You are on page 1of 16

9 Department of Education

National Capital Region


SCHOOL S DIVISION OFFICE
MARIK INA CITY

Araling Panlipunan
Ekonomiks
Ikaapat na Markahan-Modyul 6
Sektor ng Industriya at Paglilingkod

Manunulat: Myra Lupera Garcia

0
Aralin
Sektor ng Industriya at
1 Paglilingkod

Ang modyul na ito ay inaasahang tatalakay sa bahaging ginagampanan ng


sektor ng industriya at paglilingkod sa ekonomiya ng bansa. Ang mga kaalamang ito
ay inaasahang magiging gabay upang higit na maunawaan ang kahalagahan ng
sektor na ito sa pagkakaroon ng isang maunlad na ekonomiya ng bansa. Tatalakayin
din sa modyul na ito ang naging kalagayan ng mga sektor ng industriya at
paglilingkod sa panahon ng pandemya at ang naging pagtugon ng pamahalaan para
sa muli nitong pagbangon.

Sa pagtatapos ng aralin ang mag-aaral ay inaasahang:


1. nabibigyang-halaga ang mga gampanin ng sektor ng industriya at
paglilingkod, at mga patakarang pang-ekonomiyang nakatutulong dito;
1.1 natatalakay ang kahalagahan ng sektor ng industriya at paglilingkod
sa ekonomiya;
1.2 nasusuri ang mga gampanin ng sektor ng industriya at paglilingkod,
mga patakarang pang-ekonomiyang nakatutulong dito;
1.3 nalalaman ang bahaging ginagampanan ng sektor ng industriya at
paglilingkod tungo sa isang masiglang ekonomiya.

Basahin at unawain ang bawat pahayag. Tukuyin kung anong sub-sektor ng


industriya ang binabanggit sa bawat bilang. Iguhit ang bilog kung ito ay
PAGMIMINA, parisukat kung PAGMAMANUPAKTURA, tatsulok kung
KONSTRUKSYON, puso kung UTILITIES.

1. Kabilang sa gawain ng sub-sektor na ito ang pagpapatayo ng mga


gusali, tulay at kalsada.
2. Ang mga metal at di-metal na mineral ay dumadaan sa proseso upang
maging tapos na produkto.
3. Pagpoproseso ng mga hilaw na materyales upang makalikha ng
bagong produkto na kadalasang ginagamitan ng makinarya.
_________4. Ang kompanya ng kuryente, gas at tubig ay mga serbisyong
kinakailangan para maisagawa ng ibang sektor ang kanilang gawain.
_________5. Ang produkto ng sub-sektor na ito ay mahalagang bahagi ng gawain sa
konstruksyon.

1
Tukuyin kung anong Sektor ng Agrikultura ang inilalarawan/tinatalakay sa
mga sumusunod na pahayag. Isulat sa patlang kung ito ay Paghahalaman,
Paghahayupan, Pangingisda, o Paggugubat.
_________________1. Ang Pilipinas ay itinuturing na isa sa may pinakamalaking
produksyon ng isda sa buong mundo.
_________________2. Saging, niyog at mangga ay ilan lang sa mga produkto ng
bansa na kilala rin sa iba’t ibang panig ng mundo.
_________________3. Ang pagtaas ng presyo ng karne ng baboy sa kasalukuyan
ay sinasabing bunga ng takot ng mga livestock farmer sa
African Swine Fever (ASF).
_________________4. Ang gawaing pangkabuhayan na ito ang nagsusuplay ng
karne at iba pang pagkain.
_________________5. Ang tamang pangangalaga sa sektor na ito ay makatutulong
para sa balanseng ecosystem.

Gawain: I.P.S.: Basahin at unawain ang mga pahayag. Tukuyin at isulat ang letrang
I sa kahon kung ito ay naglalarawan sa kahalagahan ng sektor ng industriya, P kung
sektor ng paglilingkod at S kung sa parehas na sektor.

Nagbibigay ng trabaho.

Nagpapataas ng GDP ng bansa.

Lumilikha ng mga bagong produkto.

Nangunguna sa pagproseso ng mga produktong agrikultural.

Tinitiyak nito na makararating ang produkto sa mga mamimili.

