You are on page 1of 68

 Galing sa salitang

IDEYA o KAISIPAN
na tuwirang sinusunod
ng tao.
 Isang sistema o
kalipunan ng mga ideya
o kaisipan na
naglalayong
maipaliwanag tungkol
sa daigdig at sa mga
pagbabago nito.
 IDEOLOHIYANG PANGKABUHAYAN – na
nakasentro sa patakarang pangekonomiya ng bansa
at paraan ng paghahati ng mga kayamanan para sa
mga mamamayan.
 IDEOLOHIYANG PANLIPUNAN – tumutukoy sa
pagkapantay-pantay ng mga mamamayan sa tingin
ng batas at sa iba pang pangunahing aspeto ng
pamumuhay ng mga mamamayan.
 IDEOLOHIYANG PAMPOLITIKA – nakasentro
naman ito sa paraan ng pamumuno at sa paraan ng
pakikilahok ng mga mamamayan sa pamamahala.
TOTALITARYANISMO
 Tumutukoy ito sa isang sistemang
pangkabuhayan kung saan ang
produksyiyon, distribusyon at kalakalan ay
kontrolado ng mga pribadong mangangalakal
hanggang sa maging maliit na lamang ang
papel ng pamahalaan sa mga patakarang
pangkabuhayan.
 Ang kapangyarihan ng pamamahala ay nasa
kamay ng tao. Maaring makilahok ang mga
mamamayan nang tuwiran o di-tuwiran.
DIRECT O TUWIRANG DEMOKRASYA,
kung ibinoboto ng mga mamayan ang gusto
nilangg mamuno sa pamahalaan.
(representative). DI-TUWIRANG
DEMOKRASYA kung ang ibinoboto ng
mamamayan ay mga kinatawan nila sa
pamahalaan. Na siya namang pinipili ng mga
pinuno sa pamahalaan.
 Isang doktrina na naabatay sa patakarang
pang-ekonomiya na kung saan ang
pamamalakad ng pamahalaan ay nasa kamay
ng isang pangkat ng tao. Ang pangkat nito
ang nagtatakda sa pag mamay-ari at
pangangasiwa ng lupa, kapital, at mekanismo
ng produksiyon.
 Binigyang diin ang pagtutulungan habang
ang mahalagang industriya ay pag-aari ng
pamahalaan.
AWTORITARYANISMO

 Isang uri ito ng pamahalaan na kung saan ang


namumuno ay nasa lubos na kapangyarihan.
Makita ito sa pamhalaan ng Iran., kung saan
ang namumuno ay siya ring puno ng
relihiyon ng estado, ang Islam.
TOTALITARYANISMO

 Karaniwang pinamumunuan ng isang


diktador o grupo ng taong makapangyarihan.
 Limitado ang karapatan ng mga mamamayan
sa malayang pagkilos, pagsasalita at pagtutol
sa pamahalaan. Pati ang pagpapahyag ng
relihiyon ay hind lubusang sinasang –
ayunan, ngunit hindi naman tahasang
ipinagbabawal.
 Lahat ng desisyon tungkol sa pamamahala at
kabuhayan ay nasa kamay din ng isang grupo
o ng diktador.
 ANG PAGSILANG NG KOMUNISMO SA
RUSSIA.
Noong Marso 1917, ang dinastiyang
Romanov ay bumagsak bunga ng di maiwasang
himagsikan. Ilan sa mga dahilan ang ss;
1. Pulitikal – ang pamahalaan ay
awtokratiko.
2. Pangkabuhayan – mahirap at
makaluma ang pamamaraan ng magsasaka,
maliit ang sahod ng mga manggagawa.
3. Sosyal – walang kalayaang sosyal.
 ANG PAGSILANG NG FASCISM SA ITALY
Sa Italya, ibang ideolohiya naman ang namayani.
Tinatawag itong PASISMO/FASCISM. Ang mga
kondisyon na nagbigay daan sa PASISMO ay ang mga
ss;
1. NASYONALISMO – Hindi nasiyahan ang
mga Italyano sa resulta ng unang digmaang pandaigdig.
2. PAGHIHIRAP SA KABUHAYAN –
Maraming nawalan ng trabaho sapagkat nasira ng
digmaan ang mga sakahan at pagawaan, tumaas ang
bilihin nagkulang ang pagkain at maraming
pangangailangan sa Italya.
