You are on page 1of 6

Barangay Dela Paz

Name: Gloria Espiritu


Age: 61
Address: 3373 Almeda Subd. Dela Paz Biñan

1. Ilang taon na kayong gumagawa ng sapatos?


- Ano, dalaga pa kami, nung dalagi pa kami nagrerebete lang kami, nagawa ng tsinelas tapos
nung naging mag – asawa na kami nagpaano kami, supplier, mga ano yan, mga 20 years na
kaming nagawa ng tsinelas.
2. Paano niyo po natutunang gumawa ng ganun?
- Ano, tinuruan kami ng magulang ko, dati ang magulang ko ganun din ang ginagawa, sapatos,
tsinelas, pinamana sa amin.
3. Ano po yung mga kadalasan niyong ginagawa?
- Mga pambahay- bahay na ganyan, mga tsinelas na may sipit na andoon. Puro mga
pambabae.
4. Kayo rin ba nag nag dedesenyo ng sarili niyong produkto?
- Oo, kami. Kami nagawa ng sample.
5. Gumagamit ba kayo ng machineries sa paggawa?
- Wala, mga ano lang kami, kamay, mano mano lang.
6. Binebenta niyo rin ba yung gawa niyo dito sa Biñan?
- Oo, nagtitinda kami sa palengke. Oo sa ibang lugar, sa landayan ganun, iba ibang lugar, tulad
ng Cabuyao, Sa Laguna lang ganun.
7. Ano po yung klase ng business organization niyo? Kayo lang po ba yung may ari o may partner
po kayo?
- Wala, kami lang, ano lang naming, kumbaga kami lang ang namumuhunan, konti lang naman
puhunan namin.
8. Sa tingin niyo ba habang dumarami yung mga customer ngayon, may epekto ba yun sa paggawa
niyo? Sa panong paraan?
- Wala naman, basta ang ano naming laging ganon ang presyo, di nagbabago presyo naming,
dumadami yung order kapag kunwari umorder ng ano, apat na edsign ganun ayun
dumarami nang dumarami yun.
9. Kelan nalakas o nahina yung paggawa niyo ng produkto?
- Kapag may umorder, pag walang umorder, wala rin. Kailangan may umorder, pag yung
nagtitinda ka lang konti lang ang mabebenta mo. Mabili tuwing September hanggang
December, panregalo ganun.
10. Sa opinyon niyo, kilala pa rin ba ang Biñan sa paggawa ng mga sapatos?
- Oo, mga tsinelas. Basta kapag Biñan, lalo na sa dela paz yun nga tsaka malaban yun ang ano
ng tsinelas tsaka sapatos.
11. May pinagkaiba ba yung paggawa niyo noon sa ngayon?
- Noon kasi ano, mababa ang presyo ng ano noon, ngayon medyo malaki laki ngayon ang
presyo tsaka tumataas ang materyales kaya nababago. Noon kasi medyo madali lang,
ngayon medyo mahirap, sari saring style ang gawa. Oo style, gagawa ka rin ng sample ng iba
iabng sty;e, tsaka kung malakas ang gawa mo, marami kang magagawa na sample, iba ibang
style ng tsinelas, sapatos.
12. Ano yung nagiging problema sa paggawa ng mga produkto niyo?
- Yung ano, pag kulang ang puhunan mo, wala ka ring materyales, kulang sa pandikit, kulang
ng tela. Yun ang problema ng ano pag maliit ang benta di ka makakaano, makakabuo ng
isang tsinelas.

Name: Alex Alino


Age: 44
Adress: Almazora Subd.

1. Ilang taon na kayong gumagawa ng sapatos?


- Bago pa lang to , mga isang taon pa lang to.
2. Paano niyo po natutunang gumawa ng ganun?
- Pinag - aralan din, pano panood din.
3. Ano po yung mga kadalasan niyong ginagawa?
- Eto mga ganito, sandals mga tsinelas. Puro pambabae lang yun.
4. Kayo rin ba nag nag dedesenyo ng sarili niyong produkto?
- Oo, yung may ari nito.
5. Gumagamit ba kayo ng machineries sa paggawa?
- Hindi mga ano to manual, puro mano mano.
6. Binebenta niyo rin ba yung gawa niyo dito sa Biñan?
- Kung saan saan, di ko alam kasi manggagawa lang ako, iba yung nadedeliver nito, pinipick up
lang ditto, sa tingin ko binebenta rin to sa ibang lugar.
7. Ano po yung klase ng business organization niyo? Kayo lang po ba yung may ari o may partner
po kayo?
- Isa lang
8. Sa tingin niyo ba habang dumarami yung mga customer ngayon, may epekto ba yun sa paggawa
niyo? Sa panong paraan?
- Sa akin wala naman ako nakikitang epekto, pangkaraniwan din
9. Kelan nalakas o nahina yung paggawa niyo ng produkto?
- Buwang ng Agosto, mahina yan, pagpasok ng September lalakas yan hanggang ganitong
buwan na mga January,
10. Sa opinyon niyo, kilala pa rin ba ang Biñan sa paggawa ng mga sapatos?
- Pwedeng makilala
11. May pinagkaiba ba yung paggawa niyo noon sa ngayon?
- Wala, parehas lang, hanggang ngayon sapatero pa rin ako, wala naman sa paggawa.
12. Ano yung nagiging problema sa paggawa ng mga produkto niyo?
- Wala akong nakikitang epekto niyan, siguro yung paggawa ng mga product, minsan
nagkakamali ng ano gupit, sa materyales wala naman, walang problema sa trabahador.
Name: Salve Hapin
Age: 58
Address:

