You are on page 1of 10

Cortez

Interviewer: Ilang taon ka nang nagtuturo?

Interviewee: One year palang.

Interviewer: Magkano ang iyong buwanang sahod?

Interviewee: ahhh 19 something thousand.

Interviewer: Sapat ba ang iyong kinikita sa inyong buwanang gastusin?

Interviewee: Hindi po.

Interviewer: Ilan ang iyong dependents o sinusuportahan?

Interviewee: Ahh yung family ko bale, kase panganay ako so five sila anim kame.

Interviewer: Ikaw ba ay may alam sa train law?

Interviewee: Hindi nga masyado.

Interviewer: Sa iyong palagay, ano ang layunin ng train law? Ito ba ay mayroong positibo o negatibong
epekto sa iyong pamumuhay?

Interviewee: Siguro more on negative kase, kase hindi naman gaanong kataas ang mga sahod ng tao
ngayon tapos ang taas pa nung parang tax na ilalagay dun sa ano diba.

Inteeviewer: Ano-ano ang mga alam mong pagbabago dulot ng train law? Ikumpara noon at ngayon?

Interviewee: Eh syempre yung ano talaga bilihin.

Interviewer: Sa tingin mo ba nakakabuti ang TRAIN Law? Bakit?

Interviewee: Sa ngayon hindi ko maintindihan kung paano sya makakabuti.

Interviewer: Sa iyong palagay, makatarungan ba ang pagtaas ng bilihin tulad ng LPG, softdrinks,
powdered juice, gasolina at iba pa kapalit ng pagtanggal ng inyong income tax?
Interviewee: Hindi rin eh. Parang kahit na natanggal na yung income tax, so parang lumaki na yung
sahod mo kase nabawasan nga yung tax, pero ganun din tinaas naman nila yung prices ng mga bilihin eh
common ano yun eh needs ng tao eh. So parang wala din.

Interviewer: Paano nabago ang iyong proyoridad sa pagbili o pagpili ng bilihin?

Interviewee: Syempre kung san makakamura dun tayo bibili

Interviewer: Paano mo napagkakasya ang iyong sahod sa patuloy na pagtaas ng bilihin?

Interviewee: Di ko nga din alam kung paano ko napag-kakasya yun eh.

Interviewer: Nabago ba ang batayan mo sa pagbili dukot ng train law?

Interviewee: Oo naman kase nga parang iprioritize naten kung ano ang dapat- kung ano lang ang
kailangan.

Interviewer: Nakakabili pa ba kayo ng pansariling luho?

Interviewee: Di na katulad ng dati na ganun kadalas.

Interviewer: Paano naapektuhan ng Train law ang inyong budget management?

Interviewer: Syempre matututo ka talagang magtipid, kase hindi naman din kalaki ang sahod namen.

Interviewer: Mayroon pa ba kayong naiipon galing sa buwanang sahod?

Interviewee: Kahit papaano naman po ay meron naman.


Fabella

Interviewer: Ilang taon ka nang nagtuturo?

Interviewee: uhmm.. 15 years

Interviewer: Magkano ang iyong buwanang sahod?

Interviewee: ah salary grade, 11

Interviewer: Sapat ba ang iyong kinikita sa inyong buwanang gastusin?

Interviewee: Kung sapat sa.. pinagkakasya pero hindi sapat. *haha* Para saken ha.

Interviewer: Ilan ang iyong dependents o sinusuportahan?

Interviewee: Dalawa.

Interviewer: Ikaw ba ay may alam sa train law?

Interviewew: Oo!

Interviewer: Sa iyong palagay, ano ang layunin ng train law? Ito ba ay mayroong positibo o negatibong
epekto sa iyong pamumuhay?

Interviewee: ah may positive may negative. Ahmm bakit ginawa.. para sa income ng gobyerno.

Interviewer: Ano-ano ang mga alam mong pagbabago dulot ng train law? Ikumpara noon at ngayon?