Konsepto at Kahalagahan ng Industriya

Ang sektor ng industriya ay ang pagpoproseso ng mga hilaw na sangkap o


materyales upang makabuo ng mga produkto. Malaki ang bahaging ginagampanan
ng sektor na ito sa paglikha ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ng tao
ang kanyang mga pangangailangan sa araw-araw. Layunin ng sektor na ito na
maiproseso ang mga hilaw na materyales na karaniwang nagmumula sa sektor ng
agrikultura upang higit na mapakinabangan o magamit ng mga tao.
2
Ang ilustrasyon sa ibaba ay nagpapakita ng isang halimbawa ng gawain sa
sektor ng industriya, kung saan ang hilaw na produkto ay dumadaan sa iba’t ibang
proseso para makabuo ng panibagong produkto.

https://search.creativecommons.org/photos/17e9cbc1- `
https://search.creativecommons.org/photos/3b971de7-7fb9-
006a-41ac-8b69-1da499d95907 4275-b8a2-b4e4082785d7

https://search.creativecommons.org/photos/93c694c
https://search.creativecommons.org/photos/b7cdf665-a2f4- e-2485-4b2b-8f2d-60a7fce977c7
417f-a346-c3dff154f641

Ang nalikhang produkto ay ginagamit naman para makalikha pa ng iba’t ibang


produkto. Ang mga mais na naproseso ay maaaring maging sangkap para
makagawa ng soup, sangkap sa iba’t ibang pagkain, mantika atbp.
Mayroong apat na sub-sektor ang industriya, una ang pagmimina (mining) ito
ay tumutukoy sa pagproseso ng mga yamang mineral upang gawing “bagong”
produkto kung kaya’t ito ay maituturing na pangunahing sub-sektor ng industriya.
Noong 2019 umabot sa Php15.47 bilyon ang kabuoang buwis mula sa sektor na ito.
(Mines and Geosciences Bureau n.d.)

Umaabot naman sa 3,389 ang bilang ng maliliit na operasyon ng graba at


buhangin sa bansa, ang mga produktong ito ay ilan lang sa mga halimbawa ng
produkto ng sub-sektor ng pagmimina na ginagamit naman ng ikalawang sub-sektor
ang konstruksyon (construction) sa pagtatayo ng mga gusali, tulay, pabrika at iba
pang istruktura. Sa pagdagsa ng mga namumuhunan sa isang bansa dumadami ang
imprastuktura lalo na ang pagtatayo ng mga pagawaan o pabrika. Mahalaga ang
mga ito upang magkaroon ng maayos na lugar para maisagawa ang mga gawain ng
ikatlong sub-sektor. Ang pagmamanupaktura ay tumutukoy sa paggawa ng mga
produkto sa pamamagitan ng manual labor o ng mga makina. Dito nagkakaroon ng
pisikal o kemikal na pagbabago ang mga materyal sa paglikha ng bagong produkto.
Nililikha dito ang mga pangangailangan ng mga tao sa araw-araw tulad ng pagkain,
damit atbp. Batay sa ulat ng Philippine Statistic Authority (PSA) noong 2018, ang
sektor na ito ay nakapagtala ng mahigit na 1.7 milyon na manggagawa. Ang mga
gawain dito ay maisasagawa sa tulong ng ikaapat na sub-sektor, ang utilities. Ito ay
binubuo ng mga kompanyang ang layunin ay matugunan ang pangunahing serbisyo
na kailangan sa produksyon tulad ng kuryente, tubig at gas. Mahalaga rin ang mga
nasabing produksyon sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao kaya’t kabilang
sa mga plano ng pamahalaan ang pagkakaroon ng mga imprastruktura at
teknolohiya na makatutulong upang masiguro na maaabot ng mga serbisyong ito
ang bawat mamamayan.

