You are on page 1of 2

Kabihasnang Mesopotamia, Sumerian,

Babylonian, Hittite, Assyrian.


BENEDICTO- Magandang araw sa inyong lahat! Narito kami ngayon para sa nagbabagang balita tungkol
sa Kabihasnang Mesopotamia, Sumerian, Babylonian, Hittite at Assyrian!

CLARENCE- Magandang araw sa iyo! Narito ako ngayon para magbalita tungkol sa mga Kabishansan ng
Middle East. Ang unang urban na kabihasnan sa makasaysayan na rehiyon ng silanganing Mesopotamya,
kasulukuyang araw na timog Irak, noong mga panahong Chalcolithic at maagang panahong Tanso, at
marahil ang unang kabihasnan sa mundo kasama ang Sinaunang Ehipto. Ang kabihasnan o sibilisasyon
ng Mesopotamia ay isa sa pinakauna at pinakamatandang kabihasnan na natuklasan sa buong mundo.

MANALAD- Ipaliwanag mo ang katangian ng lupain dito.

CABRAL-Sige! Ang kalupaan dito ay napapagitan ng dalawang malaking ilog, ang Tigris at ang Euphrates.
Kilala bilang ”fertile crescent” dahil sa pagiging mataba ng anyo ng lupa dito na angkop sa kanilang
pagsasaka.

_______ Maraming salamat sa iyong paliwanag. Maraming tao ang gustong malaman ang tungkol
sa Sumerian. Maaari mo bang ipaliwanag o mgbigay ng pahayag tungkol dito?

MANALAD – Maraming salamat sa iyong tanong. Ang Sumerya, Sumeria o Sumer ay tinatayang "lupain
ng mga sibilisadong hari" o "katutubong lupain" ay ang unang urban na kabihasnan sa makasaysayan na
rehiyon ng silangang Mesopotamya, kasalukuyang araw na timog Irak. Noong mga panahong
Chalcolithic at maagang panahong Tanso, at marahil ang unang kabihasnan sa mundo kasama ang
Sinaunang Ehipto. Habang naninirahan sa kahabaan ng lambak ng Tigris at Euphrates, ang mga
Sumeryong magsasaka ay nakapagtanim ng kasaganaan ng mga butil at iba pang mga pananim, ang
kalabisan ng mga ito ang nagbigay-daan upang manirahan sa isang lugar.

MANALAD Maraming Salamat, may iba ka pa bang gustong ipahayag?

BENEDICTO- Oo! Ang Babylonia ay isang sinaunang sibilisasyon na matatagpuan sa rehiyon ng


Mesopotamia, na kasalukuyang Iraq. Kilala ang Babylonia sa kanilang ugnayang kultura, kasama na rito
ang kanilang sistema ng pamamahala, legal na batas, astronomiya, matematika, at panitikan. Ang mga
Babylonian ang nagpatuloy ng kultura ng Sumeria. Ginawa nilang pangunahing diyos si Marduk at patron
ng Babylonia.
MANALAD- Ano naman ang mga Hittites at ang Assyria?

MAYUGA- Ang Kabihasnang Assyrian ay ang pinaka malupit na imperyong na itatag sa Fertile Crescent.
Sa pamumuno ni Haring Ashurbanipal, na nakapag tatag ng unang aklatan sa kasaysayan na merong 32
clay tablets Nilalaman nito ang kadakilaan ng Imperyong Assyrian habang ang Kabihasnang Hittites ay
nagmula sa rehiyon ng Anatolia, sa kasalukuyang Turkey, noong Ikalawang Milenyo BCE. Itinatag nila ang
kanilang kaharian, ang Hittite Empire, na umabot sa kahabaan ng Anatolia at bahagi ng Hilagang Syria.
Kilala ang mga Hittites sa kanilang mahusay na sistema ng pagsusulat na tinatawag na Hittite hieroglyphs
o Hittite cuneiform.

OUTRO

Maraming salamat sa mga ngulat ngayon. Nawa’y namulat ang ating mga isipan sa mga ntunghayan ntin
sa araw na ito. Muli, maraming samalat sainyo. Hanggang sa muli

You might also like