Interviewee: Yung noon saka ngayon, ahm tumaas yung gas diba, at the same time nagmahal ang kotse.
Ahmm.. ayon maraming nagmahal. *hahaha*

Interviewer: Sa tingin mo ba ay nakakabuti ang Train Law? Bakit?

Interviewee: Yunggg. Yung lagyan yung ah tax yung gas sa tingin ko hindi maganda. Pero yung lagyan
yung tax yung mga ahh.. unnecessary things like alcoholic beverages okay lang yon. Pero yung gasolina
saka diesel malaking epekto kase nun.
Interviewer: Sa iyong palagay, makatarungan ba ang pagtaas ng bilihin tulad ng LPG, softdrinks,
powdered juice, gasolina at iba pa kapalit ng pagtanggal ng inyong income tax?

Interviewee: Kapalit ng.. sa tingin ko hindi makatarungan na itaas yung mga bagay bagay kase
madaming ahh.. leak sa collection ng tax eh. So dapat ayun muna ang inuuna. Yung tulad ng sa issuing ng
receipt sa mga gasoline station. Di naten alam kung paano ino-audit yun.

Interviewer: Paano nabago ang iyong proyoridad sa pagbili o pagpili ng bilihin?

Interviewee: Ah syempre yung basic needs muna. Food dun nalang *haha* Food lang talaga saka other
expenses. Wala ng.. ah limited na yung pagkain sa labas saka paglabas-labas.

Interviewer: Paano mo napagkakasya ang iyong sahod sa patuloy na pagtaas ng bilihin?

Interviewee: Ahmm… you do other sidelines, like I'm selling things online.

Interviewer: Nabago ba ang batayan mo sa pagbili dulot ng train law?

Interviewee: Oo naman. Nagtitipid-tipid din. *haha* Di na masyadong nabili ng mga di masyadong


kailangan.

Interviewer: Nakakabili pa ba kayo ng pansariling luho?

Interviewee: Ahh pansarili, ah ahmm pag luho wala na muna ngayon medyo tipid-tipid lang talaga.

Interviewer: Paano naapektuhan ng Train law ang inyong budget management?

Interviewee: Lumiit nalang yung bugget kase tumaas na yung gas eh, like minimize ko na yung paggamit
nung kotse. Nagmomotor nalang ako minsan, just to save gas.

Interviewer: Mayroon pa ba kayong naiipon galing sa buwanang sahod?

Interviewee: Naipon.. puro sa utang napupunta *haha* ayun yung savings ko eh yung sa utang.
Candelaria

Interviewer: Ilang taon ka nang nagtuturo?

Interviewee: Ano nako ngayon, bali kase dati nag abroad ako eh. Tapos mga ano nako ngayon 18. Pa 18
years na. Kasi nag abroad ako.

Interviewer: Magkano ang iyong buwanang sahod?

Interviewee: 20 plus 2 thousand allowance.

Interviewer: Sapat ba ang iyong kinikita sa inyong buwanang gastusin?

Interviewee: Kung saakin lang sapat, pero pag may nagpapaaral na kase tapos na yung mga anak ko.
Pero noon talaga hindi sapat. Talagang nakaka loan kame kase nga dahil nga sa nagpapaaral. Pero
ngayon wala nakong pinapaaral okay na rin.

Interviewer: Ilan ang iyong dependents o sinusuportahan?

Interviewee: Wala na ngayon. Apo ko lang minsan, nagbibigay ako pero ano lang yon, kumabaga alalay
lang ganon.

Interviewer: Ikaw ba ay may alam sa train law?

Interviewee: Di ko nga alam yan. Tungkol ba yan saan? Sa mga pagtaas ng presyo.

Interviewer: Sa iyong palagay, ano ang layunin ng train law? Ito ba ay mayroong positibo o negatibong
epekto sa iyong pamumuhay?

