You are on page 1of 8

Republika ng Pilipinas

Ika-apat na rehiyon – A CALABARZON


Kagawaran ng Edukasyon
Distrito ng Tanauan

Paaralan TANAUAN INSTITUTE Baitang APAT


DETALYADONG
Guro ELLYSON DEL ROSARIO Asignatura EPP -HE
BANGHAY-
ARALIN Petsa Markahan IKATLO
25 HUNYO 2020
Oras 7:00-8:00 Araw LUNES
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ang pang-unawa sa batayang konsepto ng “gawaing pantahanan” at
Pangnilalaman ang maitutulong nito sa pag-unlad ng sarili at tahanan.

B. Pamantayang Pagganap Naisasagawa nang may kasanayan ang mga gawaing pantahanan na makatutulong
sa pangangalaga ng pansarili at ng sariling tahanan.

C. Mga Kasanayan sa a. Natutukoy ang tatlong pangkat ng mga pagkain (Go,Grow,


Pagkatuto at Glow foods).
b. Napapangkat at nakaguguhit ng mga pagkain ayon sa
pangkat na kinabibilangan nito.
c. Napapahalagahan ang tatlong uri ng pagkain

II. NILALAMAN
Masustansiyang Pagkain ng Mag-anak- Ang tatlong pangkat ng pagkain

III. KAGAMITANG PANTURO


A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay sa Modyul sa EPP, Aralin 18
Pagtuturo K to 12 EPP4-HE
2. Mga Pahina sa
Kagamitang Pang Mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk pp. 77-81
4. Karagdagang Kagamitan Mga larawan ng pagkain, colored paper, manila paper, marker
Mula sa LRMDS
B. Iba Pang Kagamitang Kompyuter, projector o telebisyon
Panturo
IV. PAMAMARAAN Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Balik-Aral sa nakaraang
Aralin o pasimula sa bagong Pang-araw araw na Gawain/
aralin (Drill/Review/Unlocking of Panimulang gawain
Difficulties) a. Pagbati a. Pagbati
“Magandang Umaga mga bata!” “Magandang umaga rin po, Gng.”

b. Panimulang panalangin b. Panimulang panalangin


“Manatiling nakatayo at tayo ay Mananatiling nakatayo at pupunta sa unahan
mananalangin” ang mag-aaral na naatasan na manguna sa
panalangin.
Tatawag ang guro ng isang mag-
aaral upang manguna sa
panalangin. c. Pagtatala ng liban

c. Pagtatala ng liban Sasagot ang mga mag-aaral at sasabihin


“Okey, sino ang liban ngayong
araw?” “Wala pong liban ngayon”
“Magaling! Binabati ko ang
klaseng ito at walang liban. Dahil Papalakpak ang mga mag-aaral.
diyan bigyan ninyo ang inyong
mga sarili ng tatlong palakpak.”
d. Balik-Aral
d. Balik-Aral “Tungkol po sa pangangalaga ng mga
“Bago tayo dumako sa bagong kagamitan sa paglilinis.”
aralin ay magkakaroon muna
tayo ng kaunting pagbabalik-aral.
Ano nga ulit ang ating tinalakay
noong nakaraan?”
“Bunot, walis tambo, basahang tuyo
“Tama, magaling!” at pandakot.”
“Anu-ano nga ulit ang mga gamit
sa paglilinis ng tahanan?”
“Tama! Magaling!”

“Tandaan ninyo mga bata na ang


sapat na kaalaman sa paggamit at
pangangalaga ng mga kagamitan
sa paglilinis ay makakatipid sa
oras, lakas, at salapi at
makatutulong pa sa mahusay na “Opo.”
paglilinis.Malinaw ba mga bata?”

B. Paghahabi sa layunin ng Pagganyak.


aralin (Motivation)
“Mabuti kung ganoon! Ngayon naman “Opo.”
mga bata, gusto ninyo bang maglaro?”

