You are on page 1of 5

ESP 7

Ikatlong Linggo

I.Layunin

Natutukoy ang kaugnayan ng pagpapaunlad ng mga hilig sa pagpili ng kursong akademiko o


teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay

II.Paksa: Pagpapa-unlad ng mga Hilig

MGA HILIG
May kakaiba ka bang saya o sigla kapag nagsusulat ka ng iyong mga pananaw, opinyon o
pagninilay? Ipinagmamalaki mo ba ang iyong mga naisulat? Sa iyong libreng oras, pipiliin mo
bang magbasa at maghanap sa internet o mga aklat ng magagandang ideya na gagamitin mo sa
isang sanaysay o tula? Kung oo ang sagot mo sa mga tanong na ito, ibig sabihin, hilig mo ang
pagsusulat.
Ano ba ang ibig sabihin ng hilig?
Ang mga hilig ay preperensiya sa mga partikular na uri ng gawain. Ang mga ito ang
gumaganyak sa iyo na kumilos at gumawa. Nagsisikap ka kung may motibasyon ka dahil gusto
mo ang iyong ginagawa, hilig mo ito, at nagagabayan ka ng mga pagpapahalaga na makatutulong
sa iyong pag-unlad (Santamaria, 2006).
Sa kabilang dako, kung ang trabaho o gawain mo ay hindi ayon sa iyong mga hilig, ikaw ay
nababagot. Iiwasan mo ang gawaing di mo gustong gawin o ipinagpapaliban mo ang mga ito.
Halimbawa, kahit gusto mong gumamit ng mga kagamitang pinatatakbo ng koryente (tulad ng
coffee maker o juicer), ngunit ayaw mong subukang gamitin ito, patunay ito na hindi mo hilig
ang pagbubutinting (tinker) ng mga bagay.
Ang ibang hilig ay maaaring:
a. natututuhan mula sa mga karanasan. Halimbawa, dahil sa palagiang pagtulong sa negosyo ng
pamilya na pagtitinda ng mga lutong pagkain, nakahiligan mo na rin ang pagluluto. Ibinatay mo
rito ang iyong kinuhang kurso sa kolehiyo at minahal mo na ang iyong trabaho bilang chef sa
isang kilalang hotel.
b. minamana. Halimbawa, nasubaybayan mo sa iyong paglaki ang hilig ng iyong ina sa pag-
aalaga ng mga halaman. Habang ikaw ay lumalaki, napapansin mong nagkakaroon ka rin ng
interes sa pag-aalaga ng mga halaman kung kaya katuwang ka na ng iyong ina sa kaniyang mga
ginagawa sa inyong hardin.
c. galing sa ating mga pagpapahalaga at kakayahan. Halimbawa, labis ang iyong pagiging
maawain sa iyong kapwa, laging bukas ang iyong puso sa pagtulong sa iyong kapwa na
nangangailangan. Labis ang kasiyahan na
iyong nararamdaman kapag may nagagawa kang kabutihan sa iyong kapwa. Nakahiligan mo na
ang magbigay ng serbisyo para sa ibang tao o kapwa.
Kung gusto mong masiyahan, nagsisilbing gabay ang mga hilig sa pagpili ng mga gawain. Ang
taong nasisiyahang gawin ang isang gawain ay nagsisikap na matapos ito at may pagmamalaki sa
gawaing maayos na ginawa. Ito ang nagbibigay sa kaniya ng paggalang sa sarili, gayundin
nagpapaunlad ng kaniyang tiwala sa sarili.
Isa pa, nakatutulong ang mga hilig, kasama ng aptityud at potensiyal at pangkalahatang
karunungan (general intelligence), tungo sa iyong mabilis na pagkatuto at pagkakaroon ng mga
kasanayan (skills). Ang mga hilig ay batayan din ng iyong mga kasanayan, kakayahan at
kahusayan (proficiencies). Mahalagang malaman mo ang iyong mga hilig dahil palatandaan ang
mga ito ng mga uri ng trabaho na magbibigay ng kasiyahan at kaganapan sa iyo bilang tao.
Paano mo ba matutuklasan ang iyong mga hilig? Makatutulong sa iyo ang kasunod na mga
hakbang:
1. Pagnilayan ang iyong mga hilig na libangan (hobby) at paboritong gawain. Dahil ginagawa
nang kusang-loob ang hilig na libangan (hobby), ang mga ito ay pinakamahusay na palatandaan
ng mga bagay na iyong minamahal na gawin. Sa pamamagitan ng pagninilay, maaaring
matuklasan mo na ang iyong hilig na libangan ay naging bahagi na ng iyong buhay mula pa sa
iyong pagkabata.
2. Siyasatin ang mga gawaing nakapagpapasigla sa iyo. Ano ba ang mga gawaing nagdudulot sa
iyo ng sigla at sigasig? Maaaring kasama rito ang iyong mga hilig na gawain ngunit maaari rin
namang mga gawaing iyong ginagampanan sa iyong pang-araw-araw na buhay. Halimbawa,
maaaring may mga gawain sa inyong tahanan na mas gusto mong gawin kaysa sa ibang mga
tungkulin dahil ramdam mong mas masaya ka habang ginagawa ang mga nasabing gawain.
3. Suriin ang mga gawaing iyong iniiwasang gawin. Ang isa pang palatandaan sa pagtuklas ng
iyong mga interes o hilig ay maaaring sa pamamagitan ng pagsisiyasat sa mga gawaing mas
pinipili mong gawin kapag nahaharap sa isang bagay na hindi mo nais na gawin. Halimbawa,
kakausapin mo ang iyong kapatid na siya na lamang ang magluto at ikaw na lamang ang
maghuhugas ng pinggan dahil hindi mo talaga hilig ang magluto at alam mong kulang ka sa
kakayahan upang gawin ito.

