You are on page 1of 9

DATA ANALYSIS

QUESTION #1: “What made you choose to sell street food?”

Interviewee A:

“Ito na po kasi yung naging hanap buhay namin. Mabilis lang rin kumita.”

Interviewee B:

“Kasi mas madali ‘yong kita, tapos hawak mo pa yung oras mo tsaka syempre

magkaroon ka pa ng time para sa pamilya mo.”

Interviewee C:

“Ito talaga ang business namin simula bata pa lang ako, siya ang una (nanay

niya) tapos pinamana na. Tsaka syempre mas nakakatipid kami sa pagkain

diyan na namin kukunin ang pang araw araw namin na gastos sa pagkain.

Mabilis rin talaga kumita kapag ganito yung negosyo mo. ”

Interviewee D:

“Kasi dati hindi naman talaga street food yung ano, ulam kasi ‘to sakin eh. Itong

sa akin kasi hindi naman talaga actually na street food kasi talagang ulam,

barbecue. Pero ang street food kasi na sinasabi mas madaling mabili at enjoy

yung mga bata lalo na yung mga estudyante kasi kumakain kayo dtio diba. At

tsaka pag dating naman sa ulam narinig mo yung kanina, estudyante yon, apat

lang na isaw dalawang dugo iuuwi niya yon at iuulam niya yon, nakakatipid.

Totoo tipid naman talaga.”


Interviewee E:

“Sa tingin namin kasi walang masyadong kompetensya or sabihin na natin

walang nagbebenta malapit dito sa street natin na ibang mga street vendor kaya

mas pinili ko ‘yon ang ibenta mga street food fishball etc.”

Interviewee F:

“Madali lang walang amo hawak ko oras ko, kung kailan ko di gusto mag tinda

puwede.”

Interviewee G:

“Malaki kita namin, hawak namin oras namin.”

QUESTION #2: “Where is your product located?”

Interviewee A:

“Diyan lang po sa gilid ng school (OLPS).”

Interviewee B:

“Dito sa Masangkay Street.”

Interviewee C:

“Dito po sa likod ng ASTDA TODA Terminal.”

Interviewee D:

“Dito ako sa Dela Paz malapit ako sa Victory Mall yun yon.”

Interviewee E:

“Dito lang sa ano sa Antipolo City at sa Cainta.”


Interviewee F:

“Dito lang ako naka pwesto lagi (sa likod ng Antipolo Simbahan).”

Interviewee G:

“Madalas kami naka pwesto sa likod ng simbahan o likod ng OLPS kasi maraming

dumadaan at maraming estudyante.”

QUESTION #3: “What are the different strategies you used to make your business

a success?”

Interviewee A:

“Inaalok lang po sa mamimili at nag babase sa price at makamasa ito.”

Interviewee B:

“Syempre unang una kailangan malinis kase diba pagkain kailangan din yan

para balik balikan ka ng customer. Kailangan masarap din yung paninda mo.

Ayun tapos maging mabait din sa customer, kahit minsan masungit sila.”

Interviewee C:

“Syempre, siguro pakikisama rin sa mga customer, pagtrato ng maayos,

pagsisilbi, oo mura lang ako magtinda, pang driver lang talaga ang presyo”

Interviewee D:

“Number 1, malinis at presentable lalo na yung nagtitinda. Magalang sa mga

bumibili kahit bata.”


Interviewee E:

“Syempre yung kaya ng tao dapat ang ibebenta, hindi yung mataas ang presyo,

yung tama lang, kunyari fishball mura lang yan kaya nga kaya ng masa,

affordable siya”

Interviewee F:

“Sinasarapan ko lang yung timpla para bumalik yung mga bumibili”

Interviewee G:

“Sinisigaw lang namin yung paninda namin “Siomai” at pakikisama sa

customer.“

QUESTION #4: “How do you choose and produce your product?”

Interviewee A:

“Inaalok lang sa mga mamimili, at nagbabase sa price”

Interviewee B:

“Syempre una namin tinitignan yung presyo kung magiging affordable ba ito sa

mga tao. Pinili ko yung yung pagtitinda ng kikiam at fishball kasi maliit lang yung

puhunan, niluluto namin siya ng malinis at maayos.”

Interviewee C:

“Unang una, kinonsider ko muna yung mga pag bebentahan ko. Katulad nila, sa

GC (Group Chat), may GC sila eh (drivers), sinesend ko yung ulam o paninda sa


araw, kase yung iba dumating na dito ng tanghali, para alam na din nila

pagdating at para hindi na sila dumaan sa iba.”

Interviewee D:

“Pinipili ko yun madalas na binibili ng masa lalo na ng mga estudyante”

Interviewee E:

“Mas tinitignan namin yung mga kailangan ng tao at kaya ng tao bilhin, like mura

lang siya at hindi lang siya nabibili basta basta”

Interviewee F:

“Pinili ko ‘to ibenta kasi halos lahat dito puro pagkain ang tinitinda, kaya naisip ko

kailangan ng panulak syempre diba.”