Interviewee: Siguro nga kahit anong budget dahil nga sa tumataas ang bilihin ahh.. ang hirap budget-in
lalo kung maliit ang kita. Sa mga teacher naman medyo kung ano naman.. kung sa pag bubudget naman
kung talagang walang.. talagang walang ibang loan ha walang ibang utang okay na rin. Kaya lang kung
may utang talaga na loan ang teacher mahirapan na din mag budget. Lalo kung may pinapaaral, pinag-
gagatas, nangungupahan mahirap na din. Mahirap budgetin yung sahod.

Interviewer: Ano-ano ang mga alam mong pagbabago dulot ng train law? Ikumpara noon at ngayon?

Interviewee: Yun nga, noon kase mura man yung suweldo ahh napaka-mura nang mga bilihin kaysa
ngayon. Mataas nga ang sahod, eh parang yung sahod mo ganun din naman ang bilihin sa taas ngayon.
Wala rin namang kwenta ang pagtaas ng sahod. Di nila kase ma-control ang presyo.
Interviewer: Sa tingin mo ba ay nakakabuti ang Train Law? Bakit?

Interviewee: Hindi, oo nga walang tax tayo pero wala rin eh. Wala ring pagbabago ang pagtaas price. Di
rin nila ma-control, na ibig sabihin yung pamumuhay kase apektado sa aten. Yung lalo kapag maliit ang
sahod ng isang manggagawa nagtatrabaho, malaking epekto neto. Dahil sa walang bumabang price eh,
puro taas. Lalo na yung gasolina yung diba, yung mga pangunahing kailangan naten sa pang araw-araw.
Mahirap.. mahirap namang hindi ka bumili kase kailang-kailangan yun talaga ang pangunahing kailangan
naten sa pang araw-araw.

Interviewer: Sa iyong palagay, makatarungan ba ang pagtaas ng bilihin tulad ng LPG, softdrinks,
powdered juice, gasolina at iba pa kapalit ng pagtanggal ng inyong income tax?

Interviewee: Hindi nga makatarungan kase, oo nga nawalan kame income tax pero ang mahirap kase
neto, yun nga hindi naman pwedeng hindi ka gumamit niyan. Kahit sabihin tanggal income tax namen,
eh ano naman sobra naman taas ng bilihin ngayon. Ganun din naman parang ganun din nangyayare.
Nawala ang income tax ng mga tao pero patuloy na tumataas ang mga pangunahing bilihin.

Interviewer: Paano nabago ang iyong proyoridad sa pagbili o pagpili ng bilihin?

Interviewee: Syempre natural eh, dun ka sa mas mura o kaya magtitipid ka talaga ng husto para makabili
ka ng ganun. Ganun na mga gusto mo minsan syempre di ka na rin makabili ng mga gusto mo dahil nga
sa binubudget mo ang pera.

Interviewer: Paano mo napagkakasya ang iyong sahod sa patuloy na pagtaas ng bilihin?

Interviewee: Yun nga magtitipid ka tsaka yung talaga lang na kailangan mo yun lang ang bibilhin mo. Lalo
na yung mga pangunahin nateng kinakain sa araw-araw.

Interviewer: Nabago ba ang batayan mo sa pagbili dulot ng train law?

Interviewee: Hindi ka naman pwedeng bumili ng mga di masyadong kailangan sa ano sa araw-araw
syempre babawasan mo yon. Dahil sa yung pag bubudget napaka hirap non. Kaysa naman bibili ka pa ng
hindi mo naman kailangan, mahirapan ka rin. Mahirapan ka mag budget kung bibilihin mo yung di
masyadong kailangan.

Interviewer: Nakakabili pa ba kayo ng pansariling luho?

Interviewee: hindi na gaano minsan-minsan nalang. Minsan-minsan nalang kase kung ..kumbaga ano
yung pag may pera lang talagang sobra. Pero pag.. pag talagang wala, wala talagang mabibili sa sahod na
pangluho.
Interviewer: Paano naapektuhan ng Train law ang inyong budget management?

Interviewee: Ayun nga hindi ka nga bibili ng mga di pangunahing kailangan. Kase unahin paba yung..
yung ganong na hindi naman kailangan sa araw-araw kaysa sa pangunahing kailangan sa araw-araw
naten.

