You are on page 1of 1

Negosyante! Negosyante! Negosyante! Negosyante! Kumusta mga diskarte? Iyo bang pinagbubute at walang nakalilibre? Negosyante! Negosyante!

Kumusta presyo ng pardible? Agad mo bang na-triple nang malaman mong mabile? Negosyante! Negosyante! Kagalang-galang ka Bihis mo i kay ganda, para kang may kaluluwa Negosyante! Negosyante! Kahusay mo talaga Taong sayo i tiwala buhay mong ini-laga Negosyante! Negosyante! Dahan-dahan ka naman Masyado ka nang yumayaman sa nakaw mo kaliwa't kanan Negosyante! Negosyante! Masdan mo ang iyong sarile Hindi ka ba nandidire sa burak mong ini-ire Negosyante! Negosyante! Saan nga ba nanggagaling? Mga tulad mong galing. Tunay kang nagniningning Negosyante! Negosyante! Masarap bang kumain? Sabihin mo nga sakin, kapwa mo ba ang yong hain? Negosyante! Negosyante! Busog ka na naman ba? Tila sayo i kulang pa. Kahihiyan ka ng buwaya Negosyante! Negosyante! Ka-galing mo naman Sa mahal ng iyong tinapay, wala pang palaman Negosyante! Negosyante! Nakatutulog ka pa ba? Mukhang di ka magka-agwanta hanggat kami i dilat pa Negosyante! Negosyante! Tantanan mo na kami Kung ito i imposible, tadtarin mo na lang kami! Negosyante! Negosyante! Ikaw nga ba i walang awa Kami i gulong na sa lupa, ikaw pa yatay natutuwa? Negosyante! Negosyante! Huwag ka namang ganyan

Wala na kaming paglagyan di mo pa mapagbigyan Negosyante! Negosyante! Iyo pa bang nagugunita? Nung maliit ka pang bata, bumili ka ng kutsinta Di ba gat sarap na sarap ka? Naka siyam nay gusto mo pa? Ngunit wala ka nang pera kayat tinderoy binigyan ka Negosyante! Negosyante! Ka dami mong produkto Kailangan ko bang mga ito, o ako nay iyong niloloko Negosyante! Negosyante! Na sayo nang lahat ng pera ko Malayo pa ang suweldo, pauutangin mo ba ako? Negosyante! Negosyante! Ka palad ng anak mo Wala kaya siyang hinampo bilang apo ng impiyerno? Negosyante! Negosyante! Kumusta mga diskarte? Iyo bang pinagbubute at walang nakalilibre? By Carlo Salcedo

You might also like