You are on page 1of 27

Sinasabing ang mga Sumerian ang unang sibilisasyon ng

Mesopotamia (na ngayon ay Iraq) noong panahon ng Eneolithic


at Bronze Age.

Ang Mesopotamia ay kilala din bilang "Cradle of Civilization"


sapagkat dito nagsimula ang sibilisadong lipunan ng tao.

Matatagpuan ang Mesopotamia sa silangan na tinatawag na


"Fertile Crescent". Sa lugar ding ito matatagpuan ang ilog ng
Tigris at Euprates.

Source: Google Images


Ang mga Sumerian ay bihasa sa pagpapalago ng iba't ibang
mga pananim at iyon ang naging hudyat upang sila ay magtagal
sa isang lugar.

Noong panahon ng Neolitiko natatag ang pamayanang Catal


Huyuk sa Anatolia at Jericho sa Israel. Subalit hindi naglaon ay
nangibabaw ang Sumer na naging sentro ng kabihasnang
Mesopotamia.

Ang mga mahahalagang lungsod ng Sumer ay ang Uruk, Eridu,


Nippur, Kish at Lagash.

Ang gusaling Ziggurat na itinatag sa lungsod ng Ur ay naging


simbolo ng pagbibigay karangalan sa kanilang mga Diyos.

Source: Google Images


Ang mga Ziggurat o templo ay ang tahanan ng Diyos ng mga
Sumerian.

Mga Diyos ng Sumerian

AN - Diyosa ng kalangitan
ENLIL - Diyos ng hangin
ENKI - Diyos ng katubigan
NINHURSAG - Diyos ng kalupaan

Mga Ambag ng Kabihasnang Sumerian

Cuneiform

Sinasabing ito ay umusbong noon pa lamang 3000 BC Ito ang


naimbentong sistema ng pagsulat ng mga Sumerian. Ang
Cuneiform ay gawa sa putik. Dito inilalagay ng mga Sumerian
ang batas, epiko, dasal at kontrata ng negosyo.
Source: Google Images

Sumerian Wheel

Nabuo ito noong 3500 BC. Sa pagkatuklas nito ay nagawa nila


ang pinakaunang karwahe. Ang gulong na ito ay gawa sa kahoy
Source: Google Images

Cacao

Ginamit nila ang cacao bilang pamalit ng kalakal at dahil dito,


ang mga Sumerian ang nakaimbento ng unang paraan ng
pakikipagkalakalan.

Matematika

Ang mga Sumerians ay nakabuo din ng komplikadong sistema


ng metrology at dahil dito ay naimbento ang geometry at
algebra. Gumawa din ang mga Sumerian ng multiplication table
sa kanilang Cuneiform tablets.
Source: Google Images

Umunlad ang pamayanang Sumer at naging malayang estado


ito subalit hindi naglaon ay nagkaroon sila ng pag aaway.

Ang pag aaway na iyon ay sinamantala ng mga taga Akkadian,


kaya't nasakop ang mga Sumerian sa pamumuno ni Sargon na
siyang nagtayo ng unang imperyo sa kasaysayan.

Naging masaklap din ang pagtatapos ng Akkadian dahil


sinakop din sila ng Babylon na pinamunuan ni Hammurabi na
nagpatupad ng mga batas na hango sa "Code of Hammurabi"
Ang Sibilisasyong Indus ay mayroong dalawang
pinakamalaking lungsod at ito ay ang Harrapa at Mohenjo-daro.

Dito ay saganang dumadaloy ang tubig ng ilog Indus.

Bihasa rin sa pag gawa ng mga palayok at pag uukit ng bato


ang mga Harappa. Bukod dito ay nakagawa sila ng
komplikadong sistema ng patubig.

Source: Google Images


Naging maunlad din ang pamumuhay ng mga taga Mojenho-
daro. Ang mga bahay nila ay kadalasang dikit-dikit at may
dalawang palapag.

Source: Google Images

Tulad ng mga Harappa, bihasa rin sa pag lililok ng kahoy at bato


ang mga taga Mohenjo-daro.

Source: Google Images

Naging popular na artifact ng mga taga Mohenjo-daro ang


"Dancing Girl" na natagpuan noong 1946. Ito ay gawa sa tanso
at nagkakaedad ng mahigit apat na libong taon na.
Source: Google Images

Ganun din ang artifact na "Priest King" na natagpuan noong


1927.

Matapos ang isang milenyo ng paninirahan sa Indus, humina


ang pamumuhay dito. Ang Mohenjo-daro ay inabandona ng
mga tao sapagkat madalas itong salakayin ng mga tribo.

Ang Harrapa naman ay nagsimulang bumagsak pagkatapos


atakihin ng mga Aryan noong 1500 BCE.

You might also like