Interviewer: Mayroon pa ba kayong naiipon galing sa buwanang sahod?

Interviewee: Konti.. konti lang. Konti lang naiipon


Buelo

Interviewer: Ilang taon ka nang nagtuturo?

Interviewee: 4 years, 4 to 5.

Interviewer: Magkano ang iyong buwanang sahod?

Interviewee: exact or estimated?

Interviewer: Salary Grade po.

Interviewee: ahh.. SG 11.

Interviewer: Sapat ba ang iyong kinikita sa inyong buwanang gastusin?

Interviewee: Hmmm… buwanang gastusin, hindi.

Interviewer: Ilan ang iyong dependents o sinusuportahan?

Interviewee: hmm.. wala kase akong dependents, pero sinusuportahan somehow may dalawa.
Somehow, somehow lang.

Interviewer: Ikaw ba ay may alam sa train law?

Interviewee: Well yung pag.. una yung pagkakaroon ng mas ibang ah.. tax-tax exemptions yung mga
amount ng tax ng gantong range of salary, then andun din yung part na nagkakaron din ng increase yung
mga basic commodities naten. Then ang alam ko until is 2020 nga talaga siya magkakaroon ng increase
sa mga prices na alam ko nagstart sya this January.

Interviewer: Sa iyong palagay, ano ang layunin ng train law? Ito ba ay mayroong positibo o negatibong
epekto sa iyong pamumuhay?

Interviewee: Well medyo 50-50 talaga ako jan nagmumuka kaseng mas malaki yung take home pay nung
mga tax exempted. Pero kase hindi rin, una sa society kase marami ang tax exempted na mag susuffer.
So parang reality hindi siya okay para saaken, pero personally hindi rin siya gaanong ka okay kase
ahmm.. nadagdagan yun suweldo mo for example ng ganitong amount, then yung increase naman
hanggang 2 years pa kase 2018 2 years pa na hindi naman gagalaw yung increase sa suweldo na bigay
sayo for that, for this year, for example. So parang hindi din siya talagang win-win situation na somehow
daw kase nagkakaron ng benefit si government hindi ko rin naman talaga sure baka mas maraming ipo-
provide na ayuda si government for the people so. Well medyo 50-50 talaga ako. Hindi ako economist
pero in reality talaga parang feel ko hindi siya ganon ka- okay.

Interviewer: Ano-ano ang mga alam mong pagbabago dulot ng train law? Ikumpara noon at ngayon?

Interviewee: ah, una sobrang evident nung pagkakaron ng changes sa prices ng commodities. Ahh.. Mula
sa basic hanggang sa mga luho lang daw, sa mga luxuries item, sa mga sweetened drinks and then yung
sa salary nga, sa case ko isa ako sa mga tax exempted so yun yung pinaka evident na changes compared
to last year na tax reform naten.

Interviewer: Sa tingin mo ba ay nakakabuti ang Train Law? Bakit?

Interviewee: Ayan na jan, 50-50 rin ako jan same nung sagot ko kanina may mga reasons na okay lang
ang dating sa kanya for the government sake. Pero in reality ba ano talaga ang nangyayare baka naman
kumikita si government kase tumataas yung taxes pero sa society ba, sa societal level kamusta naman
yung people kase sa case ko rin 50-50 nga rin gawa ng tumaas nga yung suweldo mahal naman yung
bilihin. Sa sinagutan kong questionnaire hindi pa rin ako maglalakad kahit mahal ang pamasahe, sasakay
pa din ako. So medyo 50-50 talaga kung nakakabuti siya o hindi.

Interviewer: Sa iyong palagay, makatarungan ba ang pagtaas ng bilihin tulad ng LPG, softdrinks,
powdered juice, gasolina at iba pa kapalit ng pagtanggal ng inyong income tax?