Interviewee G:

“Siomai yung napili ko na ibenta kasi madali siyang maka attract ng mga tao kasi

paborito ito ng karamihan”

QUESTION #5: “How do you set your product’s price?”

Interviewee A:

“Yung saktong presyo lang po na abot kaya ng mga mamimili.”

Interviewee B:

“Syempre yung abot kaya ng mga mamimili.”


Interviewee C:

“Pang driver lang yung presyo, mura lang abot kaya nila.”

Interviewee D:

“Yung abot kaya lang talaga ng mga tao. Kasi kahit naman noon pa na wala

pang pandemic itong presyo ko ay hanggang ngayon hindi ako nag taas, kaya

lang nagbawas lang ako ng konti sa tuhog para lang di magbago ang presyo.

Para sa akin, dahil wala naman na akong ginagastusan na estudyante naka

tapos na sila, hindi na ako naghahabol ng malaking tubo, ang importante ay

‘yong aking mga suki ay pabalik balik at masaya parin.”

Interviewee E:

“Mura lang, abot kaya syempre para lahat maka bili kahit mga bata.”

Interviewee F:

“Para pang masa pati para kayang kaya ng mga bata.”

Interviewee G:

“Yung sakto lang, yung hindi ako malulugi syempre tyaka yung swak na swak sa

budget ng mga mamimili lalong lalo na sa mga bata at sa mga estudyante.”

QUESTION #6: “How do you promote your product?”

Interviewee A:

“Inaalok namin siya sa mamimili at nag babase kami sa price kasi ayon nga

makamasa.”
Interviewee B:

“Syempre sabihin mo sa customer “bili na kayo ma'am sir masarap po yan”

ganon.“

Interviewee C:

“Unang una, kinonsider ko muna yung mga pag bebentahan ko. Katulad nila, sa

GC (Group Chat), may GC sila eh (drivers), sinesend ko yung ulam o paninda sa

araw, kase yung iba dumating na dito ng tanghali, para alam na din nila

pagdating at para hindi na sila dumaan sa iba.”

Interviewee D:

“Lahat ng paninda ko small serving at sa sobrang tagal ko na nakapwesto dito

sa masangkay street 14 years, binabalik balikan ng mga customer”

Interviewee E:

“Uhm like syempre marami tayong friends dito magkakapitbahay at

magkakakilala narerecommend din tayo sa iba like syempre marami na din na

nakatira dito nirerecommend na lang tayo na ayon may nag bebenta dito sa

gitna ayon”

Interviewee F:

“Pumepwesto ako sa maraming tao na madali mapapansin yung produkto ko na

buko juice.”

Interviewee G:

“Naprorpomote namin yung siomai sa paraan na pagtitinda ng siomai at

pinaparteran namin ito ng rice para maging combo meal minsan dinidiscountan
namin sila palamig kapag bumili pa sila imbis na sampung piso ang ibabayad

para sa palamig magiging limang piso na lang”

QUESTION #7: “How do you think these marketing strategies benefit young

entrepreneurs?”

Interviewee A:

“Lahat naman nag uumpisa sa maliit syempre, puwede sila bumase sa mga

paraan namin sa pagbebenta para lumago ang negosyo nila.”

Interviewee B:

“I-push mo sila, halimbawa nakapag tapos ka na ng pag aaral diba, parang

gawin mo yun na sideline”

Interviewee C:

“Willing ako ishare, ituturo ko sakanila”

Interviewee D:

“Madali ko silang matuturuan kasi importante huwag na muna sila maghabol ng

malaking puhunan. Kahit isang libo o limang daan lang puwede na eh.

Umpisahan mo sa maliit, kasi pag masarap yung luto mo at masarap yung lasa

babalik balikan ka. Huwag mong gastusan ng more than pa sa kinita mo para

madagdagan dun sa puhunan mo, palaki ng palaki.”


Interviewee E:

“Kung gusto mo naman yung ginagawa mo, walang pipigil sayo kahit sino.

Gagawin mo siya kahit pa maraming siyempre maraming salita na, wala kang

mabebentahan. Push lang kung gusto niyong kumita kahit paano, puwede

naman magbenta kahit anong product kung gugustuhin.”

Interviewee F:

“Makakatulong yung marketing strategies na ginagawa ko sa mga gustong magtayo ng

small business kasi magagamit nila yung mga paraan ko sa pagtitinda kasi madali lang

siya maapply sa business halimbawa yung presyo ko sobrang mura. Iapply nila sa

business nila yung maka masang presyo at paikutin muna yung nalikom nilang pera na

galing sa pag titinda.”

Interviewee G:

“Yung sa pagtitinda ng siomai matuturo ko sakanilla yung tamang paghandle ng

negosyo yung “ins and outs” nito para pag nagsimula may foundation n sila at hindi sila

mahihirapan.”

You might also like