“Pero bago yun, ipapaliwanag ko muna


kung paano.” “Sige po.” Makikinig ang mga
mga-aaral sa mga hakbang na
Panuto:
ipinaliliwanag ng guro.
a. Bigyan ang mga mag-aaral ng
ginupit na colored paper (apat na
kulay na may parehong bilang) sa
iba’t ibang hugis.
b. Pangkatin ang mga bata ayon sa
kulay na nakuha at papiliin sila
ng lider.
c. Ipakita ang pinahalo-halong
larawan ng mga pagkain na nasa
mesa. (Tandaan na ang mga
larawan ng pagkaing nakalagay
sa mesa ay may pagkakikilanlan
na. Halimbawa: nakdikit sa
berdeng papel ang mga Go food,
sa asul ang Grow Food at dilaw
ang Glow food.)
d. Sabihin na maglalaro tayo ng
“Namalengke si Maria/Mario.”
e. Gamit ang kahong walang laman,
ang lider ng bawat pangkat ay
pupunta sa mesa at maili ng mga
pagkain. Bigyan sila ng dalawang
minute para gawin ito.
f. Babalik ang lider ng grupo at ang
pinamiling pagkain ay
kailangang pangkatin ayon sa
kulay ng papel kung saan ito
nakadikit. Ipagawa sa loob
lamang ng limang minuto.
g. Bigyan ng premyo ang grupo na
may pinakamaraming tamang
sagot.

“May tanong ba, mga bata?”


“Malinaw ba ang aking panuto sa inyong
“wala po.”
gawain?”
“opo, malinaw po.”
“Kung ganoon, ang iyong oras ay
magsisimula na.”

C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong aralin Sa araw na ito, pag-aralan natin ang
(Presentation) tatlong uri ng pagkain. Ang Go,
Grow, at Glow na pagkain.

D. Pagtatalakay ng bagong 1. Itanong sa mga mag-aaral ang


konsepto at paglalahad ng sumusunod na tanong at
bagong kasanayan No.1 ipasulat sa pisara ang kanilang
(Modelling) mga sagot.
• Anu-ano ang pagkain
na nasa pangkat pula,
asul, at dilaw? (Isa-isa “Ang mga pagkain na nasa pangkat berde ay
itong itatanong at Go food”
ipaliwanag.)

“Tama! Mayroon tayong tatlong pangkat


ng pagkain. Una ay ang nasa berdeng
papel na nakua ng unang grupo, ito ay
tinatawag na Go Foods o mga pagkaing
nagbibigay init, lakas, at sigla – dahil sa
mga pagkaing ito, ang mga bata’y
masiglang nakapaglalaro, nakapag-aaral,
at nakagagawa ng iba’t ibang Gawain.
Ang mga ito ay mayaman sa
carbohydrates ay kanin, mga kakaning
gawa sa bigas tulad ng puto, suman,
kalamay, kutsinta, lugaw, tsamporado, at
ginataang mais. Kasama rin sa pangkat
ang mga pagkaing gawa sa arina tulad ng
tinapay, biskwit, keyk, mga bungang-ugat
tulad ng kamote, gabi, ube, kamoteng
kahoy, tugi, mais, at matatamis na
pagkain tulad ng asukal, tubo, pulot.
Kasama sa pangkat na ito ang mantikilya,
mantika, niyog, at laman ng baboy. ”
“Ang mga pagkain na nasa pangkat asul ay
“Ang pangalawang pangkat naman ng Grow food”
pagkain ay ang Grow foods o mga
pagkaing tumutulong sa paglaki ng
katwan – ito ay mayaman sa protina
kung saan nagpaplaki ng mga kalamnan
at ng buong katawan. Naagpapalakas din
ng mga buto. Ang mga pagkain ito ay
karne – manok, baboy, baka, isda, itlog
at gatas.”
“Ang mga pagkain na nasa pangkat dilaw ay
“At ang pangatlong pangkat ng pagkain Glow food.”
ay Glow foods o mga pagkaing
pananggalang sa sakit at impeksyon – ito
ay nagbibigay ng mmga bitamina at
mineral na nagsisilbing panlaban sa sakit.