1. Ilang taon na kayong gumagawa ng sapatos?


- Mga 20 years na
2. Paano niyo po natutunang gumawa ng ganun?
- Ano lang experience lang din, makikinuod nung una hanggang sa matuto.
3. Ano po yung mga kadalasan niyong ginagawa?
- Mga tsinelas lang, pambabae, pwedeng pang bata at pang matanda
4. Kayo rin ba nag nag dedesenyo ng sarili niyong produkto?
- Oo
5. Gumagamit ba kayo ng machineries sa paggawa?
- Oo
6. Binebenta niyo rin ba yung gawa niyo dito sa Biñan?
- Sa department store, footstep, malapit sa SM, ngayon hindi na ako nag e SM, sa Cinco
Footstep, di ako nagbebenta ditto sa Biñan, pag may bumibili lang na isang pares, pasadya.
7. Ano po yung klase ng business organization niyo? Kayo lang po ba yung may ari o may partner
po kayo?
- Oo, single.
8. Sa tingin niyo ba habang dumarami yung mga customer ngayon, may epekto ba yun sa paggawa
niyo? Sa panong paraan?
- Oo, kasi minsan kulang ang, pag kulang sa tao, pero kapag ano naman maganda epekto kasi
mas malaki ang income.
9. Kelan nalakas o nahina yung paggawa niyo ng produkto?
- Mahina naming umpisa ng April hanggang June tapos lumalakas na kapag “BER” months na
tapos ngayon January hanggang March na. Kasi pag summer pasukan, June, kaya siguro
nahina kasi may mas priority silang dapat nilhin.
10. Sa opinyon niyo, kilala pa rin ba ang Biñan sa paggawa ng mga sapatos?
- Kilala naman ang Biñan.
11. May pinagkaiba ba yung paggawa niyo noon sa ngayon?
- Oo meron, kasi ang machineries panay electric na dati kasi wala, panay manual lang.
12. Ano yung nagiging problema sa paggawa ng mga produkto niyo?
- Malimit ano, quick glue lang naman, pag mahina yung pagkakadikit nung rugby, yung lang,
malimit. Minsan nalilipasan yung pandikit di agad nadidikit, pero nagagawan naman sya ng
solusyon.
Name: Edwin Belen
Age: 45
Adress: Almeda Subd. Dela Paz Biñan

1. Ilang taon na kayong gumagawa ng sapatos?


- Siguro mga 20, 20 years na
2. Paano niyo po natutunang gumawa ng ganun?
- Parang ano mana lang sa mga ano ninuno
3. Ano po yung mga kadalasan niyong ginagawa?
- Ganito lang , Japanese, pangbabae panglalaki
4. Kayo rin ba nag nag dedesenyo ng sarili niyong produkto?
- Oo , kami rin mismo
5. Gumagamit ba kayo ng machineries sa paggawa?
- Yan lang, yung press ano, yung may parang matalas
6. Binebenta niyo rin ba yung gawa niyo dito sa Biñan?
- May ano, may mga kumukuha na dito mismo, pumupunta na sila mismo dito. Binebenta sa
iba Alabang , Batangas , Tanauan, tsaka dyan Hometown Biῆan
7. Ano po yung klase ng business organization niyo? Kayo lang po ba yung may ari o may partner
po kayo?
- Ano lang to eh, wala naman kaming ano eh, wala naman, sarili lang
8. Sa tingin niyo ba habang dumarami yung mga customer ngayon, may epekto ba yun sa paggawa
niyo? Sa panong paraan?
- May epekto? Parang ano eh dati kasi marami kasi ditong nagpapagawa eh parang umano
eh, nagdown ng ano eh, nagiba ng negosyo yung iba eh. Bakit bumaba? Nag mahal ang
materyales , gawa ng ano yung mga plastic na ano, noong pumasok dito yung plastic, hindi
na kami ano eh
9. Kelan nalakas o nahina yung paggawa niyo ng produkto?
- Pag December mataas ang ano , pagdating ng tag-ulan yung June , July, August, mahina ang
produksyon ng ano
10. Sa opinyon niyo, kilala pa rin ba ang Biñan sa paggawa ng mga sapatos?
- Ano pa rin 50/50 na lang siguro ganon, di na kagaya ng dati, kasi ano eh, dati pag pumasok
ka dito puro ano dyan eh pagawaan, ngayon wala di na gaano eh. Mga tiyuhin, tiyahn
naming wala naring pagawaan, halos kami na lang ,yung iba mga nagsara na
11. May pinagkaiba ba yung paggawa niyo noon sa ngayon?
- Malaki, mas malakas noong nakaraan mga 90, 1990’s malakas noon ano Baclaran ang
kumukuha samin eh, minsan pumupunta na dito yung iba eh. Ngayon nawala na yon, nag-
ibang ano.
12. Ano yung nagiging problema sa paggawa ng mga produkto niyo?
- Pag-ano , nagbabaha kasi dito eh, pag ano tigil produksyon pag bumaha yun nga pag mahal
ang materyales tsaka yung ano mga plastic na products kasi ano kami eh, mano mano kami
hindi pabrika, hindi kagaya ng pabrika
Name: Roselda Capadocia
Age: 50
Adress: Almazora Subd.