3
Sa kabuoan, ang sektor ng industriya ay isa sa mahalagang bahagi ng
ekonomiya, bukod sa pagpoproseso ng mga hilaw na produkto at paglikha ng mga
produktong kinakailangan natin sa pang-araw-araw, nagpapasok din ito ng dolyar sa
ating bansa. Sa katunayan ang tinatayang kita sa pagluluwas ng mga produkto
noong 2019 ay umabot sa $6.16 bilyong dolyar. (PSA 2019) . Malaking bahagi rin ng
pambansang kita ay dito nagmumula.
Kahinaan ng Sektor ng Industriya
• Policy Inconsistency- Ang kahinaan ng pamahalaan sa pagkakaroon ng
mga polisiya na magpapalakas sa industrya ang dahilan ng pagkawala o
pag-iwas ng mga namumuhunan sa bansa. Kaya naman nagsasagawa ng
diyalog ang National Competitiveness Council at Dept. of Trade and Industry
para sa pakikipagtulungan sa pampubliko at pribadong sektor upang mapabuti
at mapadali ang pagnenegosyo sa bansa, isa sa plano ng Task Force ay ang
pagbabawas ng oras at mga pamamaraan o proseso na kinakailangan upang
makakuha ng kaukulang permiso ang isang negosyo.
(National Competitiveness Council-Philippines n.d.)
• Inadequate Investment- Mahalaga ang pamumuhunan upang mas malinang
ang teknolohiya at mapalakas ang kasalukuyang industriya. Ang mababang
antas ng pamumuhunan sa Pilipinas ay nagpapahirap sa mga negosyante
para mas mapalakas ng teknolohiya at mabago ng mga produkto.
• Macroeconomic Volatility and Political Instability- Ang makroekonomiks ay
naglalarawan sa kabuoan ng ekonomiya (pambansang kita, pangkalahatang
presyo, trabaho, presyo atbp) kaya’t ang kahinaan nito at kaguluhan sa
politikal ng bansa ay maaaring magtulak sa mga lokal at dayuhang
mamumuhunan na huwag mamuhunan sa bansa.
Sanggunian: Ekonomiks Araling Panlipunan Modyul para sa mag-aaral ph 441

Konsepto at Kahalagahan ng Paglilingkod

Ang sektor ng paglilingkod ay tumutukoy sa paggamit ng lakas at talino ng


isang manggagawa upang makalikha ng iba’t ibang serbisyo sa halip na bumuo ng
produkto. Higit na binibigyang pansin ng sektor na ito ang pakikipag-ugnayan ng tao
at pagbibigay ng serbisyo sa halip na lumikha ng produkto.
Bukod sa mga pangunahing pangangailangan tulad pagkain, damit at gamot,
may iba pang pinagkakagastusan at kinukunsumo ang mga tao. May mga
pangangailangan ang tao na tinutugunan ng sektor ng paglilingkod. Ang taong may
karamdaman ay di basta bumibili o makabibili ng gamot kinakailangan muna nila ang
serbisyong medikal ng isang doktor para mabigyan sila ng tamang panlunas. Ito ay
isa lamang halimbawa ng sub-sektor ng paglilingkod. Ang sektor ng paglilingkod ay
binubuo ng mga sumusunod na sub-sektor sa pananalapi, insurance, komersiyo, real
estate, kalakalang pakyawan at pagtitingi, transportasyon, pag-iimbak,
komunikasyon, at mga paglilingkod pampamayanan, panlipunan at personal.
Tinatayang nasa 57.8% ng kabuoang trabaho sa bansa noong 2019 ay mula sa
sektor na ito. Makikita sa talahanayan sa ibaba ang iba’t ibang industriyang
bumubuo sa sektor ng paglilingkod at ang bahagi nito sa kabuoang bilang ng trabaho
nalikha nita sa noong 2019. (PSA 2020)

4
Talahanayan 1

Sektor ng Industriya at Paglilingkod sa panahong ng Pandemya

Malaking bahagi ng GDP ng bansa ay nagmumula sa pinagsamang kita ng


sektor ng industriya at paglilingkod tulad ng makikita sa talahanayan 2 sa ibaba.
Lumilikha din ito ng mga produkto at maraming trabaho para sa mga manggagawang
Pilipino.
Talahanayan 2 (Philippine Statistic Authority 2020)