Interviewee: Hindi! Sobrang hindi kase hindi enough yung nadagdag na suweldo for me to buy those
commodities lalo kapag tumaas pa yung prices. LPG nalang for example, nadagdagan ka ng P1000 for
example for this month eh monthly halos ang LPG samen or every 2 months hindi siya enough. Then
sumunod bigas ang taas taas nya then hindi nagiging enough yung nakukuha mong ah increase from
your salary sa dumadagdag na price ni basic commodities hindi talaga sya enough.

Interviewer: Paano nabago ang iyong proyoridad sa pagbili o pagpili ng bilihin?

Interviewee: Paano nga ba? Hindi ko sure kung talagang nagbago pero mas nag strengthened lang yung
idea ko before na dun ako go ako sa lower price kase before ganun na ako sa ngayon ay cheaper price
ay mas okay pa din lalo so mas nag iintensified lang yung pagbili ko ng cheaper products.

Interviewer: Paano mo napagkakasya ang iyong sahod sa patuloy na pagtaas ng bilihin?

Interviewee: ahh paano? Minamagic ko yata di ko sure. Ahhhh.. actually ewan ko. Basta feeling ko
nagkakasya sya. Kase wala naman akong part-time job wala akong sideline anything. Talagang purely
salary lang sya. So nagkakasya sya naman. Pero paano? Hindi ko talaga alam kung paano ko siya nai-
stretch out. Siguro basic budgeting na ano daily allowance ko lang ganu- ganun lang siguro. Yun lang
yung alam kong basic na ginagawa ko.
Interviewer: Nabago ba ang batayan mo sa pagbili dulot ng train law?

Interviewee: Batayan ng pagbili.. well, nag stay parin ako sa cheaper prices, pero yung tipong mga
brand? Hindi ganun pa rin naman, well stick ako sa mga cheaper prices. Batayan ng pagbili hindi, kahit
mahal sya minsan basta trip ko yun na, pero hindi naman lagi ayun.

Interviewer: Nakakabili pa ba kayo ng pansariling luho? Bakit?

Interviewee: Oo, well hindi naman kase ako ganong kaluho. Ahh nakakabili pa rin naman pero minsan..
say actually feeling ko ha, feeling ko same pa rin before sa ngayon talagang minsan yung lifestyle ko
kase nagbago gawa nung work routine din kaya mejo parang hindi rin ako nag kakaron ng ganong
kalaking time for me to do my other activity na parang andun yung part ng luho pero hindi siya dahil sa
train law. Pero nabibili ko pa rin siya or nagagawa ko pa rin siya despite nung train law.

Interviewer: Paano naapektuhan ng Train law ang inyong budget management?

Interviewee: ahmmmm.. Sa case ng pamasahe kase yun yung pinaka evident talaga sa pamasahe. ahmm
pano nga ba? Stretch out of budget siguro kung ano for example sa case ng estudyante ginagawa ko din
eh. Ngayong araw eto lang yung baon ko dapat kase ayoko mag over-spending ng hindi ko naman talaga
kailangan, kase parang nanghihinayang din ako kahit before pa. Pero yun nga di ako naglalakad
sumasakay ako lagi. For example meron akong fund for this particular activity nababawasan sya. Pero
kung ano yung matira go pa rin. Nababawasan nga lang siya. For example trip ko lang mag mag... usually
nakakatawa man siya may mga time na excessive snacks kame before kapag hapon. Lalo nung
panghapon pako pero nababawasan siya. Kase nabawasan pamasahe pero sinasabi ko naman di ako
panghapon ngayon so okay lang. Parang nagiging break even lang yung dating.

Interviewer: Mayroon pa ba kayong naiipon galing sa buwanang sahod?

Interviewee: Wala!

Interviewer: Dahil po sa TRAIN Law?

Interviewee: de napupunta sa ipon ko kase. Hindi talaga siya ipon, pero iniisip ko siyang ipon ko for
example school activities namen tas nag-aano ako dito tuwing saturday yun yung iniisip kong ipon. Yun
yung iniisip ko ipon kase investment ko siya. Pero physical na ipon na pera, wala kung yun yung
hahanapin . Pero para saken yun yung ideya ko nung ipon eh.

You might also like