You are on page 1of 3

Masusing Banghay – Aralin

Araling Panlipunan Grade 9

I. LAYUNIN
Sa loob ng i isang oras na talakayan, 90% ng mga mag-aaral ay inaasahang:

1.. Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng suliranin ng sector ng Industriya.


2. Nabibigyang-halaga ang mga patakarang pang-ekonomiya na nakatutulong sa sektor
ng Industriya.
3. Natutukoy ang mga bahaging ginangampanan ng sector ng Industriya sa larangan ng
Pagmimina, Pagmamanupaktura, Pagkokonstruktion at Utilities sa ekonomiya at sa
bansa.

II. PAKSANG-ARALIN
Paksa: Ang Sektor ng Industriya
Sangguian: Ekonomiks (Araling Panlipunan) Modyul para sa Mag-aaral
Awtor: Bernard R. Balitao, Et. al.
Kagamitan: Laptop, PowerPoint presentation,

III. PAMAMARAAN
A. Paghahanda
1. Panimula
a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagpuna sa kaayusan ng klasrum
d. Pag tsek ng atendans
e. Pagbabalik-aral
B. Balik-aral
Ano ano ang mga suliranin ng sub sector ng Agrikultura
C. Pagtuklas
1. Pagganyak
Video Presentation
D. Paglalahad
Base sa aking ginawang aktiviti, ang ating paksa sa araw na ito ay Sektor ng
Industriya
E. Paunlarin
1. Pagtalakay
Sektor ng Industriya • Pangunahing layunin nito ay maiproseso ang mga hilaw na
materyal upang makabuo ng mga produkto na ginagamit ng tao. hilaw na materyal
produkto
Sub-sektor ng Industriya
 •Pagmimina (Mining) •Pagmamanupaktura (Manufacturing) •Konstruksyon
(Construction) •Utilities
 Pagmimina • Pagkuha at pagproseso ng mga yamang mineral (metal, di-
metal, o enerhiya) upang gawing tapos na produkto o kabahagi ng isang
yaring kalakal. • Ang mismong produkto, hilaw man o naproseso ang
nagbibigay ng kita para sa bansa.
 Pagmamanupaktura • Ito ay tumutukoy sa paggawa ng mga produkto sa
pamamagitan ng manual labor o ng mga makina. • Nagkakaroon ng pisikal o
kemikal na transpormasyon ang mga materyal o bahagi nito sa pagbuo ng
mga bagong produkto.
 Konstruksiyon • Kabilang dito ang mga gawaing tulad ng pagtatayo ng mga
gusali, estruktura at iba pang land improvements.
 Utilities • Ito ay binubuo ng mga kompanyang ang pangunahing layunin ay
matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan tulad ng tubig,
kuryente at gas. • Kasama dito ang paglalatag ng mga imprastruktura at
angkop na teknolohiya upang maihatid ang nararapat na serbisyo sa lahat ng
tao.
Uri ng mga Industriya ayon sa laki
• Cottage Industry – Napapaloob dito ang mga produktong gawang kamay
(hand- made products). Hindi hihigit sa 100 mangagawa ang kabilang sa
industriya at maliit na lugar lamang ang sakop ng operasyon nito.
• Small and Medium-scale Industry – Binubuo ng 100-200 na mga
manggagawa at ginagamitan ng payak na makinarya sa pagproproseso ng
mga produkto.
Large-scale Industry – Binubuo ng higit sa 200 na mga manggagawa,
ginagamitan ng malalaki at kumplekadong makinarya sa pagproproseso ng
mga produkto at kailangan ng malaking lugar para sa produksyon tulad ng
planta o pabrika.

Suliranin ng Sektor ng Industriya


 Suliranin Epekto Kawalan ng malaking kapital upang tustusan ang
pangangailangan sa produksyon Kakulangan ng produkto at pagtaas sa
presyo nito.
 Mga White-elephant projects (Proyektong walang pakinabang) ng
pamahalaan Pinsala sa mga mamamayan at kapaligiran.
 Kakulangan sa hilaw na materyales Pagbabawas sa produksyon at pagtaas
sa presyo ng produkto.
 Malayang pagpasok ng murang produkto mula sa ibang bansa dahil sa
import liberalization.
 Pagsasara ng mga lokal na industriya at pagkawala ng hanapbuhay ng
maraming mamamayan.
Sangay ng Pamahalaan na Tumutulog sa Sektor ng Industriya
• Department of Trade and Industry (DTI) – Gumagabay sa mga mangangalakal sa
pagtatatag ng negosyo.
• Board of Investments (BOI) – Tinutulungan nito ang mga nagsisimulang industriya
at humihikayat sa mga dayuhang mamumuhunan na magnegosyo sa bansa
. • Philippine Economic Zone Authority (PEZA) – Tumutulong sa mga
mamumuhunan na maghanap ng lugar upang pagtayuan ng negosyo.
• Securities and Exchange Commission (SEC) – Nagtatala at negrerehistro sa mga
kompanya sa bansa.

F. Pagpapalalim
1. Paano ka makatutulong sa pag- unlad ng sektor ng industriya tungo sa pagkamit
ng kaunlaran ng bansa?
G. Pangwakas na pagtataya
Alamin kung anong sector ng Industriya at magbigay ng tatlong sanhi at epekto

.
IV. TAKDANG ARALIN
Sagutin ang mga Gawain sa ibinigay kung Worksheet

Prepared by: Reviewed: Attested:

You might also like