Kaya naging malaking hamon sa pamahalaan ang pagkakaroon ng pandemya


dulot ng Covid-19. Mahigpit na pinatupad ang mga protocol at isinailalim ang halos
buong bansa sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) upang mapigilan ang
paglaganap nito. Bunsod nito maraming negosyante ang napilitang magbawas ng
manggagawa kung di man tuluyang ng nagsara. Dahil sa pagsasara ng maraming
negosyo at pabrika marami ang nawalan ng trabaho. Ayon sa ulat ng Philippine
Statistic Authority, may 4.5 milyong manggagawang Pilipino ang nawalan ng trabaho

5
sa panahon ng pandemya, ito na ang pinakamataas na naitala ng ahensya mula
noong April 2005. Malaking bilang ng nawalan ng trabaho ay mula sa sektor ng
paglilingkod. Ilan na dito ay mula sa mga restaurant, hotels, sinehan at maging ang
mga fastfood chain. Subalit sa kabila ng panganib na dala ng pandemya may ilan pa
rin industriya ang nanatiling bukas. Ilan dito ang health care, logistic, information
technology, business process management, construction at edukasyon.Tinukoy
naman ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga health workers, call center
agents, at delivery service bilang mga “resilient jobs” dahil sa malaking tulong nito sa
pamumuhay ng mga Pilipino at pagiging matatag nito sa panahon ng quarantine. (DOLE
2020)
Hindi lamang lokal na manggagawa ang naapektuhan ng nasabing
pandemya, marami ring Overseas Filipino Workers (OFW) ang nawalan ng trabaho.
Sa ulat ng Department of Labor noong Hulyo 20, 2020 may 106,200 manggagawang
Pilipino mula sa iba’t ibang bansa ang bumalik ng bansa at tinulungang makauwi ng
pamahalaan sa kani-kanilang probinsya sa kasagsagan ng pandemya. May 214,619
na ring mga OFW ang nakatanggap na ng emergency aid mula sa DOLE at
Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) (DOLE 2020)
Sa kasagsagan ng pandemya isa ang Department of Social Welfare and
Development (DSWD) sa kaagarang kumilos para magbigay ng tulong pinansyal sa
mga mamamayan, bilang pagsunod sa Republic Act (RA) 11469 o ang “Bayanihan
to Heal as One Act” na nilagdan ng Pangulong Rodrigo R. Duterte noong Marso 24,
2020. Nagkaloob ang ahensya ito ng halagang P5,000-P8,000 bilang bahagi ng
social amelioration program o SAP sa loob ng dalawang buwan sa mga pamilyang
kabilang sa mga lubos na naapektuhan ng pagpapatupad ng quarantine. Ang
nasabing tulong ay batay sa tinatayang halagang kakailanganin para matugunan ang
ilang pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, gamot at hygiene essentials
tulad ng alcohol.
Sa kasalukuyan, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque
prayoridad ng pamahalaan ang muling pagbubukas ng ekonomiya, pagpapalawig ng
edad na papayagang lumabas ng bahay at pagpaparami ng transportasyon.
Pangalawa ang pagpapatupad ng recovery package na nasa Bayanihan 1,
Bayanihan 2, 2020 at 2021 national budget. Pangatlo ay ang implementasyon ng
vaccination program. (Relativo 2021) Ang mga hakbang na ito ay magbibigay ng
pagkakataon sa mga negosyante na muling bumangon, oportunidad naman ito sa
mga mamamayan na nawalan ng trabaho na muling magkatrabaho na magbibigay
ng karagdagang kita sa pamahalaan upang patuloy na matustusan ang program nito
para sa lubusan pagbangon ng kabuoang ekonomiya ng bansa. Kaya’t sa kabila ng
patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19 unti-unti ng pinapayagan ng pamahalaan na
magbukas ang ilang industriya at negosyo.

