You are on page 1of 1

Ang Dula ito ay isang paglalarawan ng buhay na ginaganap sa isang tanghalan

Bahagi ng Dula
1. Yugto ito ang bahaging pinanghahati sa dula. Inilalahad and tabing bawat yugto upang
makapagpahinga ang mga natatanghal gayon din ang mga nanonood.
2. Tanghal kung kinakailangang magbago and ayos ng tanghalan, ito ang ipinanghahati sa yugto
3. Tagpo ito ang paglabas masok ng mga tauhang gumaganap sa tanghalan
Mga Uri ng Dula:
1. Trahedya- nagwawakas sa pagkasawi o pagkamatay ng mga pangunahing tauhan
2. Komedya - ang wakas ay kasiya-siya sa mga manood dahil nagtatapos na masaya sapagkat ang mga
tauhan ay magkakasundo
3. Melodrama kasiya-siya din ang wakas nito bagamat ang uring itoy may malulungkot na bahagi
4. Parsa ang layunin nitoy magpatawa at itoy sa pamamagitan ng mga pananalitang katawatawa
5. Saynete mga karaniwang ugali ang pinaksa ditto

Mga Elemento ng Dula:


A. Banghay binubuo ng paglalahad kaguluhan at kakalasan ang banghay ng isang dula
1. Paglalahad ay isng tuwiran o pakahiwatig na panimula. Sa bahaging, ito ipinapakilala ang mga
tauhang lugar, panahon, tunggalian at ang maaring maganap sa kabuuang aksyon
2. Ang Kaguluhan sa bahaging ito lumilinaw at nababago ang pagkatao ng pangunahing tauhan gaya
rin ng kanyang pakikipagtunggali sa anumang balakid ng kanyang kinakaharap
3. Ang kakalasan sa bahaging ito nagluluwag ang dating masikip, at matinding pagtatagisan ng tauhan
o ng mga pangayayari
B. Tauhan kung babatayan ang pangkalahatang paghahati ng tauhan binubuo lamang ito ng dalawa:
ang tauhang nagbabago habang umuunlad ang aksyon sa dula; at ang tauhang walang pagbabago mula
sa simula ng dula hanggang sa matapos ito.
C. Diyalogo ito ay may dalawang katangian: una, ito ay gunagamit upang maipaalam sa manonood
o mambabasa ang mga nangyayari na ang mangyayari pa at ang kasalukuyang nagaganap sa isip at
damdamin ng tauhan, ikalawa, ang pagbibitiw ng diyalogo ay kinakailangan malakas kaysa normal na
pagsasalita

You might also like