Ang mga prutas at gulay na madahon,


madilaw at maberde tulad ng petsay,
malunggay, at kalabasa. Pati na rin ang
mga maasim at makakatas na prutas
tulad ng manga, suha, bayabas, kamyas
at kamatis ay mayaman sa bitamina C.

Dagdag pa rito, ang mga prutas tulad ng


tsiko, santol duhat at pakwan at mga
gulay tulad ng okra, sitaw at talong ay
tumutulong sa pagtunaw ng ating mga
kinain at sa pagbawas ng dumi. Nililinis
ang ating bituka at tiyan upang maging
lagging ayos at mahusay ang mga ito.”

• Mahalaga ba na kainin “Opo.”


ang mga ito?
“dahil po sa mga sutansyang tinataglay ng
“bakit naging mahalaga?” mga pagkain ito na nakatutulong sa ating
katawan.”
“Tama! Mahusay!”

E. Pagtatalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng “Magkakaroon ulit tayo ng isang “opo, naiintindihan po naming.”
bagong ksanayan No. 2 pangkatang Gawain, ang gagamitin na
(Guided Practice) grupo ay iyon ulit. Ngayon
ipapaliwanag ko muna ang panuto.
Naiintindihan ba mga bata?”

Panuto:
Mga gamit: Manila paper at panulat
“Batay sa inyong ginawa kanina, ang
mga pagkain na ating nakita kanina ay
igugrupo ninyo ayon sa pangkat na
kinabibilangan ng mga pagkain.
Ilalagay ninyo ang pangngalan ng “Opo, malinaw po”
mga pagkain”
“Malinaw po ba ang panuto?”

Pangkat 1 – Go Food
Pangkat 2 – Grow Food Go food Grow Glow
Pangkat 3 – Glow Food food food
1.tinapay Munggo Kalabasa
2.mantika Mani Kangkong
3.puto Isda Manga
Go food Grow Glow
4.kamote Itlog Santol
food food
5.keyk gatas pakwan
1.
2.
3.
4.
5.

“Magaling! Bigyan ng limang


palakpak ang baway grupo para sa
kanilang mga gawa.”

F. Paglilinang sa kabihasan Magpapalabas ng isang bidyo


(Tungo sa Formative presentasyon ang guro tungkol sa
Assessment) (Independent kahalagahan ng mga pagkain ayon sa
Practice) pangkat nito.

“Mga bata, mayroon akong


ipanonood sa inyo na isang bidyo at
gusto kayo ay manood at makinig.
Okey bay iyun mga bata?” “opo.”

“pero bago yun, ano nga ulit ang mga “Huwag guamawa ng ingay na
pamantayan sa pakikinig at makapagdudulot ng distraksyon sa
panonod?” kamag-aral”
“Maglaan ng atensyon sa pinapanood at
“Magaling mga bata! Simulan na makinig ng mabuti.”
natin ang bidyo.”

Pagkatapos ng bidyo, magtatanong


ang guro.
“Ngayon mga bata, ano ang napansin “Tugkol po sa tatlong pangkat ng pagkain
ninyo sa bidyo na inyong napanood?” ang Go, Grow at Glow food”
“Tama. Magaling!”

“ano pang napansin ninyo, mga bata? “Tungkol po sa benepisyo ng pagkain ng


Sumagait kayo, walang tama o mali tatlong pangkat ng pagkain.”
sa inyong sagot dahil opinion ninyo
ang aking tinatanong.”

“Magaling, tama!”
“Mahusay mga bata, tama ang inyong
mga sagot.”

“Ngayon ay magkkakroon tayo ng


pansariling Gawain.”

Gawain Mo: Sa inyong kwaderno,


Gumuhit at pumili ng isa sa mga
pagkain ayon sa bawat pangkat at
ilagay sa ilalim ng bawat guhit ang
maaring benepisyo nito.

G. Paglalapat ng aralin sa pang “kapag kinakain po ang pagkain base sa


araw-araw na buhay Paano mo mapapahalagahan ang bawat pangkat sa araw araw.”
(Application/ Valuing) mga pagkain ayon sa pangkat nito?

