You are on page 1of 4

ALILEM NATIONAL HIGH SCHOOL

Division of Ilocos Sur


S.Y. 2022-2023
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT 50
SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

Pangalan: Date:

Baitang: Pangkat:

PANGKALAHATANG PANUTO: Unawaing mabuti ang bawat tanong at sagutan ito nang maayos.
Gumamit itim o bughaw na panulat (Erasure means wrong)
I. Isulat sa patlang ang LETRA ng tamang sagot.
_____1. Ito ay tumutukoy sa pagmamahal sa mga materyal na bagay .
A. komersiyalismo B. urbanisasyon C. konsyumerismo D. Globalisasyon
_____ 2. Ang patuloy na pag-unlad ng bayan sa pamamagitan ng pagpapatayo ng gusali ay nagpapakita
ng __________.
A. Konsyumerismo B. Komersiyalismo C. Urbanisasyon D. Globalisasyon
_____ 3. Ito ay tumutukoy sa lahat ng nakapaligid sa atin may buhay man o wala.
A. kalikasan B. kapaligiran C. biyaya D. Kayamanan
_____ 4. Ang __________ ang nagdudulot ng karamdaman na maaaring sanhi ng kamatayan.
A. polusyon B. populasyon C. tensiyon D.
_____ 5. Ito ay tawag sa patuloy na pag-init ng panahon na nagdudulot ng patuloy na pakatunaw ng
Iceberge.
A. climate change B. greenhouse effect C. global warming D. El Niño
_____ 6. ito ay tumutukoy sa malawakang pagbabago ng panahon o klima sa iba’t ibang rehiyon.
A. greenhouse effect B. global warming C. climate change D. El Niño
_____ 7. Ito ay tumutukoy sa pagmamahal sa bayan at pagkilalasa papel na dapat gampanan ng bawat
Pilipino.
A. Patriyotismo B. Nasyonalismo C. Makabayan D. Bayanihan
_____ 8. Ang salitang ito ay nangangahulugang “the enlightened one”
A. Budismo B. Nirvana C. Bhudda D. Sidharta Gautama
_____ 9. Ito ay paniniwala ng mga Muslim na walang ibang Diyos maliban kay Allah at kay Mohammed na
profeta.
A. Sawn B. Shahadah C. Zakah D. Salah
_____ 10. Ito ay tawag sa pagdarasal ng mga Muslim
A. Sawn B. Shahadah C. Zakah D. Salah
_____ 11. Ito ay tawag sa pagkakawanggawa ng mga Muslim.
A. Hajj B. Shahadah C. Zakah D. Salah
_____ 12. Ito ay tumutukoy sa pagdalaw ng bawat muslim sa Mecca minsan sa kanilang buhay.
A. Hajj B. Sawn C. Zakah D. Salah
_____ 13. Ito ay obligasyon ng bawat muslim na may sapat na gulang at kalusugan tuwing buwan ng
ramadan
A. Hajj B. Sawn C. Zakah D. Salah
_____ 14. Ito ay uri ng paagmamahal bilang magkakapatid o pamilya.
A. Philia B. affection C. Eros D. Agape
_____ 15. Ito ay ang pinakamataas na uri ng pagmamahal. Pagmamahal na walang kapalit.
A. Philia B. affection C. Eros D. Agape
_____ 16. Ito ay uri ng pagmamahal bilang kaibigan.
A. Philia B. affection C. Eros D. Agape
_____ 17. Ito ay pagmamahal batay lamang sa pagnanais sa isang tao o ibang kasarian.
A. Philia B. affection C. Eros D. Agape
Ikatlong Markahang Pagsusulit sa EsP 10 Pahina 1
_____ 18. Ang tunay na diwa ng _______________ ay ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa mga
kapuwa at ang pagtugon sa tawag ng Diyos.
A. pananampalataya B. pagpapakatao C. espiritwalidad D. pagmamahal
_____ 19. Tumutukoy ang __________ sa personal na ugnayan ng tao sa Diyos.
A. pananampalatya B. pagpapakatao C. espiritwalidad D. Dasal
