You are on page 1of 5

Introduction:

Jumong: Tuwing tumitingin ka sa iyong paligid, naiisip mo bang isipin kung paano ba ang isang bagay ay
nagagawa? halimbawa nalang ng kuryente, maaring itong nagmula sa malinis na enerhiya o solar panels
dahil dito tayo nakakabuo sa pamamagitan ng teknolohiya, sapagka't nakaugnay dito ang tatalakayin
nating paksang "Sektor ng industriya" upang mabigyang linaw tayo sa sektor ng industriya narito si
Rafunzel Bolivar para linawin ito. Rafunzel, ano nga ba ang sektor ng industriya?

Rafunzel: Yes Jumong, lingit nga sa ating kaalaman 'no na ang Sektor ng industriya ay nilalaman ng
paglikha ng mga bagong produkto na mapapakinabangan ng mga tao mula sa hilaw na produktong
agrikultural.

Ang mga hilaw na materyales galing sa iba't-ibang mga sektor ay inilalahad sa sektor ng industriya para
ito ay gamitin para gumawa ng bagong produkto, dahil dito pinoproseso ang mga hilaw na materyales
para sa isang tiyak na produkto at binebenta sa merkado.

Jumong: Maraming salamat Rafunzel. Ngayon kami'y magbabalik pagkatapos ng ilang commercial

SCENE BEFORE COMMERCIAL: Ngayon naman ay dumako tayo sa sekondaryang sektor ng industriya.

COMMERCIAL A- PAGMIMINA

Tumutukoy sa pagmimina ng mineral at iba pang likas na yaman tulad ng bato, metal, atbp.

COMMERCIAL B- PAGMAMANUPAKTURA

Ito ay tumutukoy sa produksyon ng mga kalakal at produktong kailangan ng tao. Halimbawa ng mga
produktong ginagawa sa manufacturing sector ay mga sasakyan, gadgets, sapatos, kasangkapan sa
bahay, atbp.

COMMERCIAL C-KONSTRUKSIYON

Ito ay naglalayong magpakabit o magpatayo ng mga gusali, tulay, kalsada, at iba pang imprastraktura.

COMMERCIAL D-UTILITIES

Kinabibilangan ng mga industriya na nagbibigay ng serbisyong pang-enerhiya tulad ng kuryente, gas, at


tubig.

Jumong: Mag babalik ang balitang inyong kinikilingan, nakatutok si ranfuzel bolivar
Rafuzel: Nang ating malaman ang kahulugan ng ating tinalakay, ating tukuyin ang "kahalagahan ng
Sektor ng idustriya"

Ang pangunahing kapakinabangan nito sa industriyalisasyon ay nag bibigay sa atin ng higit pang mga
kalakal na mabibili sa abot-kayang presyo at ito ay katangi-tanging nagsisilbing pamilihan ng mga tapos
na produkto ng sektor ng agrikultura, bukod pa rito nakatutulong dito sa pagdagdag ng empleyo dulot
nito ang paglikha ng mataas na pangangailangan para sa manggagawa.

Jumong: Bilang karagdagan lamang 'no, dahil ang industriyalisasyon ay nakatutulong sa pagsigla ng
ekonomiya sa pamamagitan ng pagtaas ng paggasta ng mga mamimili at paglikha ng isang positibong
siklo ng paglago ng ekonomiya.

Rafunzel: Habang ang sektor ng industriya ay may benipisyo sa ating ekonomiya, ating alamin ang
"Kahinaan ng sektor ng industriya", may tatlong nilalaman ang mga ito,

-Isa na rito ang "Policy Inconsistency" Ang policy inconsistency ay ang kahinaan ng pamahalaan na
magkaroon ng mga polisiyang susuporta sa pagpapalakas ng industriya ang isa sa mga dahilan sa
pagkawala at pag-iwas ng mga mamumuhunan sa bansa. Nang dahil dito, mas maraming mga
mamumuhunan ang naging interesadong magtayo ng kanilang mga negosyo sa piling bansa

-ikalawa ang tinatawag na "inadequate investment" ito ay tumutukoy sa pamumuhunan sa bansa na


naging mahirap para sa mga negosyante na mapalakas ang teknolohiya o pagbago ng mga produktong
ginawa. nang sa gayon ay napakahalagang hikayatin ang ginawang pamumuhunan sa mahusay at
epektibong pagsuporta sa paglago ng ekonomiya.

