You are on page 1of 2

Kabihasnang Mesopotamia

Ang kabihasnan ng Mesopotamia ay isa sa pinakaunang kabihasnan


Na sa buong mundoy natuklasan.
Kung saan ang Mesopotamos ay ang unang kabihasnang nabuo
At nagmula sa salitang greek na ‘meso’
At ‘potamos’ na nangangahulugang lupa sa pagitan ng ilog.
Ang kalupaan dito ay napapagitan ng dalawang malaking ilog
At ito ay ang Tigris at ang Euphrates.
Kilala bilang “fertile crescent” dahil sa pagiging mataba
Ng anyong lupa na dito’y angkop sa kanilang pagsasaka.

Ang Mesopotamia ay matatagpuan sa timog-kanlurang Asya,


Na sa kasalukuyan ito ay ang bansang Iraq na.
Sumerian ay ang unang kabihasnang nabuo at nanirahan sa Mesopotamia
At tinatawag silang Polytheist dahil sa maraming Diyos sila’y naniniwala.
At ang mga pari na hari ang namumuno sa grupo nila.

Sila’y nagpatayo ng templong ziggurat na tanyag na gusali sa Mesopotamia


Bilang lugar sambahan na sa mga pari lamang nakalaan.
Nagtatag ng unang sukat ng distansya at timbang
At lunar na kalendaryong may labing-isang buwan.

Akkadian na nagsimula malapit sa Sumerian bilang maliit na estado,


Na sa galing ng kanilang pakikipagdigma, mga Sumerian ay kanilang natalo.
Akkadian na sa buong Asya ay kauna-unahang nagtatag ng imperyo
Na si Haring Sargon THE FIRST ang namumuno.
Ang mga imperyo na binubuo ng kaharian at malaking estado,
Kung saan emperador naman ang tawag sa mga namumuno dito.

Sila ang nagpasimula sa isang uri ng pamamaraan ng paghatid ng sulat at mensahe


Upang maayos na maintindihan ang kanilang mga sinasabi.
Kasabay ng pagkamatay ni Haring Sargon,
ay siyang pagbagsak ng kanilang sibilisasyon.

Nabuo ang kabihasnan ng mga Babylonian,


Mula sa mga labi na naiwan ng imperyong Akkadian.
Ang grupo na ito ay pinamunuan ni Haring Hammurabi
At sila ang sumulat ng pinakaunang batas sa kasaysayan, ito ay
Ang Code of Hammurabi.
Na isang batas na may malupit na kaparusahan.
Para sa mga krimen na nagawa ng mga Babylonian.
At nagsisilbi ring gabay upang magkaroon ng isang organisadong lipunan.
Sa kabihasnang Babylonian, narito rin ang pag-aaral ng astronomiya at matematika
Pinakamatandang akdang pampanitikan
Na natuklasan sa kasaysayan ng daigdig ay ang Epiko ni Gilgamesh
At Hittite na naging tanyag sa pagmina ng mineral
At paggamit ng bakal bilang materyales
Sa paggawa ng mga armas at mga gamit sa pangangaso.

Kabihasnang Assyrian na kilalang imperyo na


Gumapi sa mga Hittite at Babylonian.
Kinabibilangan ito ng mga malalakas at mababagsik na mga mandirigma.
Ang kanilang pinuno na si Ashurbanipal ay naging tanyag,
Dahil sa kauna-unahang sistematikong aklatan sa lungsod
Ng Nineveh na kaniyang itinatag.
Na kung saan ang lungsod ng Nineveh ang naging simbolo
Ng kalupitan ng kanilang estado.

Ambag ng Kabihasnang Chaldean ay ang panghuli


Na humalili sa mga Assyrian matapos nilang magrebelde.
Mga angkan na nanggaling sa mga Babylonia
Sa pamumuno ni Nabopolassar sila’y kasama.
Sa ilalim naman ng pamumuno ni Nebuchadnezzar,
Naipatayo ang tanyag na Hanging Gardens of Babylon
Na isa sa mga itinuturing na Seven Wonders of the Ancient World.

You might also like