3. KAHINAAN NG PAMAHALAAN – Hindi
kinaya ng pamahalaan na lutasin ang suliranin ng bansa,
pinalala ito ng pagkakaron ng mahinang opisyal sa
pamahalaan.
 BENITO MUSSOLINI
- black shirts
- Oktubre, 1922,
naganap ang dakilang
pagmamartsa sa Roma.
- pinilit ng Black
Shirts na buwagin ang
kabinete.
- si Haring Victor
Emmanuel ay napilitang
gumawa ng kabinete sa
pamumuno ng Punong
Ministrong si Mussolini
ang Parliyamento
ay napilitang maggawad
ng kapangyarihan g
diktadoryal kay
Mussolini. Para sa kanya
bigo ang demokrasya,
kapitalismo at
sosyalismo. Sa halip,
itinatag nya ang isang
diktadurang
TOTALITARYAN.
Corporate State. +
 ANG NAZI NG GERMANY
Ang NAZISM ay nangyari sa Germany
simula noong 1930. Isa sa pinakamalupit na
diktaduryang totalitariyan sa makabagong
panahon. Kahawig ng FASCISM at
KOMUNISMO sa Russia.
ang pagnanais na makabawi sa kahihiyan
ng pagkatalo ng mga Alemen sa WWI , at ang
Aleman ang dapat mamuno sa daigdig. Ilan sa
mga layunin ng diktaturayang Nazism ang mga
ss;
1. kahinaan ng Weinar Republic –
republikang itinatag pagkatapos ng unang
digmaan pandaigdig .
Isa sa mga pinakademokratikong pamahalaan sa
buong mundo, ngunit hindi ito pinagtiwalaan
ng tao.
2. kasunduang Versailles - nasaktan ang
nasyonalismong damdamin ng mga Aleman sa
probisyon ng kasunduan.
3. Paghihirap sa kabuhayan – dahil sa
pinsalang dulot ng digmaan at sa malaking
pagkakautang at mga reparasyong babayaran ng
Germany nagkaroon ng Inflation.
 ADOLF HITLER
ang
pinakamakapangyarihang
pinunong Nazi. Isinilang
siya sa Austria at
maituturing na isang
panatikong nasyonalista.
binuo niya ang
National Socialist Party na
tinawag na NAZI. Ang
prnsipyong Nazi ay
nakapaloob sa akdang
“Mein Kampf, Ang aking
Labanan”,.
 Ang kapangyarihang RACIAL –
pinaniniwalaan ng mga Aleman na sila ang
ang nangungunang lahi sa daigdig. Nordic o
Aryano.
 Anti- Semitism – naniniwala ang mga Nazista
na ang mga hudyo na naninirahan sa
Germany ay hindi mga Aleman. Ito ang
naging dahilan ng holocaust o pagpatay sa
mga Hudyo.
 Ang pagbuwag sa Treaty of Versailles .
 Pan-Germanism – ang isang pinalawak na
Germany ay kailangan maitatag, kasama na
ang mga teritoryong nawala sa kanila.
 Pagwasak sa Demokrasya - laban ang Nazism
sa demokrasya at pamamahalang
Parlyamentaryo. Nanawagan silang wasakin
ang republika at itatag ang THIRD REICH na
siyang estadong totalitaryan ng Nazismo.
 hindi tuwirang labanan, digmaan ng
nagtutunggaliang ideolohiya ng
dalawang pinakamakapangyarihang
bansa o superpower.
- United States ( U. S. ) bilang modelo
ng Kapitalismo at demokrasya
-Union Soviet of Socialist Republic
(U.S.S.R.) na nakabatay sa sosyalismo at
komunismo.
 Napanatili ang balance of power o balanse ng
kapangyarihan sa daigdig Tinawag na bipolar
world o daigdig na may dalawang magkaibang
panig
 Naging patakaran ng U.S. at U.S.S.R. Na
manghimasok sa pamamalakad ng mga bansang
tinaguriang THIRD WORLD COUNTRIES
Ito ay orihinal na tumutukoy sa mga bansang
hindi yumakap sa kapitalismo ( mga bansang
industriyalisado sa First World ) o Komunismo ( mga
bansang industriyalisado sa second world ) subalit sa
kasalukuyan, iba’t ibang ideolohiya ang niyakap ng
mga bansang Third World. Sa ngayon tumutukoy ito
sa mga bansang mahihirap, baon sa pagkakautang, at
karaniwang dating kolonya gaya ng Somalia,
Ethiopia, ( Africa ) Vietnam, Laos, Pilipinas ( Asya) at
iba pa.
