You are on page 1of 11

AP 8 LESSON

- Ang Simula ng Rome


LAYUNIN
1. Naipapaliwanag ang mahahalagang
pangyayari sa kabihasnang klasiko ng Rome
(mula sa sinaunang Rome hanggang sa
tugatog at pagbagsak ng Imperyong Romano)
AP8DKT-IIc-3

1.1 Nailalarawan ang heograpiya ng Roma


1.2 Naiisa-isa ang mga pangyayari na nagbigay
daan sa pag-usbong ng Klasikal na Kabihasnan
ng Roma
Panimulang Gawain
1.Drill/Balik-Aral- Ang Greece sa
Isang Sulyap
Ipatukoy sa mga mag-aaral ang mahalagang pamana ng kabihasnang klasiko ng
Greece

Pamana ng
Kabihasnang
Klasiko ng
Greece
Pagganyak- Geo-Knows?
1.

MAPA NG JALAJALA MAPA NG ROMA

http://nona.net/features/map/placedetail.1477756/Jala http://www.slideshare.net/redcliffdds/aralin-13-ang-sinaunang-roma-
ap3
jala/
Pamprosesong Tanong
1. Ano ano ang pagkakatulad ng dalawang
mapa? Ang pagkakaiba?
2. Sa inyong palagay may kaugnayan ba
ang heograpiya sa uri ng kabuhayan ng
mga taong naninirahan dito?
3. Sa iyong palagay ano kaya ang
karaniwang uri ng kabuhayan mayroon
ang mga taong naninirahan malapit sa
dagat at lawa?
Paglinang ng Aralin -
Ipasuri ang heograpiya ng Rome sa tulong
ng mga gabay na tanong:
1.Saan matatagpuan ang Kabihasnang Rome?
2.Tukuyin ang mga uri ng kalupaan at
katubigang bumubuo sa Kabihasnang Rome.
3.Anong mahalagang kapatagan ang
matatagpuan dito? Anong mahalagang ilog
ang dumadaloy dito?
4.Ano ang epekto ng lokasyon ng Rome sa
kabuhayan ng mga populasyon nito?
5.Ano ang kaugnayan ng heograpiya sa pag-
usbong ng Rome bilang matatag na lungsod?
Gawain 2: Paglalakbay
Station 1
Exit Visa
1. Kailan itinatatag ang
Rome?
2. Sino ang nagtatag
nito?
3. Saan sila nagtungo at
nagtayo ng sakahang
pamayanan?
Station 2
Exit Visa
1. Ayon sa alamat sino
ang nagtatag ng Rome?
2. Saan sila inilagay at
saang ilog sila ipinaanod
ng kanilang amain?
3. Ano ang dahilan bakit
ito ginawa sa kanila ng
kanilang amain?

Station 3
Exit Visa
1. Sino ang nag-aruga
sa kambal buhat sa
pagkakatapon?
2. Ano ang kanilang
ginawa matapos
malaman ang kanilang
pinagmulan?
3. Saan at kailan nila
itinatag ang Rome?
Station 4
Exit Visa
1. Anong pangkat ang
tumalo sa mga Roman?
2. Sa ano anong
larangan sila mahusay?
3. Ano anong patunay ng
mga bagong kaalaman
ang itinuro nila sa mga
Roman?
Paglalahat

Istratehiko ang lokasyon ng Rome dahil sa Ilog Tiber na nag-uugnay dito


at sa Mediterranean Sea. Ang lokasyong ito ay nagbigay-daan sa
pakikipagkalakalan ng Rome sa mga bansang nakapalibot sa Mediterranean
Sea.
Bukod sa magandang lokasyon nito, ang pagating ng mga Etruscan na
nagturo sa kanila ng maraming bagay ang naging simula ng pag-unlad ng
Kabihasnang Rome.
Paglalapat (localization)
Suriin Natin!
Maaaring pumili sa mga sumusunod:

 Sa Pilipinas makapagbibigay ba kayo ng isang ispesipikong lugar


kung saan ang kanyang lokasyon o katangiang heograpikal ang
nagbigay ng pagkakataon sa pag-unlad at kalamangan nito sa iba
sa aspektong pangkabuhayan man at iba pa.

 Maaari ding ipasuri ang uri ng kabuhayan at pag-unlad ng mga


bayan sa ating lalawigan na nasa baybayin ng Lawa ng Laguna.

 Sa inyong palagay nakatulong din ba ang pagdating ng mga


dayuhan sa ating bansa para sa pagtuturo ng mga bagong
kaalaman? Patunayan.
IV. PAGTATAYA
• Panuto: Suriin at tukuyin ang mga
sumusunod na kaalaman ukol sa
heograpiya at pag-usbong ng Kabihasnang
Rome.
______1. Ang ilog na dumadaloy sa kapatagan ng Latium.
______2. Ang bansang nakausli sa Dagat Mediterranean na
pinagmulan ng kabihasnang Rome.
______3. Ang magkapatid na sinasabing nagtatag ng Rome
ayon sa alamat.
______4. Pangkat ng tribu sa hilaga ng Rome na lumusob at
sumakop sa kanila.
______5. Ang sinasabing sumagip at nagligtas sa kambal
buhat sa pagpapaanod sa ilog.
KASUNDUAN
Sagutin sa kwaderno ang mga
sumusunod:

1.Sino sino ang bumubuo sa Roman


Republic?
2.Tukuyin ang mga dahilan ng
paglaganap ng kapangyarihan ng
Rome

You might also like