-huli sa lahat ang "Macroeconomic volatility and political instability" Ang kahinaang hinaharap nito ang
elemento ng makroekonomics na kung saan ang kaguluhang politikal sa bansa sa iba't ibang panahon ay
nagtulak sa mga lokal at dayuhang mamumuhunan na huwag mag negosyo sa bansa. bunga nito ang
mababang antas ng pamumuhunan na nagresulta sa matamlay na ekonomiya.

Kercie: Maging nalaman natin ang kahulugan ng sektor ng industriya, ang kahalagahan nito, at kahinaan,
ating tunghayan ang "Epekto ng industriyalisasyon"

- Ang kaugnay ng industriyalisasyon sa kaunlaran, ayon sa mga ekonimistang sina adam smith, marx
engels, at john williamson.

dahil ang industriyalisasyon ay tumutukoy sa paggamit ng mga makinarya at makabagong teknolohiya sa


paglinang ng mga industriya at pinagkukunang-yaman, kaya ito ang patuloy na motibasyon ng maraming
bansa na mapataas ang produksiyon ng sektor ng ekonomiya, naririto ang mga epekto
industriyalisasyon,

Ayon sa mga ekonomistang nabanggit, -"nakadudulot ito ng mataas na antas na polusyon bunha nito
ang pagkasira ng kapaligiran",
-sa susunod ay ang "hindi pagkapantay-pantay na kalagayang pang-ekonomiya"

-panggatlo ay ang "pagbaba ng pagkakaisa sa mga miyembro ng komunidad dahil sa lakas ng


kompetisyon"

-pang-apat "maaari ding maging dahilan upang pagbaba ng mga mag-aaral sa paaralan dah sa
nahihikayat silang magtrabaho sa halip na mag-aaral"

Nang dahil dito maraming benipisyong nakamit ng bansa tugon sa kalahayang industriyal na
karaniwang kaugnay sa kaunlaran. subalit, nangangailangan ding maunawaan at makilala ang mga
negatibong epekto nito, higit kung ang isang bansa ay may kahinaan sa mga regulasyon na ipinatutupad.

Jumong: Maraming salamat sa iyong pagtugon kercie magnaye, makitungo tayo sa "Ugnayan ng sektor
ng agrikultura at industriya"

-Ang ugnayan at interaksiyon ng mga sektor ay mahalagang aspekto upang makamit ang ninanais nais
na katatagan ng pamahalaan.

Sa aspektong paguunayan, ang sektor ng industriya at agrikultura ay may direktang pakinabang sa


bawat isa, tulad na lamang ito,

-Sa pinagmula sa agrikultura ang mga hilaw na sangkop na ginagamit sa pagbuo ng mga produkto ng
industriya, ay ang mga sangkap ng pagkakaroon ng transpormasyon na nagdadagdag ng halaga. Ang
dinaanang proseso ay nangangahulugan ng maraming pangangailangan tulad ng lakas-paggawa

iba't-ibang sangkap sa produksyon

-Bagkos sa mga kagamitang ginagamit sa agrikultura tulad nalang ng kraktora, at sasakyang pangisda.

Ginagamit ang mga ito upang magkaroon ng mataas na produksiyon na magbibigay ng mas malaking
kita sa mamumuhunan at mas maraming produkto para sa mga mamimili.

(diko maexplain)

Rafunzel: Ang nasabing plano ng pamahalaan ay isang pagsisikap upang mapaunlad ang sektor ng
industriya. Malinaw ang layuning nakasaad sa nasabing plano. Subalit ang katatagang maipatupad ang
mga plano ang pinakamalaki pa ring balakid upang masiguro ang ang pangmatagalang benipisyo mula
rito.

