You are on page 1of 4

The University of Manila

Elementary and High School Department

Unang Markahang Pagsusulit sa


Edukasyon sa Pagpapakatao

Pangalan: __________________________________________ Petsa: ____________


Baitang: ___________________________

TEST I. Multiple choice: Basahin at isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang. (1pt each)
_________1. Ito ay pagkakaroon ng masidhing pagnanais na matuto sa paaralan.
A. Tungkulin bilang mag-aaral C. Tungkulin sa kalikasan
B. Tungkulin sa pamayanan D. Tungkulin bilang kapatid.

_________2. Ito ay ang tungkulin mong mahalin, igalang at pagkatiwalaan ang iyong magulang.
A. Tungkulin bilang mananampalataya C. Tungkulin bilang anak
B. Tungkulin sa pamayanan D. Tungkulin bilang kapatid

_________3. Ito ay pakikitungo mo ng mabuti sa iyong kapatid at sa iyong kapwa.


A. Tungkulin bilang mananampalataya C. Tungkulin bilang anak
B. Tungkulin sa pamayanan D. Tungkulin bilang kapatid

_________4. Ito ang pagharap at wastong pamamahala sa pagbabago sa yugto ng pagdadalaga at pagbibinata.
A. Tungkulin sa sarili C. Tungkulin bilang anak
B. Tungkulin sa kalikasan D. Tungkulin bilang kapatid

_________5. Ito ang pakikibahagi sa gawain ng pamayanan kasama ng ibang miyembro nito.
A. Tungkulin sa sarili C. Tungkulin bilang anak
B. Tungkulin sa pamayanan D. Tungkulin bilang kapatid

_________6. Ito ang simpleng pag-aalay ng panalangin araw araw.


A. Tungkulin sa sarili C. Tungkulin bilang anak
B. Tungkulin bilang pananampalataya D. Tungkulin bilang kapatid

_________7. Hindi lahat ng nakikita sa midya ay totoo at dapat gamitin ito ng may pananagutan .
A. Tungkulin sa sarili C. Tungkulin bilang anak
B. Tungkulin bilang pananampalataya D. Tungkulin bilang konsumer ng midya

_________8. Ito ay pagtulong upang mabawasan ang polusyon ng hangin.


A. Tungkulin sa kalikasan C. Tungkulin bilang anak
B. Tungkulin bilang kapatid D. Tungkulin sa pamayanan

_________9. Ang mga kilos o gawain na dapat sundin ng lahat ng kasapi ng pamilya ay matatawag na?
A.Tuntunin B.Utos C.Pakiusap

_________10. Ang maaaring maging mabuting dulot ng pagkakaroon ng tuntunin sa tahanan ay?
A.Kaayusan B.Kaguluhan C.Pagkakaniya-kaniya

_________11. Ang mga ito ay wastong tuntunin sa tahanan MALIBAN sa?


A.Tumulong sa mga gawaing bahay
B.Maging magalang sa pakikipag-usap
C.Ipaglaban ang pagsunod sa utos

_________12. Ang pagtulong sa mga gawaing bahay sa mga araw na walang pasok ay?
A. Tama para nasa wastong ayos at hindi magulo ang tahanan
B. Mali dahil magulang natin ang dapat gumawa nito
C. Hayaan na lamang na may kusang kumilos sa tahanan
_________13. Bilang kasapi ng pamilya, mahalagang isipin mo na
A. Okay lang na hindi makasunod dahil bata ka pa
B. Laging mauunawaan nila hindi mo pa kaya
C. Kaya mong sumunod dahil mabuting kang bata

_________14. Ang pagtitipid sa paggamit ng tubig at kuryente at iba pangbagay ay?


A. Dapat na gawin sapagkat mahal at mataas ang bayarin at para narin makatulong sa magulang
B. Gumamit lang hanggang gusto mo
C. Magtipid lang kapag kinakailangan