_____ 20. Sa pananampalatayang ito, kinikilala si Allah bilang kanilang Diyos at si Mohammed na
kaniyang sugo.
A. Muslim B. Kristiyanismo C. Islam D. Budismo
_____ 21. Ito ay ang pagiging matiyaga na tapusin ang anumang uri ng Gawain nang buong husay
at may pagmamahal.
A. Paggalang B. Kaayusan C. Kasipagan D. Katotohanan
_____ 22. Ito ay ang resulta ng pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan at kawalan ng kaguluhan.
A. Pagkakaisa B. Kapayapaan C. Katarunga D. Katotohanan
_____ 23. Ang pakikipagtulungan sa bawat indibidwal na mapag-isa ang naisin at saloobin para sa iisang
layunin.
A. Paggalang B. Pananampalataya C. Kaatusan D. Kaayusan
_____ 24. Sinasagot nito ang tanong na: ano ang magagawa ko para sa bayan at kapuwa ko.
A. Kabayanihan B. Kalayaan C. Katarungan D. Pagkakaisa
_____ 25. Ito ay tumutukoy sa pagiging Malaya na gumawa ng mabuti, mga katangap-tangap na kilos na
ayon sa batas na ipinapatupad bilang pagsasabuhay ng tungkulin ng isang taong may dignidad.
A. Kabayanihan B. Kalayaan B. Katarungan
_____ 26. Ito ay kaloob sa atin ng Diyos upang tayo ay patuloy na mabuhay.
A. Katarungan B. Kalikasan C. pagmamahal D. Buhay
_____ 27. Ang literal na kahulugan ng “Pater” ay
A. Pagmamahal sa bayan
B. Bayang sinilangan
C. Karapatan sa bayan
D. Mahal na bayan
_____ 28. “ Ang karuwagan ay pagpikit ng mga mata sa tawag ng halaga. Yuyuko at titiklop ang isang
duwag sa kaniyang sariling kahinaan. Ang pahayag na ito ay:
A. Tama, dahil nakikita ng isang duwag ang mga walasa kaniya sa halip ng napakaraming
mayroon siya
B. Tama, dahil hindi umaatras sa anumang hamon ang duwag.
C. Mali, dahil batid ng isang duwag ang halaga ng mga nakapaligid sa kaniya.
D. Mali, dahil hindi karuwagan ang hindi pagkilala sa halaga ng nakapaligid sa kanya.
_____ 29. Alin ang hindi angkop na kilos ng pagmamahal sa bayan?
A. Pagiging tapat sa sarili, sa kapuwa, sa Gawain, at sa lahat ng pagkakataon.
B. Pag-awit sa Lupang Hinirang ng may dignidad at paggalang
C. Pagsisikap makamit ang mga pangarap para guminhawa ang sariling pamilya
D. Pagbili sa mga produktong angkat mula sa ibang bansa.
_____ 30. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit kailangan ng tao na pangalagaan ang kalikasan?
A. Sa kalikasan nanggagaling ang mga material na bagay na bumubuhay sa kaniya
B. Sa kalikasan nakadepende ang hinaharap ng tao dahil sa biyayang taglay nito
C. Ang kalikasan ay kakambal ng kaniyang pagkatao,ito ang bubuhay sa kaniya at bilang
kapalit, kailangan niya itong alagaan at pahalagahan.
D. Sa kalikasan nanggagaling ang yaman ng taong-bayan
_____ 31. Ano ang maaring epekto ng global warming?
A. Unti-unting nababawasan ang bilang ng tao dahil sa gutom at mga trahedyang mangyayari.
B. Matutunaw ang mga yelo, lalawak ang dagat at magkakaroon ng malawakang pagbaha.
C. Magiging madalas ang pag-ulan, pagguho ng lupa at pag-init ng panahon
D. Climate Change
_____ 32. Ang sumusunod ay maling pagtrato sa kalikasan, maliban sa isa.
A. Hindi maayos na pagtapon ng basura
B. Paghiwa-hiwalay ng basura bilang nabubulok at di-nabubulok
C. Pagsusunog ng basura
D. Pagputol ng mga kahoy

