You are on page 1of 20

Mga Hilig o Interes

Grade VII- Passion

Prepared by: D.R.T.E.


Mga Hilig o Interes

Lahat tayo ay may gustong gawin. Ang hilig o


interes ang gaganyak sa atin na kumilos at gumawa.
Ang mga ito ay karaniwang nagdidikta ng mga gawain
na pipiliin at kasasangkutan. Ito ang mga gawain na
patuloy mong ginagawa kahit pagod ka na. Minsan nga
ay di mo napapansin ang paglipas ng oras dahil sa
interesado ka sa iyong ginagawa.
Ang mga hilig o interes ay maaaring natutuhan sa
mga karanasan, ang iba ay minamana, at ang iba naman
ay galing sa ating mga pinahahalagahan at mga
kakayahan.
Mga Hilig o Interes

Ang obhetibong pagsusuri at pagpapaunlad sa sariling


hilig o intents ay mahalaga dahil sa sumusunod:

1. Ang iyong mga hilig o interes ay maaaring pagmulan


o panggalingan ng yong sariling kasiyahan. Ang taong
nasisiyahang gawin ang isang gawain ay nagsisikap na
matapos ito nang buong husay. Kaya mong ipagmalaki
ang mga gawaing maayos mong ginawa Nagbibigay rin
ito sa iyo ng pagpapahalaga at paggalang sa sarili.
Mga Hilig o Interes

2. Mas makabubuti kung ang gawain ng isang tao ay


nakasisiya sa kaniya sapagkat maibibigay niya ang lahat
ng kaniyang kakayahan upang mapagbuti at maiayos
ang gawaing iyon. Sa kabilang dako, kung ang trabaho
o gawain ay hindi ayon sa iyong mga hilig ikaw ay
nababagot. Ang pagkilala sa sariling interes ay
mahalaga sapagkat ito ay makatutulong sa pagtupad sa
mga gawain at tungkulin na inaasahan sa isang
kabataang tulad mo.
Mga Hilig o Interes

3. Ang pagtuklas at pag-alam sa sariling interes ay


makatutulong upang maunawaan ang mga gawain o
hanapbuhay na nababagay sa iyo Mahalagang malaman
mo ang iyong mga hilig dahil palatandaan ang mga ito
ng mga uri ng kurso o trabaho na tugma sa iyo. Ang
kursong iyong kukunin o hanapbuhay na pipiliin ay lalo
mo pang mapahahalagahan o mamahalin kung ang
mga ito ay may kinalaman sa iyong mga hilig o interes.
Mga Hilig o Interes

4. Kung tugma ang pipiliin mong kurso o hanapbuhay


sa iyong mga hilig o interes, mas magiging kapaki-
pakinabang at produktibo ka sa hinaharap. Ang mga
mamamayan na buong husay na ginagampanan ang
kanilang gawain o trabaho ay makapaglilingkod sa
kanilang kapwa at makatutulong sa pag-unlad ng
pamayanan. Gawin mo nang buong husay at may
kagalakan ang iyong mga gawain.
Mga Hilig o Interes

Sa kabuuan, ang araling ito ay naglalayong gabayan ka


upang matuklasan at maunawaan mo ang kahalagahan
ng mga hilig at interes. Naglalayon itong matuklasan
ang kaugnayan ng hilig o interes sa iyong mga
tungkulin, pagpili ng kurso, at pakikibahagi sa kapwa at
pamayanan.
Mga Hilig o Interes

Mahalaga ang pagtuklas mo sa mga ito dahil ang


iyong mga interes at hilig ay palatandaan ng mga uri ng
gawain, kurso, o trabaho na magbibigay sa iyo ng
kasiyahan at kaganapan.
Kung alam mo ang iyong mga hilig ay mas
malalaman mo ang mga tamang paraan kung paano
mo pauunlarin ang mga ito.
Mga Hilig o Interes

Ayon kay Dr. John Holland, ang iba't ibang


hanapbuhay ay mapapangkat sa anim ayon sa mga
gawaing kailangang gampanan sa mga propesyong
iyon.
Malalaman mo kung saang pangkat nabibilang at
kung ano ang maaari mong piliing hanapbuhay sa
pamamagitan ng pagsusuri ng iyong mga katangian,
potensiyal, at interes.
Mga Hilig at Katumbas na Hanapbuhay

Makatutulong ang kaalamang ito upang


maunawaan mo ang malaking kaugnayan ng iyong mga
hilig o interes sa larangan ng kurso at trabaho na
angkop sa iyo. Piliin mo ang kursong may kaugnayan sa
iyong interes, paboritong libangan o hilig nang sa
gayon ay magampanan mo nang maayos ang iyong
mga gawain at maging matagumpay sa hanapbuhay na
iyong gagampanan sa hinaharap.
Theory of Career
Choice
By Dr. John Holland
Iyo na bang
napagtanto kung ano
ang kursong umaayon
saiyong mga hilig?
Bakit mahalaga ang
pagpapaunlad ng sariling
hilig o interes?
GAWAIN: HILIG O INTERES

Panuto:
Sa tatlo hanggang limang pangungusap, Isaad ang
mga Kursong maaari mong tahakin at anu-ano ang mga
hilig o interes ang nagpapalago dito.

(Q-Essay on Quipper)

You might also like