 Ang United States at Soviet Union ay dating
magkakampi at kasama sa mga bansang
nagtatag ng “nagkakaisang mga bansa.”
Ngunit dumating nga ang pagkakataong sila’y
nagkaroon ng Cold War. Dahil sa pagkakaiba
ng ideolohiyang kanilang pinaniniwalaan. ang
kanilang sistemang pampolitikal ay
nakaapekto sa maraming bansa.
 Upang mapanatili ng Soviet Union ang
kapangyarihan sa Silangang Europe, pinutol
nito ang pakikipag-ugnayan sa mga
kanluraning bansa.
 Dahil sa naputol ang kalakalan, limitado ang
paglalakbay, bawal ang pahayagan, magasin,
aklat at programa sa radyo. Ito ay tinaguriang
Iron Curtain ni Winston Churchill.
- pampolitikang paghahati sa pagitan ng
Soviet Bloc at taga-kanluran.
 Noong 1945, hiniling ni Stalin na magtayo ng base
militar sa bahagi ng Black Sea at Aegean Sea,
bahagi ito ng pagpapalawak ng Soviet Union.
 1947, bilang pagtugon sa kahilingan, nagpalabas
ng patakaran si Harry S. Truman, pangulo ng
Estados Unidos ng TRUMAN DOCTRINE
-ayon dito magbibigay ang U. S ng suportang
pinansiyal , politikal at militar sa mga bansang may
kinakaharap na banta ng komunismo. Ito ay
alinsunod sa polisiyang containment na naglalayong
limitahan ang impluwensiya ng USSR at
pagpapalaganap ng komunismo.
 Naunahan ng Soviet Union ang
United States sa pagpapadala ng
sasakyang pangkalawakan.
 Oktubre 1957, (Panahon ng
kalawakan/ Space Age) sinimulan
ang pagpapalipad ng SPUTNIK I.
 1961Una ring nagpadala ang USSR
ng tao sa kalawakan, si YURI
GAGARIN na unang cosmonaut na
lumigid sa mundo, sakay ang
Vostok I.
 1962, nahigitan ng US ang USSR nang
nakaikot sa mundo nang tatlong beses
si JOHN GLENN JR. gamit ang
sasakyang FRIENDSHIP 7.
 Hulyo 20, 1969, sumunod na
matagumpay na misyon ang naganap
nang unang makatapak sa buwan ang
mga Amerikanong astronaut na si
MICHAEL COLLINS, NEIL
ARMSTRONG at EDWIN ALDRIN.
Hindi rin nagpahuli sa imbensiyon ang
Estados Unidos.
 USS NAUTILUS, unang submarino
na pinatatakbo ng pwersang
nukleyar. Hindi lamang ito
ginagamit ng US sa pandigma
kundi pati sa panahon ng
kapayapaan.
 Ika-10 ng Hulyo , 1962, pinalipad
naman sa kalawakan ang
TELSTAR,
- isang pangkomunikasyong
satellite.
 Sa mga unang bahagi ng Cold War kapuwa
sumunod ang dalawang bansa sa polisiya ng
brinkmanship o pagiging laging handa ng
hukbong sandatahan para sa digmaan. Ang
sumusunod ay ang paraan kung pano
naglaban ang dalawang makapangyarihang
bansa.
 Nagpadala ng espiya ang magkabilang kampo ang
US at USSR. Isinagawa ang pang- eespiya na ito ng
Komitet Gosudarstvennoi Bezopasnosti (KGB) ng
USSR, Central Intelligence Agency (CIA) ng US, at
Secret Intelligence Service (SIS) ng UK.
 1960 – isang kilalang insidente ng pang-eespiya
noong Cold War.
 U-2 – spy plane ng US na pinapagsak ng USSR.
 Oktubre 1962 – natuklasan ng US ang ilang missile
sites sa Cuba na ipinatayo ng pangulo nitong si
Fidel Castro.
 Fidel Castro – isang masugid na tagasuporta ng
USSR na noon ay pinamumunuan ni Nikita
Khrushchev. Tinawag ang pangyayaring ito na
Cuban Missile Crisis.
 Arms Race – Nagtagisan ang US at USSR sa
kung sino sakanila ang higit na
makapangyarihan sa pamamagitan ng
pagpaparami at pagpapalakas armas.
 Mutually Assured Destruction(MAD) – isang
doktrinang militar na nagsasabing sa paggamit
ng mga armas nuklear sa isang digmaan ay
walang panig ang magwawagi at
mawawalan.din ng pagkakataon para sa isang
kasunduan pangkapayapaan.