May dalawang aspekto ng mga hilig: ang larangan ng mga hilig (areas of interest) at ang tuon ng
atensiyon (Abiva, 1993).
Narito at ating balikan ang sampung larangan ng hilig:
1. Outdoor – Nasisiyahan sa mga gawaing panlabas (outdoor)
2. Mechanical – Nasisiyahan sa paggamit ng mga kagamitan (tools)
3. Computational – Nasisiyahan na gumawa gamit ang bilang o numero

4. Scientific – Nasisiyahan sa pagtuklas ng bagong kaalaman, pagdidisenyo at pag-imbento ng


mga bagay o produkto
5. Persuasive – Nakahihikayat at nasisiyahan sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao o
pakikipagkaibigan
6. Artistic – Nagiging malikhain at nasisiyahan sa pagdidisenyo ng mga bagay
7. Literary – Nasisiyahan at nagpapahalaga sa pagbabasa at pagsusulat
8. Musical – Nasisiyahan sa pakikinig o paglikha ng awit o pagtugtog ng instrumentong musikal
9. Social service – Nasisiyahang tumulong sa ibang tao
10. Clerical – Nasisiyahan sa paggawa ng mga gawaing pang-opisina
Ang tuon ng atensiyon ay ang preperensiya ng uri ng pakikisangkot sa isang gawain. Ito ay
maaaring sa tao, datos, at bagay.
1. Tao – May kinalaman sa tao
2. Datos – May kinalaman sa mga katotohanan, records, files, numero, detalye
3. Bagay – Gamit ang mga kagamitan (tools) o makina (machine)
4. Ideya – Pag-iisip at pag-oorganisa ng mga ideya

Mahalagang tandaan na ang bawat gawain ay palatandaan o indikasyon ng maraming hilig at


may higit sa isang tuon. Halimbawa, ang paglikha ng awit ay indikasyon ng hilig sa musika
(musical) at pagsusulat (literary). Ito ay may tatlong tuon – tao (pag-awit o pagpaparinig ng
nilikhang awit sa kaibigan), datos (paglapat sa mga linya ng awit ng mga pagkatuto sa
karanasan) at ideya (paggamit ng estratehiya kung paano mapalalaganap ang mensahe ng awit.)
Kung may mga panahon na kahit pagod ka na, patuloy ka pang gumagawa ng isang bagay kaya’t
di mo napapansin ang paglipas ng oras, indikasyon ito ng iyong hilig. Mahalaga ang pagtuklas
mo sa mga ito, pati ang mga tuon ng atensiyon sa bawat isa dahil palatandaan ito ng uri ng mga
gawain, kurso, o trabaho na magbibigay sa iyo ng kasiyahan o kaganapan. Kung malinaw sa iyo
ang iyong mga hilig, maiiwasan ang pagkabagot o kabiguan sa pagiging abala. Maiiwasan din
ang pagpili ng kurso o trabahong maaaring magbibigay ng malaking suweldo ngunit di naman
kawili-wiling pagkaabalahan. Kung alam mo ang iyong mga hilig, makikilala mo ang mga
kongkretong paraan kung paano mo pauunlarin ang mga ito.