1. Ilang taon na kayong gumagawa ng sapatos?


- Matagal na e, dalaga , nagpapagawa na sya, siguro mga 10 years na
2. Paano niyo po natutunang gumawa ng ganun?
- Ano , yung simula sa mother at father nila, parang namana
3. Ano po yung mga kadalasan niyong ginagawa?
- Sandals lang sya puro pambabae lang
4. Kayo rin ba nag nag dedesenyo ng sarili niyong produkto?
- Oo , inaano niya ang picture ganun, natingin sya sa pictures tapos ipapagawa niyang sample
ganun.
5. Gumagamit ba kayo ng machineries sa paggawa?
- Oo , tapos sa mga lalaki yung motor para pampakinis nito. Pinaka ilalim ng paa, sandals
goma, kinikiskis muna yun , ayon ginagamitan yun ng kuryente.
6. Binebenta niyo rin ba yung gawa niyo dito sa Biñan?
- Baclaran toh, order baclaran , minsan sa Tutuban. Hindi kami nagbebenta sa Biῆan kasi ano
yan eh yung per dozen ang ano basta order kung ilang dosena ang order. Pero may nakuha
dito taga San Pedro, taga Muntinlupa , ayon walang nakuhang taga Biῆan kasi more on taga
Biῆan din ang nagawa diba.
7. Ano po yung klase ng business organization niyo? Kayo lang po ba yung may ari o may partner
po kayo?
- Siya tapos may pinaka manager. Yung dinedeliveran niya ang pinaka manager namin. Di ba
order yun tapos siya yung gagawa tapos ano lang pirma lang para makakuha ng materials.
Partnership ganun.
8. Sa tingin niyo ba habang dumarami yung mga customer ngayon, may epekto ba yun sa paggawa
niyo? Sa panong paraan?
- Anong demand yung sa product? Kung ano dumarami kasi eh, maraming na order, kasi yung
quality ng ano nung trabaho yung tinitignan nila siguro. Kasi pag ano yung product may ano
damage syempre kakaunti yung ano, yung order.
9. Kelan nalakas o nahina yung paggawa niyo ng produkto?
 Depende sa nagtratrabaho, kasi minsan ano , na yung pagod na sila di ba, minsan may isang
araw na tigil. Ano dapat ngayon mahina na kaso hindi humina ngayon, pero malakas na
malakas yan pagpasok ng “BER”, ber months talaga malakas. Hindi nga humina ngayon pero
nung mga nakaraan kapag ganitong buwan medyo mahina pero ngayon hindi.
- Oo kasi parang ang daming may gawa.
10. Sa opinyon niyo, kilala pa rin ba ang Biñan sa paggawa ng mga sapatos?
- Oo kasi parang ang daming may gawa
11. May pinagkaiba ba yung paggawa niyo noon sa ngayon?
- Noon kasi di ba napasok ang chino, naging apektado materyales humina eh pero ngayon
parang wala na yung china, ito na ngayon kaya malakas ulit. Ganun ang nangyari kaya
bumaba yung product ng ano ngayon. Yung ano process ng pagkakatrabaho kasi ito dati
mano mano ngayon meron na ring machine na pang budlock ba yung tawag nila medyo
mabilis yung process ng pagtratrabaho ngayon puro de kuryente na, kaya medyo mabilis.
12. Ano yung nagiging problema sa paggawa ng mga produkto niyo?
- Pag yung mga trabahador tinatamad magtrabaho. Wala namang problema sa materyales
kasi may partner siya talaga. Sa trabaho lang talaga pag nadedelay ang deliver.

You might also like