Ikatlong Markahang Pagsusulit sa EsP 10 Pahina 2


_____ 33. Ang pagiging tagapangalaga sa kalikasan ay nangangahulugang_________.
A. Paggamit sa kalikasan na naaayon sa sariling kagustuhan.
B. Paggamit sa kalikasan ng may pananagutan
C. Paggamit sa kalikasan ng walang pakundangan
D. Paggamit sa kalikasan ng di-makatarungan
_____ 34. Paano napalawak ng pagmamahal sa bayan ang pakikipagkapwa?
A. Nagmumulat ng kamalayan sa mga tao sa isang isyu at problema ng bayan
B. Gumagamit ang media at teknolohiya sa pagpapalawak ng kawilihan at kaalaman
C. Nagbibigay ng pagkakataon sa mga mamamayan na magkaisa, magtulungan at
magdamayan
D. Nagtataguyod ng reporma ng pamahalaan para sa mas mabuting pamumuno
_____35. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggamit ng kalikasan bilang isang kasangkapan?
A. Pagputol ng mga puno at pagtatanim muli ng mga bagong binhi.
B. Paggamitt ng lupain na may pagsasaalang-alang sa tunay na layunin nito
C. Malawakang paggamit ng mga kemikal upang makakuha ng maraming ani.
D. Pag-iwas sa paggamit ng mga kemikal sa pagtatanim
_____ 36. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na gumawa ng isang bagay na makakaya mo para sa
kalikasan, alin sa mga sumusunod ang iyong gagawin?
A. Lilinisin ang ilog pasig at lilikom ng pondo para dito
B. Gagawa ng mga programang susundan ng barangay upang makatulong ng Malaki
C. Maging mapanuri at magkukusa sa mga gawaing kailangan ako
D. Magdarasal para sa bayan
_____ 37. Ito ay ang sangay ng gobyerno na nangangalaga sa kalikasan.
A. Department of Environment and Natural Resources (DENR)
B. Protected Areas and Wildlife Bureau (PAWB)
C. Biodiversity Management Bureau (BMB)
D. Department of Agriculture (DA)
_____ 38 . Paano mo isasagawa ang programang magsusulong ng pangangalaga ng kalikasan?
A. Ipatupad ang batas sa pamamagitan ng dagdag na multa sa bawat paglabag
B. Hihikayatin ang bawat indibidwal na magtanim at makiisa sa isang gawaing makakalikasan
C. Magkaroon ng takot sa batas at sa Diyos na nagbigay ng kalikasan
D. Makipag-ugnayan at gagawa ng isang komprehensibong pag-aaral upang makapagsagawa
ng isang gawaing pangkalikasan
_____ 39. Paano nakahahadlang ang pandaraya at pagkamakasarili sap ag-unlad ng isang bayan
gayundin sa pagka-Pilipino natin?
A. Hindi ito nagpapahayag ng pagmamahal sa bayan
B. Masamang matutuhan ng mga batang Pilipino
C. Nawawala ang kapayapaan sa bayang sinilangan
D. Nakakaapekto sa mabuting pakikipagkapwa
_____ 40. Bakit kaailangan mahalin ng bawat Pilipino ang kanilang bayan?
A. Utang natin sa ating bayang sinilangan ang Kalayaan at pagkakataong hubugin ang ating
pagkatao.
B. Biyaya ng Diyos ang pagkalooban ang tao ng lipunang kinabibilangan at pamayanang
matitirhan
C. Dito tinatanggap at iniingatan ang tao ang kaniyang mga mahal sa buhay upang hubugin
ang kaniyang mga kakayahan
D. Nakilala siya ng mundo dahil sa talion at angking kagalingan na hinuhubog sa kaniyang
bayang sinilangan.

Ikatlong Markahang Pagsusulit sa EsP 10 Pahina 3


II. Tukuyin kung tama o mali ang bawat pahayag o pangungusap. Isulat ang T kung ito ay tama at kung ito ay
mali isulat ang M sa patlang at palitan ang salita na nagpapamali sa pahayag.

_____41. Ang pagmamahal sa bayan ay ang pag-alam sa papel bilang isang mamamayan.

_____ 42. Ang pater ay naiuugnay sa pagmamahal sa bayang sinilangan.

_____ 43. Ang lipunan ay binubuo ng mga indibidwal na may ilang tunguhin o mithiin.

_____ 44. Kasama sa pagkalinga sa pamilya at salinlahi ang pagtuturo sa mga bata ng kultura at
paniniwalang kinagisnan.

_____ 45. Ang pagmamahal sa bayan ang nagbubuklod sa mga tao sa lipunan.

_____ 46. Ang pagmamahal sa bayan ay nagiging daan upang makamit ang layunin

_____ 47. Tunguhin ng isang lipunan ang kabutihang panlahat.

_____ 48. Isang espiritwal na obligasyon sa Diyos ang paggalang sa buhay.

_____ 49. Katarungan ang resulta ng pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan, at kawalan ng


kaguluhan.

_____ 50. Ang pagpapahalagang dapat linangin ng mga Pilipino ay nakapaloob sa Panimula ng 1967
Konstitusyon.

Prepared by:
Mailyn D. Equias
Subject Teacher

Checked by:
Hildegarde M. Tiglao
Master Teacher I

Noted:
Romeo S. Venancio
Principal II

Ikatlong Markahang Pagsusulit sa EsP 10 Pahina 4

You might also like