You are on page 1of 1

Hilig, Aptityud, at Potensyal: Tuklasin

Ang mga hilig ay preperensya sa mga particular na uri ng mga gawain. Ang mga ito ay
gumaganyak sa iyo na kumilos at gumawa. Nagsisikap ka kung may motibasyon ka dahil gusto
mo ang iyong ginagawa, hilig mo ito,at nagagabayan ka ngmga pagpapahalaga na makakatulong
sa iyong pag-unlad. (Santamaria, 2006)
Sa kabilang dako, kung ang trabaho mo ay hindi ayon sa iyong mga hilig, ikaw ay
nababagot. Iiwasan mo ang gawaing hindi mo gustong gawin o ipinagpapaliban mo ang mga ito.
Halimbawa, kahit gusto mong gumamit ng mga kagamitang pinapatakbo ng kuryente (tulad ng
coffeemaker o juicer), nguniy ayaw mong subukang gamitin ito, patunay na hindi mo hilig ang
pagbubutinting ng mga bagay.

Ang mga hilig ay maaaring:


a. natutuhan mula sa mga karanasan. Halimbawa, dahil sa palagiang patulong sa
negosyo ng pamilya na pagtitinda ng mga lutong pagkain, nakahiligan mo na rin ang pagluluto.
Ibinatay mo rito ang iyong kinuhang kurso sa kolehiyo atminahal mo ang iyong trabaho bilang
chef sa isang kilalang hotel.

b. minamana- Halimbawa, nasubaybayan mo sa iyong paglaki ang hilig ngiyong ina sa


pag-aalaga ng mga halaman. Habang ikaw ay lumalaki, napapansin mong nagkakaroon ka rin
ng interest sa pag-aalaga ng mga halaman kung kaya katuwang ka ng iyong ina sa kaniyang
mga ginagawa sa inyong hardin.

c. galing sa ating mga pagpapahalaga at kakayahan. Halimbawa, labis ang iyong


pagiging maawain sa iyong kapwa, laging bukas ang iyong puso sa pagtulong sa iyong kapwa
na nagngangailangan Labis ang kasiyahan sa iyong nararamdaman kapag may nagawa kang
kabutihan sa iyong kapwa. Nakahiligan mo na ang magbigay ng serbisyo para sa ibang tao o
kapwa
Kung gusto mong masiyahan, nagsisilbing gabay ang hilig sa pagpili ng mga gawain. Ang taong
nasisiyahang gawin ang isang gawain ay nagsisikap na matapos ito at may pagmamalaki sa
gawaing maayos na ginawa. Ito ang nagbibigay sa kaniyang paggalang sasarili, gayundin
nagpapaunlad ng kanyang tiwala sa sarili.

Mga Larangan ng Hilig

1. Outdoor- Nasisiyahan sa mga gawaing panlabas (outdoor)

You might also like