Mga Patakaran at Ahensya ng Pamahalaang nagtataguyod sa Sektor ng


Industriya at Paglilingkod sa Panahon ng Pandemya

Bayanihan to Heal as One Act' o RA 11469- batas na nilagdaan ni Pang. Rodrigo


R. Duterte noong Marso 24, 2020 na nagbibigay sa Pangulo ng special power para
malabanan ang Covid-19. Isa sa kapangyarihan na ipinagkaloob sa Pangulo ang
pagdedeklara ng savings ng Sangay ng Ehekutibo upang magkaroon ng dagdag
pondo para sa madaliang pagtugon at pamimili ng mga pangunahing
pangangailangan at kagamitang medikal para sa Covid-19. Nakasaad din dito ang
kautusan sa mga bangko at iba pang pang-institusyong na pananalapi na mabigay

6
ng 30 araw na palugit sa pagbabayad ng mga utang at ang pag-aalis ng mga multa,
interes at iba pang mga karagdagang bayad. (Bronio, Philippine Information Agency 2020)

Bayanihan to Recover as One Act (BARO) o RA 11494- batas na ipinalit sa


Bayanihan to Heal as One na nilagdaan ni Pang. Duterte noong Septyembre 2020
na nagbigay ng karagdagang kapangyarihan sa Pangulo na italaga ang pondo ng
gobyerno para sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa.(Official Gazette 2021) Ilan sa mga
programa ng gobyerno na paglalaanan ng pondo ay ang mga sumusunod: suporta
sa agrikultura, tulong sa mga industriya na apektado ng pandemya, cash-for-work
program at ang pagbili ng bakuna para sa coronavirus.

Covid-19 Assistance to Restart Enterprises o CARES- programa ng pamahalaan


na naglalaan ng P10-bilyon pondo para sa pagpapautang sa mga micro, small and
medium enterprises (MSME) na walang interes upang muling ibangon ang kanilang
mga negosyo sa panahon ng pandemya. (Crismundo, Philippine News Agency 2021)

Inter-Agency Task Force- binuo ng pamahalaan alinsunod sa Artikulo II, Seksyon


15 ng Saligang Batas nakasaad dito na “dapat itaguyod at pangalagaan ng Estado
ang karapatan sa kalusugan ng mga mamamayan at ikintal ang kamalayang
kalusugan sa kanila”. Ang task force na ito sa pangunguna ng DOH ang naatasang
magsagawa ng pagsusuri, pagsubaybay, at magbigay ng rekomendasyon sa
pamahalaan upang makontrol at maiwasan ang paglaganap ng Covid-19.

Department of Trade and Industry- pangunahing ahensya ng bansa na


nangangalaga sa karapatan at interes ng mga mamimili, at pagbuo ng mga
patakaran at programa para sa mapaunlad ang ekonomiya ng bansa. Sa panahon
ng pandemya isa sa programa nito ang Corporate Recovery and Tax Incentives
for Enterprises (CREATE) Act na naglalayong tulungan ang mga kompanya na
bumango sa pamamagitan ng pagbabawas sa singil sa buwis ng kita nito at
pagbibigay insentibo sa mga exporters ng sa ganun mapalago din ang ekonomiya ng
bansa. (Department of Trade and Industry 2021)

Department of Labor and Employment-pangunahing ahensya na naatasang


bumuo ng mga patakaran at polisiya na huhubog sa kakayahan at mangangalaga sa
kapakanan ng mga manggagawa. Sa panahon ng pandemya, pinatupad ng ahensya
ang ilang programa:
o Covid-19 Adjustment Measures Program (CAMP) pagbibigay ng pinansyal
na tulong sa mga apektadong manggagawa nang pribadong sektor na
nagpatibay ng Flexible Working Arrangements (FWAs) – (ilang halimbawa
ng FWAs ay ang pagbabawas ng oras o araw ng trabaho, rotation ng
pagpasok ng mga mangagawa) o pansamantalang pagsara sa panahon ng
Covid-19.
o Abot Kamay Ang Pagtulong (AKAP) programa ng ahensya na naglaan ng
P10,000 pinansyal na tulong sa mga OFWs na naapektuhan ng pandemya.
o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers
(TUPAD) layunin ng programang ito magbigay ng pansamantalang trabaho sa
mga mangagawa ng impormal na sektor na ang kita ay naapektuhan din ng
pandemya.

7
Pagkatapos mabasa ang aralin, subukin natin ang iyong natatandaan at
natutunan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga hinihinging impormasyon sa
bawat bilang.

