You are on page 1of 1

Mga mahal kong estudyante,

Narito na naman ang panahon ng ating year-end party at ako ay labis na natutuwa na makakasama ko
kayo sa pagtatapos ng taong ito. Ang araw na ito ay para sa ating lahat--isang pagkakataon upang
magcelebrate ng ating mga tagumpay, pagmamahalan, at masayang alaala na ating pinagsaluhan sa mga
nakaraang buwan.

Sa bawat araw na tayo ay nagkasama, gusto kong magpasalamat sa inyong mga pagsisikap at
dedikasyon sa pag-aaral. Ang bawat isa sa inyo ay mayroong natatanging kontribusyon sa ating klase at
dahil dito, kayo ay nagiging inspirasyon ko at ganon din ng inyong ibang kaklase na pagbutihin pa ang
inyong mga ginagawa.

Bukod sa pag-aaral, sana ay maging masaya rin at makabuluhan ang ating mga pahinga at palaro
ngayon.

Kaya ngayong year-end party, lahat tayo ay magpakasaya, magrelax, at magsaya kasama ang ating mga
kaklase, mga kapwa mag-aaral at mga guro.. Ito ay isang espesyal na pagkakataon upang gunitain ang
mga magandang alaala at magpasalamat sa ating mga tagumpay. Aasahan ko na puro ngiti, tawanan, at
saya lamang ang mayroon sa araw na ito.

Muli maraming salamat sa inyong pagtitiwala at suporta sa ating mga gawain sa loob ng
classroom/school.

Maraming salamat at mabuhay tayong lahat!

You might also like