumili ng sobrang mahal na baka kung ikaw ay magsisimula pa lang. Isang mainam na
batayan sa pagtantya ng presyo ay base sa timbang nito sa liveweight. Halimbawa:
5-6 mos old - 150kls x 120 = P18,000
12-16 mos old - 240kls x120 = P28,800
2 y/o - 350kls x 120 = P42,000
Umiwas po tayo sa mga seller na hindi maipost ang tunay presyo at puro sa PM o private
message lang ang transaksyon. Puntahan mismo ang seller upang makita ng personal ang baka
bago bilhin.

KONDISYON NG BAKA
Hindi ko po naging basehan ang kulay, haba ng tenga, haba ng buntot, taas ng batok o haba
ng mukha sa pagpili ng baka. Ang importante ay malalaki ang mga buto o malaki ang body
frame, malapad siksik at mahaba ang katawan, well developed ang muscles, pantay ang
testicles (male) at proportionate ang dede (female), masigla ang mga mata, pinkish to red ang
mucous membranes, hindi umiika o walang pilay at maganang kumain.

Kung mahigit sa 10 ang inahin, mas mainam kung bibili ng bull sa mga established breeders
dahil malaking porsyento ng lahi nito ang maipapasa sa mga magiging anak nito. Kung 5
pababa ang alagang inahin, ikonsidera ang paggamit ng AI o artificial insemination.
PART TWO COMING SOON.
Disclaimer: Wala po ako sa cattle trading business, ang pag-aalaga ko po ng baka ay libangan
at future investment na rin at the same time. Kung magbenta man po ako ay nakapost ang
presyo at mga larawan.

You might also like