INDUSTRIYA PAGLILINGKOD

1. Kahulugan

2. Mga sub-sektor

3. Mga halimbawa

4. Mga Ahensya
ng pamahalaang
nangangalaga

5. Kahalagahan
sa ekonomiya

Mga Gabay na Tanong:

1. Paano nakatutulong ang mga gawaing iyong nabanggit sa itaas sa pambansang


ekonomiya? _________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2. Paano naapektuhan ng pandemya ang dalawang sektor ng industriya at
paglilingkod? ________________________________________________________
___________________________________________________________________
8
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
3. Sa panahon ng pandemya, paano tinugunan ng pamahalaang ang suliranin ng
bawat sektor? _______________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Rubrik para sa Gawain (Pagyamanin)

Nilalaman Kumpleto at Kumpleto subalit Kulang ang Kulang at di tama


wasto ang mga di-wasto ang ilang na sagot/ ang ilang
sagot/impormas sagot/impormasyong impormasyon sagot/impormasyo
yon at naibigay (12pts) subalit tama. ng ibinigay. (8pts)
nakapagbigay (10pts)
ng karagdagang
detalye (15 pts)
Presentasyon Malinaw at Malinaw ang Di-malinaw Di-malinaw ang
malinis ang pagkakasulat subalit subalit malinis pagkakasulat at
pagkakasulat. may bura (8pts) ang pagkaka- may bura (4pts)
(10pts) gawa (6pts)
Oras Naipasa sa Naipasa nang lagpas Naipasa nang Naipasa nang
takdang araw. ng 1araw sa lagpas ng 2 lagpas ng 3 o higit
(5 pts) itinakdang araw ng araw sa pang araw sa
pasahan (3pts) itinakdang araw itinakdang araw
ng pasahan ng pasahan (1pts)
(2pts)
Kabuoan 30 puntos

Sa pag-unlad ng ekonomiya mahalaga ang gawain ng bawat sektor ng


ekonomiya. Bawat isa ay magkakaugnay mula sa sektor ng agrikultura na
pinagmumulan ng mga hilaw na materyales na kinakailangan ng sektor ng industriya
para maisagawa nito ang iba’t ibang gawain na kinakailangan para sa isang
industriyalisadong bansa, na sinasabing isa sa sukatan ng kaunlaran. Kaya’t
mahalaga na mapalago ang agrikultura ng bansa kasabay ng paglago ng sektor ng
industriya para naman makalikha ng mas maraming oportunidad para sa sektor ng
paglilingkod.
Sa pagkakaroon ng pandemya naging mas malinaw ang kahalagahan ng
bawat sektor sa ekonomiya ng bansa. Ang pagpapatupad ng lockdown ay naging
dahilan ng pagsasara na mga kompanya at negosyo, maraming manggagawang
Pilipino ang nawalan ng trabaho kaya naman sa kabila ng pagtaas ng kaso at
pagkakaroon ng bagong variant ng Covid-19 unti-unti ng pinatutupad ng pamahalaan
ang mas maluwag na quarantine sa iba’t ibang bahagi ng bansa para muling maging
aktibo ang ating ekonomiya. Ngunit marami pa ring nangangamba sa maaaring
maging epekto nito kasabay ng pangambang ito ang katanungang ano nga ba ang
mas mahalaga kaunlaran ba o kaligtasan?

9
Gawain: ThrowBack: Maalala mo pa kaya ang kwentong quarantine mo?
Sumulat ng maikling sanaysay tungkol sa naging epekto ng quarantine sa inyong
pamilya. Tukuyin kung paano nito naapektuhan ang inyong kabuhayan? Paano ninyo
ito hinarap at nalampasan? Paano kayo makatutulong sa pagsiskap ng pamahalaan
na muling maibangon ang ekonomiya ng bansa? Gawin mo ito sa iyong kwaderno.
Rubrik para sa Gawain (Isagawa)

Nilalaman May kaugnayan sa May kaugnayan sa May ilang kaisipan na walang


paksa at malinaw na paksa subalit di kaugnayan sa paksa at di
nailahad ang kaisipan. malinaw na nailahad malinaw na nailahad ang
(10 pts) ang kaisipan. (8pts) kaisipan. (6pts)