Gawain 1
1. Ilarawan ang mga hilig. Saan nagmula ang mga ito?
2. Bakit mahalaga ang mga hilig?
3. Bakit mahalaga ang pagpapaunlad ng mga hilig?
4. Ipaliwanag ang dalawang aspekto ng mga hilig.
5. Bakit mahalaga ang pagtuklas sa mga hilig at ang tuon ng mga ito?

Gawain 2
Sagutin ang tanong na: Bakit mahalaga ang pagpapaunlad ng mga hilig? Punan ang graphic organizer sa
ibaba.
Isulat ang letra ng pinakaangkop na sagot sa sagutang papel.
1. Ang sumusunod ay nagpapakita ng katangian ng hilig maliban sa:
a. Si Jamir ay laging kasama ng kanyang ama sa pinagtatrabahuhan nitong kompanya bilang
isang inhinyero. Namulat siya sa gawain ng kanyang ama at napansin niyang nagkakainteres na
rin siya sa matematika, pagguhit at pagdidisenyo.
b. Nakita ni Emerlyn ang hilig ng kaniyang mga kaibigan sa larong badminton. Nais niyang
makasama nang madalas ang kanyang mga
kaibigan kung kaya nag-aral siyang maglaro nito sa kabila ng hirap. Ginagawa nila nang
madalas ang gawaing ito nang sama-sama.
c. Si Sharifa ay laki sa pamilya ng mananahi. Sa murang edad, tumutulong na siya sa kanilang
patahian at lumaon ay nakahiligan na niya itong gawin. Natutuwa sa kanya ang kanyang ina
dahil mahusay na siyang magdisenyo ng mga damit na nagagamit nila sa kanilang negosyo.
d. Masaya si Jesheryn kapag nakagagawa siya ng kabutihan sa kaniyang kapwa. Nang makatapos
ng pag-aaral ay naging misyon na niya ang kumalap ng tulong sa mga nakaaangat sa buhay para
sa mga nangangailangan. Nakahiligan na niya ang sumama sa mga outreach programs at relief
operations

2. Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng bagay o gawain na kinahihiligan?


a. Nakapagpapasaya sa tao
b. Nakapagpapaunlad ng tiwala sa sarili
c. Nakapag-aangat ito ng katayuan sa buhay
d. Nakapagtuturo ito ng kakayahang kailangan para sa hinaharap

3. Ang sumusunod ay paraan sa pagtuklas ng hilig maliban sa:


a. Suriin ang mga gawaing iniiwasang gawin
b. Siyasatin ang mga gawaing nakapagpapasigla sa iyo.
c. Pagnilayan ang iyong mga libangan at paboritong gawin.
d. Suriin ang pamilya at ang kinahihiligang gawin kasama ang mga ito.

4. Ang sumusunod ay ang kinahihiligang gawin ng apat na magkakapatid. Ano-ano ang


larangang kanilang kinahihiligan?
 Si Joshua ay isang mountain climber. Sa gawaing ito ramdam niyang kaisa niya ang
kalikasan.
 Si Jessie, nauubos ang malaking oras sa karera ng motor. Ang motor na ito ay siya ang
nagdisenyo at nagsaayos.
 Si Jennylyn palaging nasa komunidad at nagbibigay ng libreng serbisyo bilang doktor.
 Si Jenica, palaging nakakulong sa kanyang silid at nagpipinta ng iba’t ibang larawan.
a. persuasive, outdoor, clerical, mechanical
b. naturalist, visual, existential, intrapersonal
c. outdoor, artistic, mechanical, social service
d. bodily/kinesthetic, naturalist, interpersonal, visual

5. Si Hadji ay isang sikat na mang-aawit at kompositor. Ano ang larangan at tuon ng hilig ni
Hadji.
a. Larangan: musical c. Larangan: musical, literary
Tuon:tao Tuon: tao, ideya
b. Larangan: musical, artistic d. Larangan:musical,literary
Tuon: tao, ideya Tuon:tao,datos,ideya

You might also like