You are on page 1of 8

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

QUARTER 1 – MODULE 6
Week 7

Pagpapaunlad ng Hilig

1
Modyul 6: Pagpapaunlad ng Hilig

UNANG BAHAGI
Ang modyul na ito ay isinulat para matugunan ang iba’t ibang paraan ng pagkatuto ng bawat mag-
aaral. Hangad ng modyul na ito na maisabuhay at mailapat ang mga kilos tungo sa pagpapaunlad ng mga
sariling hilig.
Sa modyul na ito ay inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan at
pag- unawa:
3.3. Naipaliliwanag na ang pagpapaunlad ng mga hilig ay makatutulong sa pagtupad ng mga tungkulin,
paghahanda tungo sa pagpili ng propesyon, kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o
hanapbuhay, pagtulong sa kapwa at paglilingkod sa mamamayan. (EsP7PS-If-3.3)
3.4. Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa pagpapaunlad ng kanyang mga hilig. (EsP7PS-If-3.4)

ANG HILIG AY MAAARING:

a. Natutunan mula sa karanasan. Halimbawa, dahil sa palagiang pagtulong sa negosyo ng pamilya na


pagtitinda ng mga lutong pagkain, nakahiligan mo na rin ang pagluluto. Ibinatay mo rito ang iyong kinuhang
kurso sa kolehiyo at minahal mo na ang iyong trabaho bilang chef sa isang kilalang hotel.

b. Minamana. Halimbawa, nasubaybayan mo sa iyong paglaki ang hilig ng iyong ina sa pag-aalaga ng mga
halaman. Habang ikaw ay lumalaki, napapansin mong nagkakaroon ka rin ng interes sa pag-aalaga ng mga
halaman kung kaya katuwang ka na ng iyong ina sa kaniyang mga ginagawa sa inyong hardin.

c. Galing sa ating mga pagpapahalaga at kakayahan. Halimbawa, labis ang iyong pagiging maawain sa
iyong kapuwa, laging bukas ang iyong puso sa pagtulong sa iyong kapuwa na nangangailangan. Labis ang
kasiyahan na iyong nararamdaman kapag may nagagawa kang kabutihan sa iyong kapuwa. Nakahiligan
mo na ang magbigay ng serbisyo para sa ibang tao o kapuwa katulad na lamang ng bayanihan na naging
inspirasyon sa pagbuo ng Community Pantry sa panahon ng pandemya.

Kung gusto mong masiyahan, nagsisilbing gabay ang mga hilig sa pagpili ng mga gawain. Ang taong
nasisiyahang gawin ang isang gawain ay nagsisikap na matapos ito at may pagmamalaki sa gawaing maayos na
ginawa. Ito ang nagbibigay sa kaniya ng paggalang sa sarili at nagpapaunlad ng kaniyang tiwala sa sarili.

MGA HAKBANG SA PAGTUKLAS NG HILIG

1. Pagnilayan ang iyong mga hilig na libangan (hobby) at paboritong gawain. Dahil ginagawa nang
kusang-loob ang hilig na libangan (hobby), ang mga ito ay pinakamahusay na palatandaan ng mga bagay na
iyong minamahal na gawin. Sa pamamagitan ng pagninilay, maaaring iyong matuklasan na ang iyong hilig na
libangan ay naging bahagi na ng iyong buhay mula pa sa iyong pagkabata.

2
2. Siyasatin ang mga gawaing nakapagpapasigla sa iyo. Ano ba ang mga gawaing nagdudulot sa iyo ng sigla
at sigasig? Maaaring kasama rito ang iyong mga hilig na gawain ngunit maaari rin namang mga gawaing iyong
ginagampanan sa iyong pang-araw-araw na buhay. Halimbawa, maaaring may mga gawain sa inyong tahanan
na mas gusto mong gawin kaysa sa ibang mga tungkulin dahil ramdam mong mas masaya ka habang ginagawa
ang mga nasabing gawain.