Presentasyon Malinaw at malinis ang Malinaw ang Di-malinaw subalit malinis


pagkakasulat. pagkakasulat subalit ang pagkaka-
(6pts) may bura (5pts) gawa (4pts)

Oras Naipasa sa takdang Naipasa nang lagpas Naipasa nang lagpas ng 2


araw. ng 1araw sa araw sa itinakdang araw ng
(4 pts) itinakdang araw ng pasahan (2pts)
pasahan (3pts)

Kabuoan 20 puntos

10
Matching Type: Basahin at unawaiin ang nasa hanay A tukuyin kung ano o sino ang
nilalarawan o tinutukoy dito. Pilliin ang tamang sagot sa hanay B isulat ang letra ng
tamang sagot sa patlang.

HANAY A HANAY B

______1. Ahensya ng pamahalaan na A. AKAP


nagkaloob ng tulong pinansyal sa mga
pamilyang lubos naapektuhan ng B. Bayanihan to Heal as One Act
pandemya.
______2. IIan sa gawain ng sub-sektor na C. Bayanihan to Recover as One Act
ito ang pagtatayo ng iba’t ibang
imprastraktura tulad ng kalsada, tulay at D. CAMP
mga gusali.
______3. Programa ng pamahalaan na E. DTI
nagkaloob ng tulong pinansyal sa mga
OFW na naapektuhan ng pandemya. F. DSWD
______4. Batas na ipinatupad ng
pamahalaan na nagkaloob ng espesyal na G. IATF
kapangyarihan sa pangulo para sa mabilis
na pagtugon sa suliranin kinahaharap ng H. Konstruksyon
bansa.
______5. Sa ilalim ng ahensyang ito I. Paglilingkod
ipinatupad ang programang CREATE na
naglalayong tulungan ang mga kompanya J. TUPAD
makaahon sa pamamagitan ng
pagbabawas ng buwis.
______6. Programa na nagbibigay ng
pansamantalang pagkakakitaan sa mga
manggagawa ng impormal na sektor
______7. Batas na nilagdaan ng pangulo
para sa muling pagbangon ng pambansang
ekonomiya.
______8. Sektor na lumilinang sa
kakayahan at talino ng tao para maging
bahagi ng mas maunlad na ekonomiya.
______9. Ahensya na nagbibigay ng mga
rekomendasyon para maging batayan ng
mga hakbangin ng pamahalaan sa panahon
ng pandemya.
______10. Programa na nagbibigay ng
pinansyal na tulong sa mga manggagawa
ng pribadong sektor.

11
Magbigay ng tatlong ahensya ng pamahalaan nabanggit sa aralin. Ibigay
ang mga hinihinging impormasyon para mabuo ang talahanayan.
Ahensya Programa Layunin Paano ito nakatulong sa sektor
ng Industriya at Paglilingkod

Dept. of Social Social Pagbibigay ng tulong Karamihan sa maliliit na manggagawa


Work and Amelioration pinansyal sa mga ay nawalan ng trabaho kaya’t ang tulong
Development Program o pamilyang apektado pinansyal mula sa pamahalaan ay
SAP ng para matustusan malaking tulong upang may panggastos
ang pangunahing pa rin ang mga tao, sa kabilang banda
pangangailangan sa ang patuloy na paggastos ng tao ay
panahon ng magiging daan para magpatuloy ang
quarantine. ilang industriya sa paggawa ng mga
produkto at pagbibigay ng trabaho.
1.

2.

3.

Rubrik para sa Karagdagang Gawain

Nilalaman Nakapagbigay ng Kumpleto subalit di- Kulang ang Kulang at di tama ang
kumpleto at wasto naibigay sagot/impormasyon ilang
tamang detalye (10 (8pts) subalit tama. (6pts) sagot/impormasyong
pts) ibinigay. (4pts)

Presentasyon Malinaw at malinis Malinaw ang Di-malinaw subalit Di-malinaw ang


ang pagkakasulat. pagkakasulat subalit malinis ang pagkakasulat at may
(10pts) may bura (8pts) pagkaka- bura (4pts)
gawa (6pts)
Oras Naipasa sa Naipasa nang Naipasa nang Naipasa nang lagpas
takdang araw. lagpas ng 1araw sa lagpas ng 2 araw sa ng 3 o higit pang araw
(5 pts) itinakdang araw ng itinakdang araw ng sa itinakdang araw ng
pasahan (3pts) pasahan (2pts) pasahan (1pts)

