You are on page 1of 1

Narito na pinakahihintay namin

May galak ang puso,


may ngiti ay tuwa
Narito na't magtatapos

Ilang taon din na kami'y magkakasama


sa leksyon at gawain, sa mga aralin
Salamat mga guro, mga magulang
At sa pagpapala ng Poong Maykapal

Ngayon kami ay naririto


Mga pangarap alay sa inyo
Ngayo'y magpapaalam sa inang paaralan
Karunungang tinamasa kayamanan at dangal

Ilang taon din na kami'y magkakasama


sa leksyon at gawain, sa mga aralin
Salamat mga guro, mga magulang
At sa pagpapala ng Poong Maykapal

Ngayon kami ay magsisipagtapos


Karangalan ay tatanggaping lubos
Landas ng aming bukas itinuwid n`yong wagas
Talino nami't dunong tanglaw at s'yang gabay

Ngayon kami ay humaharap sa inyo


Nangangakong susundin ang loob n`yo
Ngayon ay nagtapos at sa inyo'y magpapasalamat(2x)
Salamat po sa inyo...

You might also like