3. Suriin ang mga gawaing iyong iniiwasang gawin. Ang isa pang palatandaan sa pagtuklas ng iyong mga
interes o hilig ay maaaring sa pamamagitan ng pagsisiyasat sa mga gawaing mas pinipili mong gawin kapag
nahaharap sa isang bagay na hindi mo nais na gawin. Halimbawa, kakausapin mo ang iyong kapatid na siya na
lamang ang magluto at ikaw na lamang ang maghuhugas ng pinggan dahil hindi mo talaga hilig ang magluto at
alam mong kulang ka sa kakayahan upang gawin ito.

Bakit kailangang paunlarin ang iyong mga hilig? Ano-ano ang mga kahalagahan at naitutulong nito
sa iyong sarili? Ang pagpapaunlad ng mga hilig o interes ay makatutulong sa:

Una, pagtupad ng mga tungkulin. Madaling gawin ang isang bagay o tungkuling iniatang sa iyong mga balikat
kung ito ay kinahihiligan mo. Halimbawa, inutusan ka ng iyong ina na magluto ng pagkain sapagkat hilig mo ang
pagluluto, madali at may kasiglahan mong magagawa ito.

Ikalawa, paghahanda tungo sa pagpili ng propesyon. Sa reyalidad ng buhay, kadalasan kung ano ang hilig
mo, yun ang sinusundan mo. Halimbawa, kung magaling ka sa Math, natural ang kukunin mong kurso ay nasa
Academic Track (engineering o accountancy o katulad ng mga ito) upang hindi ka masyadong mahirapan sa
iyong pag-aaral at maging matagumpay kang engineer o accountant sa hinaharap at makamit mo ang minimithi
mong pangarap. Kung ang hilig mo naman ay pag-aayos ng mga sirang bagay kagaya ng motor, cellphone at
iba pa, mas mainam na kunin mo ang kursong nasa Technical-Vocational at magiging masaya ka sa larangang
ito.

Ikatlo, negosyo o hanapbuhay. May kasabihan na wala raw yumayaman sa hanap-buhay kundi sa negosyo.
Pero ang tanong, alin ba sa dalawa ang pipiliin mo at magiging masaya ka? Hilig mo ba ang magnegosyo o
maghanap-buhay? Ikaw ang makasasagot niyan. Marahil, may narinig ka ng kuwento tungkol sa pamilya ng mga
doktor, pamilya ng mga guro, pamilya ng mga pulis at pamilya ng mga negosyante. Mula sa lolo hanggang sa
apo ay pulis, doktor, guro o kaya nama’y negosyante. Isa sa mga salik nito ay ang hilig o interes.

3
IKALAWANG BAHAGI

GAWAIN I
PANUTO: Pagsunod-sunurin ang mga sumusunod na hakbang sa pagpapaunlad ng hilig gamit ang bilang 1-5.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_____ a. Pumili ng kurso o karerang may kinalaman sa kinahihiligang gawin.


_____ b. Obserbahan ang sarili.
_____ c. Alamin ang mga gawain na gusto mong gawin at paulit ulit na ginagawa at suriin ang mga bagay na
ayaw mo ring gawin.
_____ d. Pagnilayang mabuti ang iyong pasya at hingin ang gabay ng Panginoon para makasiguro sa tagumpay
sa hinaharap.
_____ e. Bigyan ng panahon ang pagpapaunlad ng hilig.

GAWAIN II
PANUTO: Punan ang kasunod na tsart ng pagpapaunlad ng iyong mga hilig. Magandang karanasan ito upang
masanay kang magplano para sa iyong sariling pag-unlad. Ikaw lamang ang nakakikilala sa iyong
sariling kakayahan kung kaya ikaw rin ang nakaaalam kung anong estilo ang angkop sa iyo sa
pagsasagawa ng gawaing ito. Gayahin ang tsart sa sagutang papel at doon isulat ang sagot.

Tsart ng Pagpapaunlad ng Hilig

Mga taong
Mga Hilig Paano pauunlarin hihingan ng Maaaring balakid Paano
ito? tulong/suporta o o problema malalampasan
kokunsultahin
Halimbawa:
• Tutugtog ako sa Mga kaibigan Baka may Ipangangako ko sa
Pagtugtog ng gitara loob ng isang oras ipagawa sa aking aking magulang na
araw-araw gawain sa bahay pagbubutihin ko
• Mag-eenrol ako ang pag-aaral para
sa isang guitar payagan nila ako
school sa mga hilig ko.