_________15. Ang paglalaan ng oras at panahon sa pagdarasal kasama ang pamilya ay?
A. Maglaan lamang ng oras ayun sa iyong kagustuhan
B. Sapagkat dito mo maipapakita ang pananampalata sa diyos kasama ang iyong pamilya
C. Magdarasal lang kapag naisipin

_________16. Mahalaga para sa isang bata ang magkaroon ng ___ sa sarili upang magampanan ng maayos ang sariling
hilig at talento.
A. talion C. tikas ng tindig
B. tiwala D. tibay ng loob

__________17. Ang pagtitiwala sa sarili ay isang uri ng


A. ugali ng tao B. motibasyon C. paniniwala ng tao

__________18. Ikaw ang napiling lalahok sa paligsahan sa tula ngunit isa kang mahiyaing bata dahil sa buong akala
mo na ikaw ay walang kakayahang magsalita sa harap ng maraming tao. Ano ang gagawin mo?
A. Hihinto na lang ako sa pag-aaral.
B. Iiyak ako para maawa sa akin ang aking guro.
C. Ipapasa ko ito sa aking kaklase na mahusay sa pagharap ng tao.
D. Tatanggapin ko at mag-eensayo ako araw-araw, at magiging positibo.

__________19. Magaling kang kumanta. Ikaw ay nanalo na sa mga patimpalak ng dalawang beses, pero sa
pagkakataong ito biglang pumiyok ang iyong boses habang kumakanta. Ano ang maaari mong gawin?
A. Iiyak ako ng malakas.
B. Titigil ako sa pag-awit.
C.Tatakbo ako papuntang likuran ng entablo.
D. Ipagpapatuloy ko ang pag-awit at balewalain ang isang munting pagkakamali.

__________20. Matibay ang iyong paniniwala sa iyong sarili at sa angking kakayahan pero iba ang pagkakaintindi nito ng
iyong mga kaklase dahil ang tingin nila sa iyo ay mayabang kaya’t madalas ka nilang tinutukso. Paano mo ito
mapapatunayan sa kanila na hindi ka ganoong klaseng tao.
A. Hindi ko na sila papansinin.
B. Hindi ko na sila kakausapin.
C. Aawayin ko sila para tigilan na nila ako.
D. Tatahimik na lang at pananatilihing mabuti ang pakikitungo sa kanila.

__________21. Ito ay may kakayahang alamin ang buong diwa ng isang bagay.
A.Puso
B.Isip
C.Kilos o katawan

__________22. Ito ay may kakayahang maghusga, mangatwurian at magsuri


A.Puso
B.Isip
C.Kilos o katawan

__________23. Dito nanggagaling ang pasya at emosyon.


A.Puso
B.Isip
C.Kilos o katawan

__________24. Ito ang ginagamit upang ipahayag ang nilalaman ng isip at puso sa paraan ng pag kilos
A.Puso
B.Isip
C.Kilos o katawan
__________25. Ito ay tinatawag na katalinuhan, katwiran, intelektwal na kamalayan at konsensya.
A.Puso
B.Isip
C.Kilos o katawan

__________26. Pag desisyon sayong tatangkaliking produkto.


A. Mental Freedom C. Geographical Freedom
B. Freedom of Time D. Cultural Freedom

__________27. Ginamit mo ang iyong sahod sa pag-invest sa isang negosyo.


A. Emotional Freedom C. Mental Freedom
B. Economic Freedom D. Freedom of Time

__________28. Pakikipag shake hands sa kalaban pagtapos ng isang laban. Sign of sportsmanship.
A. Cultural Freedom C. Physical Freedom
B. Emotional Freedom D. Freedom of Time

__________29. Mas inuna mo ang iyong pag-aaral para makapag pasa ng assignment sa takdang oras.
A. Freedom of Time C. Economic Freedom
B. Economic Freedom D. Physical Freedom

