You are on page 1of 3

Mga Yugto sa Pag-unlad ng Kultura sa Panahong Prehistoriko

LAYUNIN
A. Naiisa-isa ang mga katangian ng bawat yugto ng pag-unlad ng tao.
B. Nakabubuo ng matrix tungkol sa kabuhayan at sistema ng pamumuhay ng bawat
yugto ng pag-unlad ayon sa mga kagamitan na mayroon sa panahong iyon.
C. Napahahalagahan ang paglinang sa kapaligiran upang makatulong sa buhay ng
tao.

Balitaan
Pagbanggit ng mahalagang katanungan at pahapyaw na pagtanaw sa bunga ng
pagkatuto.
Pagbabalik – aral sa nakalipas na aralin. (W)

ALIN, ALIN, ALIN ANG NAIBA?


Ipakita ng guro sa klase ang 1 pirasong bato, porsporo at lighter.

Mga gabay na tanong:


a. Ano ang inyong nakikita?
b. Ano ang gamit ng mga ito sa tao?
c. Ano ang nais ipahiwatig ng tatlong larawan na ito?

TALAKAYAN

Picture Analysis
Pagpapakita ng mga larawan ng tungkol sa mga yugto sa pag-unlad ng kultura sa
panahong prehistoriko. Ang klase ay hahatiin sa apat na pangkat kung saan sila ay
bibigyan ng mga larawan na may kinalaman sa ibat-ibang yugto sa pag-unlad ng kultura
sa panahong prehistoriko
Pangkat 1 – Paleolitiko
Pangkat 2 – Mesolitiko
Pangkat 3 – Neolitiko
Pangkat 4 – Metal
PANAHON NG PALEOLITIKO PANAHON NG MESOLITIKO

PANAHON NG NEOLITIKO PANAHON NG METAL

Ang bawat pangkat ay bibigyan ng mga METACARDS na naglalaman ng mga konsepto


tungkol sa yugto sa pag-unlad ng panahong prehistoriko at ito ay ididikit sa wastong
hanay ng matrix.

Yugto sa Katangian ng Mahalagang Paraan ng


Pag-unlad Kasangkapan Natuklasan Pamumuhay
Paleolitiko
Mesolitiko
Neolitiko
Metal

Mga Gabay na Tanong:

1. Ano ang naimabag o naitulong ng mga sinaunang tao sa kasalukuyan nating


pamumuhay?
2. Paano namuhay ang mga sinaunang tao noon sa kabila ng kakulangan sa
makabagong teknolohiya?
PAGLALAPAT

SITUATION ON THE GO!

Napansin mo sa loob ng iyong bag ang iyong mga panulat, pangkulay ay nakakalat
lamang sa loob. Hindi ka maaring gumastos upang makabili ng isang bagong pencil case,
ngunit maari mong gamitin ang mga bagay na makikita mo sa loob ng inyong kusina. Ano
ang iyong gagawin?

Mga Gabay na Tanong:


a. Ano ang iyong ginawang hakbang?
b. Ano ang magandang katangian ang iyong naipakita sa sitwasyon na ito?
c. Bilang isang mag-aaral, bakit mahalaga ang pagiging maabilidad sa buhay?

PANGWAKAS

IRF Chart
Sasagutan ng mga mag-aaral ang chart sa isang ½ crosswise na maglalagom sa
kanilang natutunan para sa araw.

You might also like