1.

2.

3.

4
SUSI SA PAGWAWASTO

GAWAIN I
a. 4
b. 1
c. 2
d. 5
e. 3

GAWAIN II - Malayang Pagsagot

SANGGUNIAN
❖ Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Learner’s Material Quarter 1-2
❖ Open High School Program – Edukasyon sa Pagpapahalaga I Modyul
❖ https://phsedukasyonsapagpapakataogr7.weebly.com/modyul-3.html

5
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
Division of Pangasinan II
Binalonan

WORKSHEETS IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO GRADE 7


Quarter 1, Week 7
Most Essential Learning Competencies:

3.3. Naipaliliwanag na ang pagpapaunlad ng mga hilig ay nakatutulong sa pagtupad ng mga


tungkulin, paghahanda tungo sa pagpili ng propesyon, kursong akademiko o teknikal-
bokasyonal negosyo o hanapbuhay, pagtulong sa kapwa at paglilingkod sa mamamayan.
(EsP7PS-If-3.3)
3.4. Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa pagpapaunlad ng kanyang mga hilig.
(EsP7PS-If-3.4)

Pangalan: _ Petsa:
Baitang/Seksyon: _ Iskor:

GAWAIN A.1

PANUTO: Sa sagutang papel, isulat ang salitang OPO kung ang pahayag ay nakikitaan ng pagpapaunlad ng
hilig at HINDI PO kung ang pahayag ay hindi nakikitaan ng pagpapaunlad ng hilig.

__________ 1. Naibabahagi mo ang iyong karunungan sa pagtatanim bilang pakikiisa sa proyektong


“Gulayan sa Tahanan”.
__________ 2. Ikaw ang nagluluto kung wala si nanay.
__________ 3. Nahihirapan ka pa ring magdesisyon sa kukunin mong kurso o propesyon.
__________ 4. Natatapos mo ang lahat ng gawain sa modyul.
__________ 5. Nahihiya kang ibahagi ang natutunan mo sa paglalaro ng tennis.

6
GAWAIN A.2
PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat sitwasyon. Tukuyin ang letra ng pinaka-angkop na sagot
mula sa pagpipilian sa kahon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

A. Natutunan mula sa mga karanasan


B. Namamana
C. Galing sa mga pagpapahalaga at kakayahan
D. Napakikinggan

_____ 1. Hindi nakalimutang magpasalamat ni VJ sa Diyos kahit ano man ang nararanasan niya sa buhay.
_____ 2. Kapag nakakita si Isko ng batang lansangan, lagi niya silang pinaaalahanan kung gaano kahalaga
ang edukasyon dahil naranasan na rin niya ito.
_____ 3. Magaling na mang-aawit ang ina ni Charice. Habang lumalaki si Charice ay lumalabas ang ganda ng
kaniyang tinig.
_____ 4. Likas kay Angel ang tumulong sa mga kababayang Pilipino lalo na sa panahon ng krisis.
_____ 5. Mula ng magkaisip ang anak ni Manny na si Jimuel ay nakikita niya ang kaniyang ama sa larangan ng
boksing kaya naging hilig na rin niya ito.

GAWAIN B. PERFORMANCE TASK (25 puntos)

PANUTO: Gumuhit ng ulap sa sagutang papel at doon isulat ang iyong kasagutan sa mga tanong.

Pamantayan sa Paggawa

Malikhaing Konsepto - 10
Orihinalidad - 10
Kalinisan at Kaayusan - 5
Kabuuan 25 puntos

1. Anak, naumpisahan mo na bang mag-aral para sa iyong pagsusulit?

__________________________
__________________________
__________________________
__________________________

7
2. Napag-isipan mo na bang mabuti kung anong kurso ang iyong kukunin?

__________________________
__________________________
__________________________
__________________________

3. Napansin mo si Aling Belen sa lansangan at mukhang hindi pa siya kumakain, ano ang maaari mong
maitulong?

4. Maraming nagkakasakit sa dengue, ano ang magagawa mo upang mapuksa ang mga lamok na nagdudulot ng sakit?

5. Nahihirapan ka sa pagsagot ng modyul sa asignaturang Math, ano ang mga hakbang na iyong gagawin?

You might also like