Kabuoan 25 puntos

12
Ekonomiks-Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral

Mga Websites

Mines and Geosciences Bureau


This is # Mine Responsibility Economic Contribution CY2019. Mines and Geosciences Bureau, 2020.
https://mgb.gov.ph/images/Mineral_Statistics/mining_facts_and_figures_updated_22_June_2020_fi
nal.pdf.
Employment Situation in July 2019. Philippine Statistics Authority, 2020.
https://psa.gov.ph/statistics/survey/labor-and-employment/labor-force-
survey/title/Employment%20Situation%20in%20July%202019.
Philippine Statistic Authority
2018 Census of Philippine Business and Industry: Economy-Wide | Philippine Statistics Authority.
Philippine Statistics Authority, 2020. https://psa.gov.ph/content/2018-census-philippine-business-
and-industry-economy-wide.
Highlights of the Philippine Export and Import Statistics : May 2019 | Philippine Statistics Authority.
Philippine Statistics Authority, 2019. Accessed March 24, 2021.
https://psa.gov.ph/content/highlights-philippine-export-and-import-statistics-may-2019.
Agricultural Indicators System. Philippine Statistics Authority, 2020.
https://psa.gov.ph/sites/default/files/Publication-AIS-Eco-Growth-signed.pdf.
2020 Annual Preliminary Estimates of Labor Force Survey (LFS). Philippine Statistics Authority, 2021.
https://psa.gov.ph/statistics/survey/labor-and-employment/labor-force-

13
survey/title/2020%20Annual%20Preliminary%20Estimates%20of%20Labor%20Force%20Survey%20
%28LFS%29.
"NCC Calls for Public-Private Sector Collaboration to Improve Ease of Doing Business." National
Competitiveness Council. Accessed March 6, 2021. https://www.competitive.org.ph/stories/1397.
Department of Labor and Employment
DOLE Identifies ‘resilient Jobs’ in NCR. Department of Labor and Employment, 2020.
https://www.dole.gov.ph/news/dole-identifies-resilient-jobs-in-ncr/.
Over 100k OFWs Sent Home. Department of Labor and Employment, 2020.
https://www.dole.gov.ph/news/over-100k-ofws-sent-home/.

Relativo, James. "4-M Pinoy waley trabaho, negosyo ngayong Enero 2021 — PSA." Pilipino Star
Ngayon, March 9, 2021. https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/bansa/2021/03/09/2083097/4-m-pinoy-waley-trabaho-negosyo-ngayong-enero-2021-psa.

Bronio, Lucia F. 'Bayanihan to Heal As One Act' Nilagdaan Na Ni Pangulong Duterte. Philippines
Information Agency, March 26, 2020. https://pia.gov.ph/news/articles/1037241.

Republic Act No. 11494. Offcial Gazette, 2020.


https://www.officialgazette.gov.ph/downloads/2020/09sep/20200911-RA-11494-RRD.pdf.

Crismundo, Kris. SB Corp. OKs P2.3-B Loan Under CARES Program. Philippine News Agency, February
3, 2021. https://www.pna.gov.ph/articles/1129516.
CREATE and RCEP to help PH boost economic recovery and seize opportunities in the reconfiguration
of global value chains. Department of Trade and Industry, 2021.
https://www.dti.gov.ph/news/create-rcep-help-ph-boost-economy/.

Department of Labor and Employment. Philippine Economic Zone Authority. P, 2020.


https://www.peza.gov.ph/documents/dole202009.pdf.

14
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

May akda: Myra Lupera Garcia

Tagasuri – Panloob: Aaron S. Enano


Tagaguhit ng Kober: Gwendelene J. Corañez
Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola

Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihal

Elisa O. Cerveza

Hepe – Curriculum Implementation Division


Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Aaron S. Enano

Superbisor sa Araling Panlipuna

Ivy Coney A. Gamatero

Superbisor sa Learning Resource Management System

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office – Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 682-2472/682- 3989

15

You might also like