You are on page 1of 1

Ang librong ito ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa mga

sinaunang kabihasnan. Isa na sa mga kabihasnang ito ang


Sumer, na umusbong sa Mesopotamia kung saan nagtagpo ng
ibat ibang grupo ng tao ngunit di naglaon ay nangibabaw ang
Sumer at kinilala bilang unang sibilisadong lipunan ng tao.
Ipinakilala nila ang cuneiform na kinikilala ngayon bilang unang
sistema ng pagsulat. Isa pa sa mga sinaunang kabihasnan ay ang
Shang. Naging tagpuan ng kabihasnang Shang ang ilog Huang
Ho. Ang taunang pagbaha sa ilog na ito ay naging hudyat upang
magtulong-tulong ang tao sa paghahanda para rito. Ang
pagsusulat ang naging importanteng bahagi ng kulturang
Tsino. Calligraphy ang sistema ng kanilang pagsulat na
nagsilbing tagapag-isa ng mga Tsino.Ang isa pang sinaunang
kabihasnan ay ang Indus. Bago pa man umunlad ang
kabihasnang ito ay may mga pamayanan nang natatag noong
panahon ng Neolitiko. Pinalagay na ang mga Dravidian ang
bumuo ng kabihasnang Indus. Salat sa likas na yaman ang
Indus tulad ng metal at kahoy kayat pagsasaka ang naging
pangunahing gawain dito. Mahiwaga ang kabihasnang Indus
dahil maraming katanungan ang hindi masagot ng mga
arkeologo. Hindi naging malinaw ang paglaho ng kabihasnang
Indus dahil walang bakas ng digmaan. Hindi rin malinaw kung
may kinalaman ang Aryan sa paglaho nito.

You might also like