You are on page 1of 2

BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 8- Kasaysayan ng Daigdig

Guro: Rocelle B. Amodia Petsa:_______________________ Pangkat:________________________

I. LAYUNIN:

A. Content Standard Naipapamalas ang pag- unawa sa interaksiyon ng tao sa kanyang kapaligiran na
nagbigay-daan sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan na nagkaloob ng mga
pamanang humubog sa pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon

B. Performance Standard Nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa pangangalaga at preserbasyon ng


mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig para sa kasalukuyan at sa susunod
na henerasyon

C. Learning Competency Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig AP8HSK-Id-4

II. NILALAMAN:

A. Paksa Heograpiya ng Daigdig

B. Sanggunian Kasaysayan ng Daigdig LM, CG, TG

C. Kagamitan pisara, mapa ng daigdig, globo

III. PAMAMARAAN:

A. Pagganyak Pagpapakita ng guro ng mga larawan ng mga anyong lupa, anyong tubig atbp.

B. Lunsaran ng Bagong Aralin Paligsahan: Paglalagay ng pangalan sa isang larawan

Panuto: Hatiin ang klase sa limang pangkat. Bawat pangkat ay maglalagay ng tatlong
kinatawan na lalahok sa paligsahan. Ipapaskil sa pisara ang limang magkakaparehong
larawan ng isang pisikal na kapaligiran na may numero at patlang. Bibigyan sila ng guro ng
mga label para sa larawan. Sa loob ng kalahating 30 segundo, ididikit nila ang tamang
label sa bawat patlang. Ang mauunang matapos at may pinakamaraming tama ang panalo

C. Pagtalakay

Literacy: Talasalitaan

Ipapaliwanag ng mga mag-aaral ang mga bumubuo sa pisikal na katangian ng daigdig

Pangkatang Gawain: Gabay ng rubrik

Pangkat 1- Anyong Lupa(Patalastas)

Pangkat 2- Anyong Tubig(Awit)

Pangkat 3- Klima (Tula)

Pangkat 4: Yamang likas(Pag-uulat)

Integrasyon:

Science

Ano ang kinalaman ng relasyon ng araw at daigdig sa klima, at temperatura nito?

D. Abstraksiyon Anong katangiang pisikal ng daigdig ang napakahalaga sa buhay ng tao? Ipaliwanag.

E. Pagpapahalaga 1. Bilang isang mag-aaral at mamamayan ng daigdig, ano ang iyong maiaambag upang
pangalagaan ito?

F. Pagbubuod 2. Bakit mahalaga magkaroon ng kaalaman tungkol sa katangiang pisikal ng ating daigdig?

IV. EBALWASYON 1. Ano-ano ang mga katangiang pisikal na katangian ng daigdig at ang kabutihang dulot
nito sa pag-unlad ng tao?

2. Paano nakakaapekto ang kalupaan, klima, katubigan, halaman at hayop at yamang-


mineral sa tao?

V. TAKDANG ARALIN Ano-ano ang pitong kontinente ng daigdig? Ilarawan ang bawat isa.

You might also like