“Tama! Magaling.
“Ang Go foods ay nagbibigay init,
Ano mga tulong ang naibibigay ng nagpapalakas at nagpapasigla ng
bawat pangkat sa atin kapg kinain katawan.”
natin ang mga ito?
“Ang Grow foods naman ay tumutulong
sa paglaki ng mga kalamnan, buto at
buong katawan.”

“At ang Glow foods ay tumutulong upang


“Magaling mga bata! hindi tayo magkasakit, nagbibigay ng
Tandaan ninyo na; Ang tatlong bitamina at minerak sa aking katawan.”
pangkat ng pagkain ay dapat
gamiting patnubay sa pagdudulot ng
pagkain sa mag-anak. Kailangang
may pagkaing galling sa bawat
pangkat.”

H. Paglalahat ng Aralin Anu-ano ang pangkat ng pagkain? “Ang tatlong uri ng pagkain ay Go, Grow
(Generalization) at Glow foods.”
“tama! Magaling mga bata, mukhang
naintindihan na ninyo talaga ang
ating aralin. “
I. Pagtataya ng Aralin
“Ngayon ay dadako na tayo sa
maikling pagsusulit.”
“Handan a ba kayo? Kunin na ninyo
ang sagutang papel at ang inyong
panulat.”

Pagtataya
Panuto: Kilalanin ang pangkat ng
mga pagkain. Isulat ang A para sa
Pangkat I, B para sa Pangkat II, K
para sa Pangkat III, ata D kung
nagkahalu-halo. “opo.”

____1. Itlog, gatas, karne, munggo


____2. Dalandan, bayabas, manga,
papaya
____3. Tinapay, suman, puto, lugaw
____4. Kamote, ube, mantika, ubo
____5. Isda, mantikilya, kalabasa,
manok

“Naintindihan ba ang panuto, mga


bata? Malinaw po ba?”

Ang inyong limang minute ay


magsisimula na. Panuto: Kilalanin ang pangkat ng mga
pagkain. Isulat ang A para sa Pangkat I,
“Tapos na ang inyong oras ng B para sa Pangkat II, K para sa Pangkat
pagsasagot. Ngayon ay titingnan na III, ata D kung nagkahalu-halo.
natin kung tama o mali ang inyong
mga sagot. Magpalitan ang mga __D__1. Itlog, gatas, karne, munggo
magkakatabi ng papel.” __K__2. Dalandan, bayabas, manga,
papaya
__D__3. Tinapay, suman, puto, lugaw
__A__4. Kamote, ube, mantika, ubo
“ano ang sagot sa 1?” __D__5. Isda, mantikilya, kalabasa,
“tama!” manok

“ano ang sagot sa 2?”


“tama!”

“ano ang sagot sa 3?”


“tama!”

“ano ang sagot sa 4?”


“tama!”

“ano ang sagot sa 5?”


“tama!” Itataas ang mga kamay ng nakakuha ng
mataas na iskor. “kami po. ”
“Sino ang nakakuha ng pinakamataas
na iskor?”
“Magaling! Bigyan natin ng limang
palakpak ang mga nakakuha ng
lima.”

J. Karagdagang Aralin para sa “Ngayon naman ay dadako


Takdang Aralin at Remediation tayo sa inyong takdang
aralin.”

“Makinig ng Mabuti at aking


ipapaliwanag ang panuto.”

Panuto:
1. Gumawa ng talaan ng tatlong
pangkat ng pagkain. Isulat ang
mga pagkain sa ilalim ng
pangkat na kanilang
kinabibilangan.
2. Ang mga pagkain na isusulat
ay batay sa inyong kinain
kahapon. (Agahan, Tanghalian
at Hapunan)
3. Sikaping may isang pagkaing “Opo.”
buhat sa bawat pangkat. “Wala na po.”

go grow glow
umagahan “Paalam at maraming salamat po
Tanghalian sa pagtuturo, Titser!”
hapunan

“Naunawaan ba ang inyong


takdang aralin? May tanong pa
ba?”

“Kung ganoon, ako ay


magpapaalam na, Salamat sa
inyong pakikinig!”

INIHANDA NI:

ELLYSON B. DEL ROSARIO


BEED 2-A

You might also like