 1975 – lumagda ang US, USSR, at 33 pang
bansa sa Helsinki Accord sa Finland. Muling
nagbalik ang tensiyon sa pag-upo ni Ronald
Reagan bilang pangulo ng US noong 1981.
 1989 – nagwakas ang Cold War sa Germany
 Sa aking likod nakatayo ang isang pader na
pumapalibot sa malalayang sektor ng
lungsod na ito...na humahati sa buong
kontinente ng Europe...Ngayon sasabihin ko:
hangga't nakasara ang tarangkahan hanga't
ang malapilat na pader na ito ay
pinahihintulutang bukas....mananatiling
bukas....ang tanong ng kalayaan para sa
sangkatauhan. Gayumpaman hindi ako
naparito para mangis. Sapagkat natagpuan
ko sa Berlin ang isang mensahe ng pag-asa,
kahit sa anino ng pader na ito, ang isang
mensahe ng tagumpay. Noong dekade 1950,
hula ni Khrushchev: "ililibing namin kayo".
Subalit sa Kanluran sa kasalukuyan nakikita
natin ang isang malayang mundo na
nagkamit ng antas ng kaunlaran at
kahusayan na hindi pa nasasaksihan sa
buong kasaysayan ng tao. Sa Komunistang
mundo,
 nakikita natin ang kabiguan, atrasadong
teknolohiya, at padalisdalis na antas ng
kalusugan, kahit na pinakapangunahing
uri ng kagustuhan- sobrang kaunting
pagkain. Kahit sa kasalukuyan, hindi
parin kayang pakainin ng Soviet Union
ang kaniyang sarili...Kaunlaran ang
tunguhin ang kalayaan.Hinahalinhan ng
kalayaan ang sinaunang poot sa pagitan
ng mga nasyon ng paggalang at
kapayapaan Kalayaan ang nagwagi.
Secretary General Gorbachev, kung
hanap mo ay kapayapaan, kung hanap
mo ay kasaganaan para sa Soviet Union
at Silangang Europe, kung hanap mo ay
liberalisasyon: Tumungo ka sa
tarangkahan ito! Ginoong Gorbachev,
buksan mo ang tarangkahan! Ginoong
Gorbachev, tibagin mo ang pader na ito!
 Sa ilalim ng bagong patakaran , pinahintulutan ang
mga tao na magtayo ng negosyo at magkaroon ng ari-
arian. Epekto ng mga repormang ito ay nagkaroon ang
mga tao ng pagnanais na higit pang maging malaya
upang mapagpasiyahan ang aspektong ekonomiko at
politikal sa kanilang lipunan. Bagama’t maraming
teritoryo sa USSR ay nag nais ng kalayaan,
 ang LITHUANIA ang unang nag deklara ng kalayaan
nito. Bilang tugon, sinalakay ito ng puwersa ni
Gorbachev upang gawin halimbawa sa iba pang mag
tatangkang tumakas mula sa USSR. Sunod na naging
hamon sa pamunuan ni Gorbachev ang kudeta na
pinangunahan ni Boris Yeltsin. Bagama’t hind ito
naging matagumpay, nagbunsod naman ito sa
pagbibitiw sa katungkulan ni Gorbachev,
PAGBAGSAK NG PARTIDO KOMUNISTA, at
pagkalas ng mga republika mula sa USSR. Mula sa
pagbagsak na ito na makapangyarihang USSR,
tuluyan ng nagwakas ang Cold War.
 Binuo ang INTERNATIONAL MONETARY
FUND (IMF) upang ayusin ang daloy ng malayang
kalakalan sa mundo.
 Kasabay nito ang INTERNATIONAL BANK OF
REHABILTATON AND RECONSTRUCTION
(IBRR) o WORLD BANK upang tumulong sa
gawaing rehablitasyon at rekonstruksyon
 Pagkamatay ni Stalin ng USSR hiniling ng
KHRUSHCLEV ang PEACEFUL CO-EXISTENCE
o mapayapang pakikipamhay sa halip na
makipaglaban pa sa digmaan.
 Isinulong ni MIKHAIL GORBACHEV ang
GLATNOST o pagiging bukas ng pamunuan sa
pamayanan at PRESTROIKA o pagbabago ng
pangangasiwa sa ekonomiya.