__________30. Pag pili ng kasuotang na aayon sa uso at panahon.


A. Economic Freedom C. Cultural Freedom
B. Emotional Freedom D. Physical Freedom

__________31. Mas pinili mo maging masaya para sa kaibigan mong nakakuha ng mataas na parangal na sinusubukan
mong abutin.
A. Spiritual Freedom C. Geographical Freedom
B. Emotional Freedom D. Physical Freedom

__________32. Dumadalo sa mga bible study upang mag aral ng word of God.
A. Spiritual Freedom C. Cultural Freedom
B. Economic Freedom D. Geographical Freedom

__________33. Pag lipat ng tirahan sa New York.


A. Mental Freedom C. Geographical Freedom
B. Cultural Freedom D. Economic Freedom

__________34. Hinahabol mo ang “Deadline”.


A. Consequence of Freedom of Time C. Consequence of Spiritual Freedom
B. Consequence of Emotional Freedom D. Consequence of Geographic Freedom

__________35. Ikaw ay may kaso sa barangay na iyong kinabibilangan.


A. Consequence of Economic Freedom C. Consequence of Physical Freedom
B. Consequence of Freedom of Time D. Consequence of Mental Freedom

__________36. Pagkakaroon ng alalahanin or “anxieties”.


A. Consequence of Mental Freedom C. Consequence of Emotional Freedom
B. Consequence of Spiritual Freedom D. Consequence of Physical Freedom

__________37. Pagkakaroon ng bukol, pasa, at sugat sa katawan.


A. Consequence of Spiritual Freedom C. Consequence of Physical Freedom
B. Consequence of Cultural Freedom D. Consequence of Freedom of Time

__________38. Hindi pag respeto sa paniniwala ng iba ay nag bunga ng paguusig at pagkakaroon ng bashers.
A. Consequence of Spiritual Freedom C. Consequence of Geographical Freedom
B. Consequence of Mental Freedom D. Consequence of Economic Freedom

__________39. Pagkabaon sa utang.


A. Consequence of Economic Freedom C. Consequence of Physical Freedom
B. Consequence of Mental Freedom D. Consequence Geographical Freedom
__________40. Pagiging balisa/tulala and laging wala sa sarili.
A. Consequence of Mental Freedom C. Consequence of Emotional Freedom
B. Consequence of Spiritual Freedom D. Consequence of Physical Freedom

__________41. Paglim ng boses


A. Pagbabagong Pisikal
B. Pagbabagong Emosyonal
C. Pagbabagong Intelektuwal

__________42. Pagkakaroon ng pimples at acne.


A. Pagbabagong Intelektuwal
B. Pagbabagong Emosyonal
C. Pagbabagong Pisikal

__________43. Paglapad ng iyong mga balikat.


A. Pagbabagong Emosyonal
B. Pagbabagong Intelektuwal
C. Pagbabagong Pisikal

__________44. Pagtuklas ng iyong mga interes sa mga bagay-bagay.


A. Pagbabagong Pisikal
B. Pagbabagong Intelektuwal
C. Pagbabagong Emosyonal

__________45. Pagkakaroon ng malalim na boses.


A. Pagbabagong Intelektuwal
B. Pagbabagong Emosyonal
C. Pagbabagong Pisikal

__________46. Pag kakaroon ng bigote at balbas.


A. Pagbabagong Emosyonal
B. Pagbabagol Intelektuwal
C. Pagbabagol Pisikal

__________47. Pagkakaroon ng “muscles”.


A. Pagbabagong Emosyonal
B. Pagbabagong Intelektuwal
C. Pagbabagong Pisikal

__________48. Naging maingat ka na sa iniisip ng ibang tao sayo.


A. Pagbabagong Intelektuwal
B. Pagbabagong Pisikal
C. Pagbabagong Emosyonal

__________49. Napansin mo ang iyong pagtangkad.


A. Pagbabagong Emosyonal
B. Pagbabagong Pisikal
C. Pagbabagong Intelektuwal

__________50. Mabilis na pagkainis.


A. Pagbabagong Emosyonal
B. Pagbabagol Intelektuwal
C. Pagbabagol Pisikal

The End. God bless!

You might also like