You are on page 1of 1

San Isidro National High School

Looc, Tomas Oppus, Southern Leyte


2nd Periodical Test- Edukasyon sa Pagpapakakatao (Grade 7-Rizal)

Pagsubok I.
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang mga tanong. Piliin ang
pinakaangkop na sagot.
1. Ito ay preperensya sa mga partikular na uri ng gawain at gumaganyak sa iyo na kumilos at
gumawa.
a. Hilig b. Gusto c. Gawain d. Kilos
2. Ayon kay ________nagsisikap ka kung may motibasyon ka dahil gusto mo ang iyong
ginagawa, hilig mo ito, at nagagabayan ka ng mga pagpapahalaga na makatutulong sa iyong
pag-unlad.
a. Abiva, 1993 b. Santamaria,2006 c. Santos,2007 d. Hurlock,1982
3. Ito ay ang pag-iisip at pag-oorganisa ng mga ideya.
a. Bagay b. Ideya c. Datos d. Tao
4. Kinahiligan ng gawin ni Shiela ang pagbabasa at pagsusulat ng mga tula sa kanyang libreng
oras. Anong larangan ng mga hilig ito nabibilang?
a. Artistic b. Persuasive c. Scientific d. Literary
5. Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng bagay o gawain na kinahihiligan?
a. nakapagpapasaya sa iyo
b. nakapagpapaunlad ng tiwala sa sarili
c. nakapag-aangat ito ng katayuan sa buhay.
d. nakapagtuturo ito ng kakayahang kailangan para sa hinaharap
6. Ito ay may kinalaman sa mga katotohanan, records, files, numero at detalye.
a. Tao b. Datos c. Ideya d. Bagay
7. Si Ana ay nasisiyahan sa mga gawaing panlabas. Anong larangan ng mga hilig ito nabibilang?
a. Outdoor b. Mechanical c. Clerical d. Persuasive
8. Ang mga sumusunod ay mga paraan upang matuklasan ang mga hilig, maliban sa ______.
a. pagnilayan ang iyong mga hilig na libangan at paboritong gawain
b. siyasatin ang mga gawaing nakapagpapasigla sa iyo
c. Suriin ang mga gawaing ang iyong iniiwasang gawin
d. Iiwasan mo ang gawaing di mo gusting gawin
9. Ang ibang hilig ay maaaring________.
a. Minamana
b. Natutuhan mula sa karanasan
c. Galling sa mga pagpapahalaga at kakayahan
d. Lahat ng nabanggit
10. Hilig ni Jerome ang paglalaro ng basketball ngunit, pinapagalitan siya ng kanyang ina
sapagkat napapabayaan na ni niya ang kanyang pag-aaral. Ano ang dapat niyang gawin?
a. Hihinto sa paglalaro ng basketball.
b. Titigil sa pag-aaral dahil mas gusto niya ang paglalaro ng basketball.
c. Tatakasan ang ina upang patuloy ang paglalaro niya ng basketball.
d. Ipapangako sa kanyang ina na pagbubutihin ang pag-aaral upang payagan sa kanyang
hilig.

II- Panuto: Sagutan ang mga sumusunod:


1. Ipaliwanag ang mensahe sa pahayag na ito, “ Mahalin mo ang iyong ginagawa at gawin ang
mga bagay na iyong minamahal.” (5 puntos)
2. Bakit mahalaga ang pagtuklas ng sariling mga kinahihiligan? (5 puntos)
3. Ano ang mangyayari kung hindi mo gusto ang iyong ginagawa? (5 puntos)
4. Bakit mahalaga ang pagpapaunlad ng mga hilg? (5 puntos)

You might also like