 Nagkasundo sina GORBACHEV ng USSR at
RONALD REAGAN ng US na tapusin na ang
ARMS RACE upang maituon ang badyet sa
ekonomiya at pangangailangan ng nakararami
 Maramng imbensiyon ang naisagawa ng
dalawang panig.
 Umigting ang di pagkaunawaang pampolitikal,
pangmlitar, at kalakalan ng mga bansa.
 Bumaba ang moral ng mga mangagawa sa USSR
na dlot ng malaking suliranin sa ekonomiya.
 Nagkaroon ng panbagong banta ng digmaan ng
nagkaroon ng mga samahang pansadatahan tulad
ng NORTH ATLANTIC TREATY
ORGANIZATION (NATO), WARSAW Treaty
Organization o Warsaw Pact, at ikatlong puwersa
o kilusang non-aligned.
 North Atlantic Treaty Organization (NATO) -
Layunin ng samahan na ito na tulungan ang
mga kasaping bansa sa oras na lusubin ito ng
ibang bansa at upang pigilan ang paglaganap
ng komunismo.
 Southest Asia Treaty Organization(SEATO) –
kinabibilangan ng UK, France, Pakistan,
Thailand, Australia, New Zealand, at Pilipinas.
Binuo rin nito ang Central Treaty Organization
(Cento) na kinabibilangan ng Turkey, Iraq,
Iran, Pakistan, at UK.
 Warsaw Pact – sariling Alyansang politikal at
militar ng USSR.
 Neokolonyalismo – tumutukoy sa
patuloy na impluwensiyang
pang-ekonomiya at panlipunan
ng mga mananakop sa mga
bansang dati nilang kolonya,
bagamat wala silang tuwirang
militar o politikal na kontrol sa
mga ito.
 Bago at ibang uri ng
pansasamantala sa mahirap na
bansa
 Ang mga pamamaraan na gamit ng neo-
kolonyalismo upang makuha ang kanilang
gusto sa malayang bansa.
1. PANG-EKONOMIYA – naisasagawa ng
neokolonyalismo sa pamamagitan ng
pagkukunwaring tulong sa pagpapaunlad ng
kalagayang pangkabuhayan ng isang bansa,
ngunit sa katotohanan ay nakatali na ang bansang
tinutulungan sa patakaran at motibo ng bansang
tumutulong.
2. pangkultura – sa pamamaraang ito,
nababago ng neokolonyalismo ang pananaw ng
tinutulungang bansa sa mga bagay na likas na
angkin nito. Bunga ng kulturang dala ng
dahuyang tumutulong o bansang dayuhan,
nababago ang pinahahalagahan ng mamamayan
ng tinutulungan bansa sa pananamit, babasahin
at maging sa pag-uugali.
3. dayuhang tulong o foreign aid – isang
instrumento ng mga neokolonyalismo na maaring
pang-ekonomiya , pangkultura o pangmilitar. Sa
una’y maiisip na walang kundisyon ang
pagtulong, ngunit kung titignan mabuti, may
kapalit ang “libreng” pagtulong.
4. dayuhang pautang o Foreign Debt –
gayundin , anumang pautang na binibigay ay
laging may kaakibat na kondisyon. Kung hindi
susundin ang mga kondisyon, hindi makauutang
ang umuutang na bansa. Dahil dito hindi rin
makaahon sa utang ang mahihirap na bansa.
Tinatawag itong debt trap.
5. lihim na pagkilos (Covert Operation) –
kung hindi mapasundo nang mapayapa,
gumagawa ng paraan ang mga neokoloyalista
upang guluhin ang isang pamahalaan o ibagsak
ito nang tuluyan.
1. Over dependence o labis na pagdepende sa iba –
malinaw na umaasa ng labis ang mga tao sa
mayayamang bansa lalong-lalo na sa may
kaugnayan sa United States.
2. Loss of Pride o kawalan ng karangalan – sanhi
ng impluwensya ng mga dayuhan, nabubuo
sa isipan ng mga tao na lahat ng galing sa
kanluran ay mabuti at magaling, na isang
dahilan kung bakit ang tao ay nawalan ng
interes sa sariling kultura at mga produkto.
3. Continued Enslavement o Patuloy na Pang-
aalipin - totoo ngang ang umuunlad na bansa ay
malaya sa prinsipyo, ngunit sa tunay na
kahulugan ng salitang kalayaan, ang maliit na
bansa ay patuloy pa ring nakatali sa malakolonyal
at makakapitalistang interes ng kanluran. Ang
lahat ng aspeto ng kabuhayan ay kontolado pa rin
kanluran.

You might also like