Ang tinatawag dito ang "Mga patakaran at programa upang mapaunlad ang sektor ng industriya at
pangangalakal"

-Alamin sa pagtutok ni Russel otilla


Russel: Ilan sa direksyon ng pamahalaan ay pagsasaayos ng ilang mga polisiya upang masigurong ang
mga ito ay magpapatatag ng industriya. Ilan sa mga inaasahang may pagbabago sa mga latakaran ang
sumusunod:

-Una ang "pagsusog" sa Executive order no.226 o ang tinatawag na (Omnibus Investment Code of 1987)
Upang mapalakas ang pagtataguyod sa pamumuhunan at paglinang ng mga bagong industriya ng board
of investment

-Sunod ang pagpapatubay sa anti-trust/conpetition law upang malabanan ang mga gawaing hindi patas
pagdating sa kalakalan, maiwasan ang kartel at monopolyo, at maparusahan ang mga opisyal ng mga
kumpanyang hindi sumusunod sa patas na pagnenegosyo

-Ang pagsusog sa "Tariff and custom code of the philippines" ito ay bilang suporta na pakikilagkalakalan
at mapigilan ang patuloy na paglaganap ng smuggling sa bansa.

-Pagsusog sa "Local goverment act" ito ay upang masiguro na ang kapaligiean sa bansa ay magiging
kaaya-aya sa pagnenegosyo.

-Pagsusog sa "Intellectual property code" bilang proteksiyon sa mga negosyante na ang produkto ay mga
sariling likha tulad nf muwebles at iba pang gawaing kamay

-Pagsusog sa "barangay micro business enterprises (BMBEs)" act bilang suporta sa pagpapalawig at
pagpapalakas sa maliliit na negosyo na katuwang pamahalaan sa pagbibigay ng trabaho.

-Ang panghuli ay ang reporma sa buwis bilang isentibi sa pribadong sektor kaugnay sa kanilang mga (R
and D) na isinasagawa batay sa RA 8424. ito ay may layuning mahihikayat ang mga pribadong sektor na
magkaroon ng inobasyon at pagtutulungan upang mapabuti at mapalakas ang pagsasagawa ng r and d
para sa kapakinabangan ng lahat.

(R&D Research and development)

(diko pa alam kung sino)

Partikular ding tinitingnan sa loob ng Philipine Development Plan ang pagtataguyod sa industriya.
Kinakailangan na malinang ang imprastraktura at ang mga regulasyong ipinatutupad upang ganap na
mapabuti ang sosyo-ekonomikong kapaligiran. Nakatakdang isakatuparan ng pamahalaan ang
sumusunod upang matamo ang nasabing mga adhikain

• Mapaghusay ang promosyon sa pamumuhunan at estratehiya sa paglinang ng industriya sa


pamamagitan ng mga inisyatibo at programa ng pamahalaan kasama ang pribadong sektor, upang
magamit nang husto ang mga likas na yaman.

• Masiguro na ang mga magsisitapos sa mga paaralan ay kinakailangan ng industriya

•Maitaguyod ang paglinang sa mga manggagawa upang masiguro ang kalidad sa pamamagitan ng
training at opportunity building.

•Mapanatili ng pamahalaan ang pagbibigay ng insentibo (fiscal and nonfiscal) at manguna sa


paglulunsad ng promosyon ng mga produktong industryal sa ibang bansa.

•Mapabuti ang persepsiyon ng mga mamumuhunan sa bansa bunga ng katanggap-tanggap na


kapaligiran sa pagnenegosyo.

•Mapalawak ang kaunlaran sa iba pang mga lungsod, katuwang ang pribadong sektor, upang mapalawak
pa ang pagbibigay ng pagkakataon sa maraming pilipino sa iba't ibang dako ng bansa.

You might also like